sapiro/hardin:
umawit si alena ng malungkot na kanta para kay armea. narinig ito ng dalawang diwata at naawa sila kay alena.
"dumating na ang ligaya sa sapiro, dumating na ang tagapagmana ni ybrahim" (in enchanta
yung kanta ni alena)
punjabwe:
asar na asar pa rin sina violeta at luntian sa walang tigil na pag-iyak ni armea. bakit hindi daw ibalik na ang sanggol sa ina nitong si sanggre alena. ayaw pumayag ni azulan dahil baka may masamang mangyari sa bata. naipayo ni dilawan na kailangan ng palakihin si armea para tumigil na ito sa kaiiyak. tanong nila luntian at violeta kung paano raw ito palalakihin?
sapiro/bulwagan:
tinuturuan ni ybrahim si arman ng espada. tinamaan nya si arman at napaupo ito sa sakit. pinayuhan si arman na mag-aral mabuti at kilalanin ang kanyang kaaway. tumayo si arman at
naglaban sila ulit. sa pagkakataon ito si arman naman ang nakatama kay ybrahim. pinuri ni
ybrahim si arman at nagpasalamat si arman. "salamat, haring ybrahim". sagot ni ybrahim
bakit hindi na lang Ama ang itawag niya sa kanya. sya naman ang nagpalaki kay arman.
nagyakap sila. sa isang sulok ay tuwang pinagmamasdan sila ni odessa.
hathoria:
namasdan ni pirena ang pagtitipon ni hagorn sa mga hathor. naramdaman ni hagron ang presensya ni pirena na sinusundan sya nito. pinalabas ni hagron si pirena. nag-usap ang mag-ama. (here some of their dialogue)
pirena: di ko akalain na makikita ulit kita. di akalain na bubuhayin ka ni ether upang maging kalaban ng aking mga kalahi.
sumagot si hagorn na ang mga hathor ang kalahi ni pirena.hinikayat niya ito na sumapi sa kanila.sinagot ito ni pirena na sa halip na sya ang sumapi bakit hindi sya ang sumapi sa kanila. naniniwala pa rin si pirena na mabuti ang kanyang ama dahil nakita minsan nakita na niya ang kabutihan nito ng bumalik sila sa nakaraan. tanging sagot ni hagorn ay nagsasayang lang ng oras si pirena dahil hindi sya kakampi sa kanila.
devas:
hinanap ni galatea si lira kay armeo. sumagot si armeo na naglalakbay na papuntang encantadia si lira. humingi siya ng tawd kay galatea dahil sa hindi niya matiis si lira binigay nito ang susi. natatakot si galatea sa maaring ibunga ng pag-alis ni lira. maaring mawala ang isa sa kanyang mahal sa buhay.
hathoria:
tuloy pa rin ang usapan ng mag-amang hathor. sinasabi ni pirena na nang magbalik sila sa nakaraan nakilala niya ang batang hagorn na ibang-iba ngayon sa nakilala niyang hagorn. sabi ni hagorn labis siyang nasaktan noon. sagot ni pirena na matagal na iyon, nakikiusa si pirena naibalik na niya ang dating hagorn at bumalik sa liwanag. sagot ni hagorn na ang sakit sa kanyang dibdib na bunga ng pagtataksil ni minea at raquim ay laging sariwa at wala na ang hagorn na na kilala niya sa nakaraan at patay na ito.nakiusap si hagorn na huwag na tumulad si pirena kay minea at raquim na pinagtaksilan siya.
hagorn: kailangan kita anak.
punjabwe.
sinagot ni dilawan na para mapalaki na kaagad si armea ay kailangan itong mapainom ng katas ng azurka. matatagpuan ang ang halamang ito sa bandang hilaga ng lireo. ngunit mapanganib ang pagkuha nito.
hathoria:
pirena: ayaw na kita makaaway ama.
hagorn: kaya sumama ka sa akin. umanib ka sa akin.
iniabot ni hagorn ang kamay niya kay pirena. pero di ito inaabot ni pirena. malungkot na nag-orb out si pirena. galit na galit si hagorn. he sends power blasts everywhere..
sapiro/hardin:
nakaupo si pirena sa isang sulok. umiiyak ito. mula sa likuran niya niyaya siya ni amihan na pumas sa loob. hindi sya sumasagot. nilapitan siya ni amihan at nakita ang pagluha nito.
amihan: bakit?
pirena: ngayon lubos ko nalaman bakit ayaw ni ina na maging reyna ako dahil sa masamang
dugo ko. Muli ko makakaaway ang aking ama na maaring kumitil sa buhay niya ay ako. hindi ko alam kung hanggang kelan ko sya matitiis. iyak ng iyak si pirena. niyakap siya ni amihan.
sapiro/silid ni arman:
nagpa-praktis ng espada si arman. mag-isa lang sya. pinanonood sya ni odessa. nilapitan nito si arman.
arman: sino ka?
odessa: nagpakita ako nung paslit ka pa.
flashback: bata pa si arman, sabi ni odessa dito na siya ang kaibigan niya.
arman: natatandaaan na kita.Mabuti at binisita mo muli ako.
niyakap niya si arman.
odessa: sabik na akong mayakap ka.
arman: paumanhin. bakit magaan ang loob ko sayo?
odessa: di na mahalaga iyon atn mahalaga nandito ka sa sapiro kapiling ng isang hari na nagmamahal sayo.
avria shimmers in. nakita niya ang tagpong ito.
punjabwe:
umaangal sina luntian at violeta kay dilawan kung mapanganib daw ito eh bakit gusto niyang ipakuha ang halaman. gusto ba raw ni dilawan na mamatay sila. sagot ni dilawan na nagbibigay lang siya ng payo sa kanila. sumagot si azulan na di siya natatakot at kukuhain niya ang halaman para lumaki na si armea. sabi ni rosas kung palalakihin nila agad ang sanggol paano ito makikilala ng kanyang mga magulang. sagot ni azulan na may marka sya at natitiyak sya na makikilala ito ng kanyang ina. umalis na si azulan para maghanda patungong hilagang lireo.
lireo:
pinagaling ni ybrahim ang sugat ni danaya. naghahanda na sila amihan para hanapin sina avria at arkrey. gustong sumama ni danaya ngunit ayaw siyang pasamahin ni aquil. sumagot si danaya na sumusobra na si aquil. tiniyak ni amihan kung talagang maayos na si danaya. tumango ito.
gubat:
nag-uusap avria at arkrey dumating si hagorn at sinabi ni hagorn na hindi niya nahikayat si pirena. sabi ni arkrey sana din na niya pinagtanggol si pirena. sabi ni avria na kailangan pa nila ng isang nilalangnag. nag-shimmer in si ether(ahas). maari raw silang tulungan ng isang nilalang na magagamit laban sa kaaway. si arman raw iyon.
lireo:
paalis na sila amihan, danaya at ybrahim. sasama na rin si aquil. dumating si muros.
muros: magugulat kayo sa nakita kong pumasok. pumasok si lira. nagulat ang lahat.
lira: inay...itay.
unang lumapit si amihan kay lira. niyakap niya ito. sumunod si ybrahim niyakap nya rin si lira. hinawakan ni amihan ang kamay ni lira.
amihan: lira, totoo ba ito o panaginip lang?
lira: totoo ito. nagbalik ako para sa mga mahal ko.
itutuloy...
Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia
Encantadia on wikipedia
Etheria Treasury Video Fansite
0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 24: Ang Mag-amang Hathor”
Leave a Reply