[Enca 2] Kabanata 26: Ang Lipi ni Arman


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



ang nakaraan:

sinugod ni hagorn at arkrey ang adamya.
hagorn: ang mahalaga ay masakop ko ang adamya at muling matakot sa akin ang buong encantadia
dumating si alena.
alena: sandali lang mga hathor.
pinaulanan niya ng blasts ang mga hathor.
dumating si pirena.
hagorn: pirena...
nilabanan ni pirena sina hagorn.
pirena: umalis ka na! at hwag mong idadamay ang hathoria!umalis ka na!
--
nagkatipon sina ybrahim, amihan, danaya, aquil, at muros. nakita nilang dumating si lira.
ybrahim: nakapabuti ni bathala.mabuti't pinayagan ka niyang bumalik dito.
lira: tumakas lang ako.
tumawa si danaya.
danaya: ibang klase ka talaga pamangkin.pasaway ka pa rin.
--
narating na nila azulan ang bundok kung saan naroon ang azurka.
kahel: ilapag mo na ang bahaghari. tayo na...
--
kagubatan. nakaluhod si odessa at tinutukan siya ni avria ng espada.
avria: hindi dapat malaman ng anak mo na si ybrahim ang kanyang ama.hindi nya maaring malaman dahil magiging sagabal ito sa binabalak ko para sa anak mo.--
sa sasakyan nila cassandra.
wantuk: ang laking lobo o.tinganan mo cassandra bilis.
cassandra: hindi yan lobo wantuk, mga hathor yan.
--
sa lireo. hinahanap ni lira si cassandra.
lira: asan nga pala si cassandra?
ybrahim: nagtungo siyang devas upang sunduin ka
amihan: wag ka ng mabahala. natitiyak kong hindi pababayaan nila wahid si cassandra.
--
binaba ng mga hathor ang sasakyan nila. naglaban sina wahid at mga hathor. nahulog si cassandra.
cassandra: wahid!

Kabanata 26: Ang Lipi ni Arman

sa sapiro
pinaayos ni ybrahim ang magiging silid ni lira.dumating si alena.
ybrahim: ayusin nyong mabuti ang silid na ito. ito palitan nyo ng pinaka-makinis na seda at ang unan pinakamalambot na bulak.wisikin nyo rin ng pinakamabanong talulot ang buong paligid.
alena: bakit ybrahim mayu inaasahan ka bang panauhin?
ybrahim: hindi ka maniniwala, nandidito si lira. nagbalik mula sa devas
alena: talaga?nasaan siya?
ybrahim: kasama nila amihan at danaya. ngunit kabilin-bilanan ko na dito muna siya manirahan.ang saya-saya ko alena. hindi ko talaga inaasahan na makakasama ko ulit ang anak ko.tuwang-tuwa ako.

nalungkot si alena. naupo ito sa kama.

ybrahim: bakit alena? hindi ka ba natutuwa na nandidito si lira?
alena: mabuti ka pa ybaro. makakasama mo ng muli ang iyong anak.hindi katulad ko.sadyang malupit sa akin ang tadhana pagdating sa aking mga anak.palagi na lang sila nawawala.

niyakap ni ybrahim si alena.


sa kagubatan.
may ginugulong 2 diwata ang mga hathor.nag-orb in sina lira, amihan at danaya.
lira: hoy mga hathor..na-miss ko kayo ah.
nilabanan nila lira, amihan at danaya ang mga hathor. nakasilip si ether sa labanan ng mga sanggre. nakita siya ni lira. ginamitan nila lira, amihan at danaya ng power blastas ang mga hathor. natalo nila ang mga ito.

lira: inay,
amihan:bakit
lira: may nakita akong babae doon na nakatingin sa atin.bigla na lang siya nawala eh.
nag-alalang nagkatinginan sila.


sa batis.
hinihugasan ni avria ang sword na ginamit niya ng saksakin niya si odessa. nag-shimmer in si ether(ahas).
ether: sa tingin mo'y mahuhugasan ng tubig na yan ang dugo ng iyong kalahi, avria?
avria: mahal na bathaluman.
ether: bakit mo pinatay si odessa?
avria: pagkat sagabal siya sa ating mga plano. wala akong magawa kundi ang patahimikin sya.
ether: nababawasan ang aking mga alagad ngunit nadadagdagan aking mga kaaway. may nagbalik na naman mula sa devas.
avria: sino?
ether: lira ang kanyang pangalan. siya ay anak ni amihan at ybrahim.
avria: ano ang mgagawa niya laban sa atin?
ether: hwag mong maliitin ang kanyang kakahayan pagkat minsan na niyang iniligtas ang encantadia sa kapahamakan. kaya kumilos ka na avria. gamitin mo ang kapangyarihang ipinagkaloob ko sayo. kumilos ka na upang isa-isang mawala ang ating mga kaaway.


sa lireo.
lira: ether?inay, sinong ether?
amihan; tulad ni emre, isa rin siyang bathala. siya ang nangangalaga sa ating mga kaaway na pinamumunuan ni avria.marahil siya ang nakita mo kanina.
lira: kung isa siyang bathala?naku delikado tayo, inay. maari niya tayong gamitan ng kanyang magic.
danaya: hindi nila magagawa iyon hanggat di nila nakukuha ang apat na brilyante pagkat yun ang nakatalo sa kanila noon. yun ang una nilang aagawin ngayon.
lira: kaya ba ninakaw niya ang brilyante mo ashti.
danaya: kailangan mabawi ko na. di ko nga lang alam kung paano.
aquil: ngayon alam mo na kung gaano kapanganib ang ating mga kaaway lira. kaya't aasahan ko na maging kapaki-pakinabang ang iyong pagbabalik.
lira: makakaasa kayo dahil ayaw kong manirahan ang aking anak sa mapanganib na lugar.


sa kalangitan.
nahuhulog si cassandra pero maya-maya ay nabalanse na nya ang kanyang katawan at lumutang na siya sa hangin. unti-unit siyang bumaba sa isang kweba.

cassandra: nakakalipad pala ako. siguro namana ko ito kay yla amihan.

hawak ni cassandra ang kantao ni lira.

cassandra: nasa devas na kaya ako?ina?ina?

may lumipad na pulang pashena kay cassandra.

cassandra: napakagandang pashnea.

ngunit umalis ito kaagad ng marinig ang isang ungol.

cassandra: sandali hintayin mo ako..

nasalabong ni cassandra ang higanteng halimaw. sinugod siya nito at nabitawan niya ang kantao.


sa lireo.
(note: bago na ang damit ng mga sanggre)
danaya: amihan, ang akala ko ang nakaalis na kayo ni lira?
amihan: ayoko muna siyang gambalain. kaya't di ko pa siya ginigising.

napansin ni danaya na nalulungkot si amihan.

danaya: sa lahat naman ng inang binalikan ng kanyang anak, tila ikaw ang hindi masaya?
amihan: masaya ako danaya. alam mong ang pinakmimithi ko ay makasama ang aking anak. ngunit nag-aalala din ako. hindi kaya magdulot lamang si lira ng kasawian?


sa kweba pinagbagsakan ni cassandra.
sinugod si cassandra ng halimaw. ginamitan ito ng power blasts ni cassandra naglaho ito. pumasok si cassandra sa kweba hinahanap si lira.


sa lireo.
danaya: amihan, bakit ganyan ka mag-isip?pinagdududahan mo ba ang iyong anak?
amihan: hindi danaya, hindi ako nagdududa. naalala ko lang ang hula kay ybrahim na mamatay siya sa kamay ng sarili niyang anak.
danaya: iniisip mong si lira ang magiging dahila nun?
amihan: wala si armea dito. hindi natin alam kung nasaan siya. di mo maalis na maisip ko na si lira pa ang maging dahilan ng pagkamatay ni ybrahim.


sa sapiro/silid ni arman.
pumasok si arman. inilapag ang kanyang sword sa kama. nag-shimmer in si avria. naramdaman ito ni arman at tinutukan si avria.

avria: avisala arman
arman: sino ka?


sa kweba.
pumasok sina wahid, wantuk at apek.
wantuk: anong lugar ito? nasaan na tayo?
wahid: malamang dito lumapag si cassandra.
apeK: ngunit wala kahit anong nilalang ang naririto? walang mga tirahan.
wahid: kung gayon asan ang mahal na sanggre.
wantuk: cassandra!
umungol ang halimaw. narinig nila ito.
wantuK: cassandra, bakit lumaki ang boses mo? wahid, paparating na ang dragon.
nagtago si wantuk sa paanan ni wahid.


sa sapiro/silid ni arman:
arman: sumagot ka.sino ka? bakit nandito ka sa aking silid?
avria: ako si avria. ako ang reyna ng etheria.
arman: etheria?
pinaliwanag ni avria ang etheria ang lahing kanyang pinagmulan.
avria: panoorin mo ito arman. makikita mo rito ang iyong ina.
flash: pinakikita si odessa.
arman: ang engkantadang yan, kilala ko sya. nakita ko na sya. sya si...
avria: sya ang iyong ina...
arman: kaya ba niya lagi akong dinadalaw. yun ba ang dahilan. ngunit asan siya ngayon? bakit hindi mo sya kasama?
avria: wala na siya. patay na siya.
arman: hindi yan, totoo pagkat nakita ko lamang siya. paano siya mamatay?
avria: masdan mo ito arman. makikita mo kung paano namatay ang iyong ina.

-Flash Scene start-
sa isang kagubatan. namamasyal si odessa. dumating si ybrahim.
ybrahim: avisala odessa.
odessa: ybrahim:
dumating si alena.
alena: isa kang kaaway kaya dapat kang mamatay.
lumitaw si pirena at amihan. pinalibutan nila si odessa.
pirena: hindi ka na makakatakas pa odessa.
amihan: katapusan mo na.

sinugod nila si odessa. pero natalo si odessa at sinaksak ni ybrahim.
-Flash Scene end-

arman: si amang ybrahim at mga sanggre?ibig mong sabihin sila pumatay sa aking ina.
avria: oo arman. sila nga.


sa kweba.
wahid: apek, wantuk sugod.
pinaulanan sila ng power blasts ng halimaw. naiwasan na man nila lahat ng ito.naglaho na ang halimaw.
apek: umalis na yata ang halimaw.
nagtago si wantuk sa paanan ni wahid.
wantuk: mamatay ako dito. mamatay ako, wahid, di ko alam kung bakit napasama pa ako rito.
wahid: tumigil ka! naririto tayo para kay cassandra
tinulak ni wahid si wantuk. napadapa si wantuk at nakita niya ang kantao ni lira.
wantuk: wahid, apek. (ipinakita niya ang kantao)
wahid: ang kantao ni lira. hawak ito ni cassandra nung anduon tayo sa sakyang panghimpapawid.sinuot ko pa ito sa kanya.
apek: kung gayon naririto nga si cassandra,
wantuk: ngunit nasaan sya?
tinawag nila si cassandra.


sa sapiro/silid ni arman:
arman: hindi. hindi ako naniniwala sayo. mababait ang mga sanggre higit ang amang ybrahim. kaya hindi ako naniniwala na mapapatay nila ang sinasabing mong aking ina.
avria: kaaway ang turing ng mga sanggre sa tulad nating mga etherian.malulupit sila. kaya pinatay nila si odessa.
arman: kung totoo yang sinasabi mo, bakit nila ako kinupkop kung galit nga sila sa mga etherian.
avria: sapagkat di nila alam na anak ka ni odessa. hindi nila alam na ikaw ay sapiryan..ngunit kung malalaman nila ito ay papatayin ka rin nila.
arman: hindi magagawa ni amang ybrahim iyon.
avria: kung nagawa nga niya sa iyong ina, sayo pa kaya?sa sandaling malaman niya na ikaw ay isang etherian, sinisiguro ko sa yo na papaslangin ka rin niya.
arman: hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo.niloloko mo ako. kaya umalis ka na. iwan mo ako!
tinitigan siya ng mataman ni avria at nag-shimmer out na ito. napaupo si arman sa panglulumo.


sa lireo:
danaya: hindi mo dapat ispin yan amihan. magtiwala ka na hindi si lira ang tinutukoy ng hula na siyang magiging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama.
amihan: ngunit si lira lamang ang anak ni ybrahim na narito. kung hindi siya, sino ang kanilang tinutukoy?

dumating si lira.

lira: hi asti. hello inay. handa na po akong umalis. tara na.
amihan: hindi tayo maaring pumunta ng sapiro anak. dito na lang tayo sa lireo.
lira: per hinihintay na tayo ni itay. baka naman magalit iyon? at isa pa baka dumating na si cassandra at si wahid. gusto ko ako unang sumalubong sa kanila.

pumasok ang mga kawal na sapiryaan.
kawal: avisala. kami ang sinugod ni haring ybrahim. narito kami upang sunduin si lira.
lira: nakita nyo na inay? na-mi-miss na ako ni itay. excited na syang makita ako. kaya hindi pwedeng hindi tayo pupunta sa sapiro. (to kawal) tara let's mga pogi.

naiwan sina amihan at danaya.
danaya: kung talagang nag-aalala ka sa iyong anak,bakit di mo siya samahan at para magabayan mo sya.
amihan: at ating mga kaaway?
danaya: magpalano kami ni aquil para sa ating gagawin.


sa bundok ng azurka.
luntian: tunay kayang mapapaliki ng halamang ating hinahanap si armea?
vioketa: at saan ba natin matatagpuan ang buka ng halamang iyon.
azula: doon tayo tutungo, bilisan nyo.


sa sapiro/trono ng hari
pumasok si ybrahim at pinaalis ang mga kawal. tumayo sa may taas ng trono at matamang nag-iisip. nakatalikod sya sa pintuan.

ybrahim: iwan nyo muna ako

naramdaman niyang may pumasok. si arman.

ybrahim: at sino kang pumasok dito ng walang pahintulot.
arman: paumanhin amang ybrahim kung ika'y aking nagambala.

humarap si ybrahim at nilapitan si arman.

ybrahim: arman, sandali. hindi mo na kailangan umalis. malaya kang pumasok dito sa paboritong kong silid kung ibig mo. ano ang kailangan mo sa akin?
arman: may nais lamang akong itanong sa iyon?
ybrahim: tanong? sige ano iyon?
arman: paano ako nakarating dito sa sapiro? sino ang tunay kong mga magulang?
ybrahim: sinabi ko na naman sayo arman, hindi ko alam. basta nakita ka lang ni pirena sa gubat at dinala dito sa sapiro. yun lang ang masasabi ko.
arman: may ibig pa po akong itanong. tungkol ito sa mga etherian. totoo po bang may mga etherian? kung totoo, nasaan sila, nasaan ang mga etherian?
napatingin si ybrahim kay arman. mataman ang pagkakatigin niya.

itutuloy...


abangan:
- nagkita na sina alena at lira. dumaan si arman at nakita ito ni lira. tinanong niya si alena kung sino ito. sinabi ni alena na sya si arman ang kinupkop ng ama nya.
- tinanong ni arman si ybrahim kung kilala nya si odessa. sinagot ni ybrahim na isang kasumpa-sumpang nilalang si odessa. tinanong ulit siya ni arman kung sya ba ang pumatay dito, walang kagatol-gatol na sagot ni ybrahim na hindi sya nangimi ng patayin nya ito.
- nakuhan na ni azulan ang azurka.
- sinabi ni lira na malapit ang loob niya kay arman at nakipag-apir pa ito.
- lumaki na si armea. nagkabisa na ang azurka.
- sinamo ni arman si avria at tinatanong ng huli kung bakit sya tinawag at ano ang kailangan nya rito.


0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 26: Ang Lipi ni Arman”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3