[Enca 2] Kabanata 23: Ang Balak ni Lira


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



continued summary from jeinalem.i.ph

some place in devas.

Lira: bad trip naman o pano ko na makikita si cassandra nyan? pano na si inay at si itay? pano na ako makakapunta sa encantadia?

naalala ni lira ang pag-uusap nila ni armeo.

flashback mode

Lira: Nabigo ako ylo.

Armeo: Ikinalulungkot ko subalit wala na tayo magagawa. kailangan mo ng tanggapin ang katotohanan na ang iyong bagong mundo ay wala na sa encantadia kundi nandito sa devas.

Lira: hindi ko ito kayang tanggapin. oo, aaminin ko hiniling kong mamatay pero pinagsisihan ko iyon dahil ngayon gusto ko makasama ang aking anak. ayoko maramdaman niya ang naramdaman ko noon na wala sa tabi ko ang aking ina. hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal nya. kaya ngayon gusto kong nasa tabi ko lang lagi ang aking anak. gagawin ko ang lahat kahit pa magalit si galatea at si emre. kahit hindi sila pumayag.

end of flashback mode

Lira: haay..


sa kagubatan.
magkasama si aquil at alena. nakita nila ang mga tuyong mga halaman.
Aquil: nararamdaman ng mga halaman ang pagkawala ng brilyante ng lupa mula kay danaya.
Alena: syang tunay aquil. kapag nagpatuloy ang tagtuyot mauubos ang sangkapa sa paggawa ng panea. magugutom ang mga engkantado.

sinamo ni alena ang brilyante ng tubig.

Alena: Ngayon din ay inuutusan kita, maghatid ka ng tubig sa mga natutuyong halaman.

nagkaroon ng bukal sa bawat puno ng halaman.


malapit sa batis ng katotohanan.
nag-uusap naman sina amihan at pirena. di nila nakikita na nakikinig si hagorn sa kanila.

amihan: pirena, kahit itanggi mo nararamdaman ko ang labis na pagkahati ng iyong damdamin dahil sa pagbabalik ni hagorn.
pirena: (umiiyak siya) tinawag niya kong anak kanina.sa kauna-unahang pagkakataon nakamit ko ang pinakamimithi kong pagkilala mula sa aking ama.tinawag niya akong anak.


back to aquil and alena scene.
Aquil: mahusay ang iyong ginawa alena.
alena: gagawa pa ako ng maraming sapa upang magkaroon ng bagong buhay ang ating mga halaman at pananim
Aquil: mainam na mungkahi siguradong makakaraos ang lahat ng nilalang sa iyong naisip.

naglibot na sina aquil at alena. pagkaalis nila siya namang pag-orb in ni danaya. nakita niya ang paligid na tuyot at ang bukal na ginawa ni alena.

danaya: ang aking brilyante...kailangan ko mabawi ang aking brilyante.


back to amihan and pirena scene.
amihan: pirena alam kong sabik ka sa pagmamahal ng isang ama. ngunit nakikiusap ako na labanan mo ang damdamin mong iyan dahil ayaw na kitang makitang mapahamak muli sa kamay ng ating mga kaaway.

labis ang pagiyak ni pirena.

amihan: pirena, ayoko na magkaroon pang muli ng hidwaan sa pagitan nating magkakapatid. alam kung maaring labanan mo, labanan mo.

niyakap ni amihan ang lumuluhang si pirena. nakamasid at nakangisi si hagron sa kanila.


some place in devas.
nakaupo pa rin si lira nang biglang lumitaw ang kahon ng susi sa lagusan papuntang encantadia.

lira: ang kahon ng susi.

dinampot ito ni lira.


sa sapiro/hallway.
nakabalik na sa palasyo sina amihan at alena. nag-uusap sila.habang nakamasid sa malayo si ybrahim.

alena: nagawa ko ng paramihin ang mga sapa dito sa encantadia upang mapagkunan ng mga isda at halamang dagat. maaring kainin ito ng mga engkantado kapalit ng mga namamatay na halaman.
amihan: mabuti ito kung ganun. ang kinakailangan na lang nating gawin ay maghanda kung saka-sakaling sumalakay si avria at si hagorn.
alena: sana lang ay di na madagdagan ang kanilang mga kakampi.nakakaramdam na rin ako ng takot.

lumapit sa kanila si ybrahim.

ybrahim: hwag kang matakot kung dumarami sila alena. pagkat tayo'y mayroon din bagong kakampi. konting hasa pa at alam kung magiging tulad ko rin sya na magaling sa pakikidigma.
amihan: ngunit sino ang iyong tinutukoy ybrahim?
ybrahim: si arman, ang aking ampon
alena: paano naman tayo matutulungan ng isang paslit?
ybrahim: hindi na siya isang paslit. sapagkat yan na sya. nasa hustong gulang. agad lumaki marahil upang makatulong sa atin.

lumapit sa kanila ang binatang si arman. nagkatinginan sina alena at amihan. nag-aalala ang mukha ni alena.


somewhere in devas.

binukasan ni lira ang kahon ng susi. naroroon ang bilog na susi.

lira: ang bilog na susi.

kinuha niya ang susi at tinapon ang kahon :) (si lira talaga)

lira: teka, sino kaya ang nagbigay nito?imposible namang si emre at lalong imposible namang si galatea. ylo armeo? (sumisigaw si lira) ylo armeo ikaw ba ang nagbigay nito? teka, oo nga pala. bawal ka nga palang magsalita. baka sumabit ka? salamat ha? :)


sa kagubatan.
nagkatipon-tipon ang mga hathor. dumating si hagorn.
hagorn: avisala mga hathor.
tuwang-tuwa si hagorn at gulat naman ang mga hathor.
hagorn: alam kong nagulat kayo sa aking pagdating. ngunit ako nga ito. ang inyong nagiisang panginoon na muling nabuhay upang pamunuan kayo sa paghihiganti sa ating mga kaaway. ivo live hathoria .. .atin ang encantdia.
sigawan ang mga hathor.

sa isang sulok, pinagmamasdan ni pirena ang kaganapang ito.


sa isa pang part ng kagubatan.
nakikipaglaban si avria sa mga kawal na sapiryan. pinagpapatay niya ang mga ito. pinagmamasdan siya ni danaya sa di kalayuan. galit na galit si danaya.


sa sasakyang panghimpapawid nila cassandra.
nakatulog si wahid, wantuk at cassandra. si apek ang nagpapaandar ng sasakyan. biglang nagising si cassandra.
apek: magandang araw sa iyo cassandra.
cassandra: di ka pa yata nagpapahinga apek
apek: pan naman ako makakapagpahinga sabay akong tinulugan ng dalawang iyan.

biglang nagising si wahid. napabangon ito. at pati na rin si wantuk.
wahid: ahahhah.
wantuk: may dragon
cassandra: bakit wahid?
wahid: nanaginip ako binisita raw ako ni sanggre amihan at sabi niya'y ingatan daw kita.
wantuk: naku alam na ni sanggre amihan kung saan tayo patungo.

nagkatinginan sila.


sa punjabwe.
nagkakatipon ang mga punjabwe. hawak ni luntian si armea. nakatayo si azulan, rosas, at violeta. nakaupo si dilawan.
dialwan: rosas, muli mo na naman ba nakita sa iyong mga baraha ang kamatayan ni haring ybrahim.
rosas: oo dilawan.ngunit mas malala ngayon sapagkat nakikita ko sa aking baraha na nalalapit na ang kanyang kamatayan ng dahil sa kanyang anak.
azulan: yun siguro ang dahilan kung bakit inalayo sa kanaya ang kanyang anak.
rosas: maarin nga azulan kayat tama ka mas lalong huwag muna nating ibigay ang sanggol pagkat natatakot ako na kung sino man ang kumuha sa bata ay maaring patayin nya maprotektahan laman si haring ybrahim.
diawan: kawawang sanggol, kawawang paslit.


sa sapiro/bulwagan.
tinuturuan ni ybrahim si arman sa espada. nakatanaw sa kanila si alena at amihan.
ybrahim: magaling. magaling arman. kailang lamang ay isa ka pang paslit na idinuduyan lamang sa aking bisig ngayon ah sadyang napakabilis ng iyong paglaki.
arman: ako man aynagulat din haring ybrahim sa aking paggising ay ganito na ako kalaki. di ko alam kung ano ang nangyari.
ybrahim: tulad ka nga ng aking anak na si kahlil tulad mo ay mabilis rin ang kanyang paglaki kaya wala ka dapat ikabahala.ang mahalaga ay maayos ang iyong kalusugan at kaisipan. sya nga pala dadalhin kita sa aming mananahi upang magawan ng kasuotan. tayo na. saka ko na itutuloy ang pagturo ng paghawak ng espada.

umalis na ang dalawa.

amihan: labis ang pagkatuwa ni ybrahim kay arman di ba? parang anak na turing niya rito.
alena: kaya nga natatakot ako amihan
amihan: bakit? hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nawawala ang pagdududa mo kay arman
alena: hindi ko alam kung bakit, ngunit habang lumalaki at nagkakagulang si arman ay lalo tumitindi ang kaba at pagdududa ko sa kanya.
nag-aalala si alena.


sa isa pang part ng kagubatan.
nag-transform si danaya as winged horse at sinugod nito si avria. tinadyaka nya si avria at natumba ito.

danaya: mamatay ka na avria.


sa sasakyang panghimpapawid nila cassandra.
wantuk: bumalik na tayo sa sapiro ngayon din.
cassandra: hindi ako papayag. hindi tayo babalik ng sapiro hanggat di ko nakikita ang aking ina. apek, paandarin muli ang ating sasakyan.
apek: pero cassandra..
cassandra: sige, iiyak ulit ako. gusto nyo?
wantuk: ang mga sanggre talaga kahit paslit sobrang magalit
cassandra: ano sabi mo?
wantuk: ang sabi ko ang mga sanggre talaga kahit paslit sobrang marikit.
kinurot ni wantuk ang pisngi ni cassandra.
niyaya ni wantuk at apek sa unahan ng sasakyan.


some place in devas
Lira: teka, san kaya ang pinto papuntang encantadia.

sinubukan ni lira ang isang pinto.


back to danaya and avria scene.
tumayo si avria at nilabanan si danaya. naglaban sila. natalo ni danaya si avria. ngunit dumating si arkrey at nasugatan nito si danaya. napaupo si danaya.

danaya: arkrey...


some place in devas
sa huling pintuan, nabukasan di ni lira gamit ang susi.
Lira: sa wakas, tyumempo rin.sa wakas makakabalik na ako ng encantadia.

palabas na sya ng pinto pero lumabas ang dalawang kawal na nakamaskara.

Lira: naku naman bakit ngayon pa kayo sumulpot? sige na naman o palabasin nyo na ako. kailangan ko ng bumalik sa encantadia.

di tumitinag ang mga nilalang.

Lira: ayaw nyo? ayaw nyo ha gusto nyo talaga ng sakit ng katawan ah.


back to danaya and avria scene.
tumayo si avria. tinutukan si danaya.
arkrey: sige avria. patayin mo sya avria. parusahan mo sya.
avria about to strike pero dumating si aquil.

danaya: aquil...

nilabanan ni aquil si arkrey at si danaya si avria. nang magkadikit ang kanilang likuran, nagpasya silang mag-orb out.


sa lireo.
nag orb in sila danaya at aquil.nanghina si danaya dahil sa sagat. inalalyan siya ni aquil.

auqil: danaya, sugatan ka. hayaan mo maghahanap ako ng lunas
danaya: hwag mo akong intindihin aquil mababaw lamang ito. hindi ito magiging sanhin ng aking kamatayan.

kumalas is danaya sa pagalalay ni aquil.sinermonan ni aquil si danaya.

aquil: kung hindi ako dumating, marahil ay hindi lamang iyan ang nangyari sayo.baka pinaslang ka na nila avria at arkrey. hindi ka dapat sumusugod ng ganito lalo nat wala sayo ang iyong brilyante. naiintindihan mo ba?
danaya: inuuutusan mo ba ang reyna ng lireo?
aquil: hindi reyna ng lireo ang inuutusan ko kundi ang diwatang mahalaga para sa akin kaya sa pagkakataong ito ako ang sundin mo. hindi ka aalis dito ng hindi ko alam at hindi ka rin susugod sa mga kaaway ng hindi ako kasama. naiintindihan mo?
danaya: pasalamat ka mahal...pasalamat ka sugatan ako aquil kaya di muna kita kokontrahin ngayon. maari bang ihanap mo ako ng lunas. (asus)


back to lira, some place in devas,
nakipaglaban si lira sa mga nagbabantay at natalo nyang lahat ito.

Lira: Goodbye Devas. (si lira talaga iba ang mga hirit :)


itutuloy sa next episode...


0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 23: Ang Balak ni Lira”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3