pagpapatuloy...tinatanong ni arman kay ybrahim kung totoong may etherian at kung nasaan sila. nakatago sa isang sulok si avria pinakikinggan ang pag-uusap nila.
ybrahim: paano mo nalaman ang tungkol sa mga etherian?
arman: narinig ko lamang sa pag-uusap ng mga dama. anong uri ng nilalang ang mga etherian. saan sila makikita?
ybrahim: maupo ka.
kinuha ni ybrahim ang isang talaan at sumenyas sya sa hangin. may lumabas na mga enchanta.
ybrahim: ang mga etherian ay masasamang nilalang. wala silang ginawa kundi sakupin ang lahat ng kaharian sa encantadia kaya sinira namin ang kaharian nila.
napabulong si arman "kung gayon totoo ang sinabi ni avria".di ito narining ni ybrahim.
ybrahim: ngunit hindi lahat ng etherian ay napatay namin.
arman: kilala nyo si odessa?
ybrahim: saan mo nakuha ang pangalang yan.
arman: narinig ko rin lamang. kilala nyo ba sya?
ybrahim: isang kasumpa-sumpang nilalang si odessa. kinamumuhian ko sya. sya ang dahilan ng muntik na naming paghihiwalay ni alena.
arman: ikaw ba ang pumatay sa kanya?
walang kagatol-gatol na sagot ni ybrahim na hindi sya nangimi ng patayin nya ito at hindi niya pinagsisihan ang pagpaslang nya kay odessa.
natigilan si arman.
sa kweba.hinahanap pa rin nila wahid, wantuk at apek si cassandra.natatakot na si wantuk at gusto na niyang umalis at bumalik sa sapiro. tanong tuloy ni apek kung hindi sya natatakot kay ybrahim kung hindi nila kasamang bumalik si cassandra. sabi ni wahid na hindi sila aalis hanggat wala si cassandra.
wantuk: iba-ibang halimaw ang naririto. ano wahid may naisip ka na bang balak?
hawak ni wahid ang tali at napatingin sya dito at kay wantuk at apek. mukhang may naisip na plano si wahid.
sa lireo.naghahandang umalis si aquil at nakita ito ni danaya.
danaya: saan ka tutungo aquil?
aquil: ipagpapatuloy ko ang paghahanap kay avria.
danaya: kung gayon, sasama ako sayo.
aquil: ngunit reyna danaya...
danaya: huwag mo ako bigyan ng '
attitude'
sabay irap kay aquil at tuloy ng lumabas. napailing na lang si aquil at sinundan si danaya.
sa kweba.makikitang nakatali na si wantuk. umiiyak ito.
wantuk: wahid!bakit naman ako ang ginawa mong pa-in. yan na lang si apek, mas matapang yan sa akin.
wahid: ang dami mo pang sinasabi.
apek: wahid, ang galing ng naisip mo (
hehehe)
wahid: oo.huwag ka mag-alala, kapag hindi nabusog ang halimaw na iyon. ikaw ang isusunod ko (
ngek)
napatingin ng masama si apek kay wahid.
apek: asan na ba ang halimaw na yan.hindi pa nagpaparamdam yan.
biglang umungol ang halimaw.
wahid: apek, dito tayo.
wantuk: uuy...uyy..hwag nyo akong iwan dito..wahid!
nagtago si wahid at wantuk. paparating na ang halimaw.
wantuk: apek pakawalan nyo ako. ano ba kayo! wag nyo akong iwan dito.
sa sapiro/hardin.nakaupo si ybrahim at matamang nag-iisip. napansin ito ni alena at nilapitan siya (
ganda ng bagong costume ni alena)
alena: tila yata may bumabagabag sa isip ng aking asawa?
ybrahim: si arman ang iniisip ko alena. kanina ay tinanong niya ako tungkol sa mga etherian. narinig daw niya ang tungkol dito sa usapan ng mga dama.
alena: kaya sya nagkaraoon ng interes tungkol sa mga etherian, ganun ba? huwag mo sanang mamasamain ngunit kinakabahan ako kay arman. hindi kaya isa rin siyang etherian?
ybrahim: alena? bakit ganyan ka magsalita?
alena: maari rin di ba? liban sa ibang bagay wala tayong alam sa ukol sa pamumuhay ng mga etherian, kawangis natin sila at liban sa ating kasuotan wala tayong pagkaka-iba.hindi natin alam kung saan nagmula si arman. hindi nga natin alam kung kalahi mo sya.kaya't maari ang sinabi ko di ba?
ybrahim: kalokohan alena pagkat mula ng pagdating nya dito ay wala siyang pinapakitang bangis sa halip ay napakabuti pa nga niya.
sa bundok ng azurka.tinatanaw nila azulan, luntian at violeta ang azurka.
luntian: walang sinumang engkantado ang makakalapit o makakakuha ng azurka.
azulan: walang engkantadong makakalapit?
lumapit si azulan. sumigaw ang kambal.
luntian at violeta: azulan!
sa sapiro/hardin (back to alena and ybrahim).alena: minsan ang kasamaan ay nagtatago sa pinakasulok ng isang puso hanggang sa ito'y magising. hindi lahat ng inaakala mong mabuti ay tunay na mabuti ybarro. iyan ang natutunan ko sa tagal ng pamumuhay ko dito sa encantadia.
ybrahim: totoo ang iyong natutunan. ngunit hindi ako naniniwalang makakagawa ng kasamaan ang batang iyan at mas lalong hindi ako naniniwalang siya ay etherian. kaya nakikiusap ako alena na huwag mo ng isipan ng masama ang bata sa halip ay maawa ka pa sa kanya pagkat tayo na lamang ang tinuturing nyang mga magulang.
nakikinig pala si arman sa pag-uusap nila.
sa sapiro/silid ni arman.naka-focus ang damit pandigma ni arman. makikita na nakaupo si arman at malalim ang iniisip. iniisip niya ang mga sinabi ni avria.
(
voice over-avria):
si odessa ay iyong ina, arman. isa siyang etherian.sya at ikaw ay iisa pagkat tulad namin ay isa ka ring etherian. ang iyong ina ay pinatay ng mga kumukupkop sa iyo ngayon.ang mga diwata at sapiryang si ybrahim ang pumatay sa iyong ina.nagtatalo ang isip ni arman. tinawag niya si avria.
arman: avria. ibig kong magpakita ka avria.
nag-shimmer in si avria.
avria: avisala ri, arman.bakit mo ako tinatawag. ano ang kailangan mo sa akin?
sa bundok ng azurka.nilapitan ni azulan ang azurka, may lumapit na fairy sa kanya pero winasiwas lang niya ito at pinitas na niya ang bulalak. walang nangyaring masama sa kanya. bumalik siya sa kambal.
luntian at violeta: azulan, paano mo nagawang kunin ang bulaklak?
azulan: huwag nyo ng itanong, bumalik na tayo sa bahaghari.
sapiro/sa silid ni armanavria: arman, bakit mo ako tinawag?
arman: ano ang katunayan na isa akong etherian.
pinakita ni avria ang scene ng naipangank ni odessa si arman.odessa: ano ang kasarian niya andora?andora: isa siyang lalaki.odessa: kamukhang-kamukha siya ni alexus.arman: sino si alexus?
avria: siya ang iyong ama.isa rin siyang etherian. ngunit patay na siya. pinaslang rin siya ni ybrahim at ng mga diwata.
arman: paano ako nawalay sa aking ina?
avria: ikaw ay ninakaw, arman at natagpuan ka ng mga diwata. kaya ikaw ay nakarating dito sa sapiro. ngunit walang malay ang mga nakatira dito na ikaw ay anak ni odessa at isa kang etherian.
sa gubat.nagmamatyag si aquil at danaya.
danaya: tahimik na tahimik. tila payapa naman ang paligid.
aquil: huwag kang padadala dahil maari sa likod ng katahimakang ito nagtatago ang panganib.
umalis na sila. nag-shimmer in si ether(ahas)
ethera: sundan mo sila, alam mo na ang gagawin mo.
sinunduan ng maitim na usok sina danaya.
sa sapiro.dumating sina lira at amihan. ginulat ni lira si ybrahim.
lira: itay...
niyakap ni ybrahim si lira.
ybrahim: masayang-masaya ako at nandito ka na.
lira: nagbalik na ba si cassandra?
ybrahim: wala pa. hindi pa sila nagbabalik.
lira: diyos ko...
amihan: huwag ka mag-alala anak. uutusan ko ang aking brilyante para hanaping sila.
sinamo ni amihan ang kanyang brilyante.
amiha: brilyante ng hangin, maari mo bang ituro sa akin ang kinaroroonan ni cassandra.
tumigil si amihan sa pagsamo.
ybrahim: bakit amihan?
amihan: hindi matuntun ng aking brilyante ang kinaroroonan nila.
ira: hindi ko makakaya kung may masamang mangyari kay cassandra.
ybrahim: lira huwag mo isipin yan. manalig ka na lang na aalagan nila wahid ang iyong anak.
sapiro/sa silid ni arman:arman: hindi ako makapaniwala. ang kumupkop sa akin ang pumatay sa aking mga magulang.
avria: kaya nanganagib ka arman. sa sandaling malaman nila na isa kang etherian ay tiyak na papaslangin ka rin nila
arman: hindi nila dapat iyon malaman.
avria: walang katotohan ang hindi nabubunyag arman kaya dapat nakahanda kang ipagtanggol ang iyong sarili kapag natuklasan nila ang totoo. sapagkata tiyak na papaslangin ka nila. kaya dapat unahan mo na sila.
arman: hindi. hindi ko magagawa ang nais mo. hindi ko kayang paslangin ang mga kumupkop sa akin.
avria: ngunit paano kapag nalaman nilang isa kang etherian lalo na si ybrahim? kamumuhian ka nya. kaya unahan mo na sila.
arman: hindi. sinabi kong hindi ko magagawa ang nais mo. hindi ko kaya pumatay ng kahit na sino.
umalis si arman.
avria: sige lang arman. makakapghintay ako sapagkat alam ko isa sa mga araw na ito ay mapapasunod din kita sa aking mga gusto.
sa sapiro/bukana.nag-iisa si pirena. nilapitan siya ni alena.
alena: huwag mong sabihin iniisip mo pa rin ang iyong ama, pirena.
pirena: nakakasiguro akong pabalik na siya ngayon ng hathoria. nagiipon ng lakas upang ubusin ang natitira pang kaharian.
alena: kaya nga ngayon pa lang kalimutan mo na ang dugong nag-uugnay sa inyong dalawa. makakasagabal lang ito sayo pirena.
dumating si lira kasama si amihan.
lira: tama nga ang sabi ng aking ina. hindi pa rin kayo nagbabago. ang gaganda nyo pa rin mga ashti.
niyakap ni lira sina alena at pirena. tuwang - tuwa si alena at pirena na makita si lira.
pirena: lira...
alena: tama nga ang sabi ni ybarro. naririto ka na nga.
lira: nandidito ako para sa inyo..para sa mga mahal ko.
nadaanan ni arman ang mga sanggre. nag-vow ito sa mga sanggre. napansin siya ni lira.
lira: sino yun?
alena: siya si arman. sya ang engkantadong kinupkop ng iyong ama.
sa kweba.sumugod ang halimaw at nilabanan ito nila wahid. hinimatay si wantuk.
mula sa likuran nila wahid. dumating si cassandra. binigyan niya ng big blast ang halimaw at naglaho ito.
wahid: casandra.
apek: cassandra.
ngumiti si cassandra sa kanila. nilapitan nila ito.
sa sapiro/sa silid ni arman:napadaan si lira sa silid ni arman. pumasok siya at binati niya si arman.
lira: avisala.
sabay abot ng kamay para makipag handshake. ginaya ni arman ang ginawa niya pero tinapat lang niya ang kanyang palad sa palad ni lira.
arman: avisala.
lira: hehehe, ako si lira.
arman: ako si arman.
lira: hindi mo nga pala alam.
inabot ni lira ang kamay ni arman para ituro ang tamang pag-handshake. (
iba talaga ang encantadia episode kapag naririyan si lira, mas masarap panoorin)
arman: nabanggit ni amang ybrahim ang iyong pagdating
nawe-weirduhan si arman sa kilos ni lira. umupo si lira sa kama. sumunod naman si arman sa kanya. nasa labas ng silid si alena nakikinig kina lira at arman. pansin niya ang pagkamalapit ni lira kay arman.
lira: ganun ba, si itay talaga masyadong excited. ay, pasensya ka na sa mga sinasabi ko ha. alam ko hindi mo ako masyado naiintindihan. huwag mo na ako pansinin. alam mo, may naalala ako sayo.
arman: sino?
lira: yung isa kong kapatid, si kahlil. alam mo sa tuwing makikita kita naalala ko yun. ewan ko nga eh, hindi ka naman niya kamukha.
arman: kahlil?
lira: oo. pero ok lang sa akin inampon ka ni itay dahil para sa akin parang tunay na rin kitang kapatid.
arman: kapatid?
lira: oo, ikaw. pero alam mo ha, pwera biro, malapit na ang loob ko sa yo. pakiramdam ko kapatid kita. appear?
tinaas ni lira ang kamay niya at tinaas din ni arman ang kamay niya at dinikit sa kamay ni lira. natawa si lira.
lira: hindi ganyan. ganito. ayan. kapag ganito ganyan.
tinuraan niyang makipag-appear si arman. nasaksihan ito ni alena at mapapansin ang pag-dududa sa mukha niya.
sa bahaghari/punjabwe.luntian: azulan.
iniabot ni azulan ang bulaklak.
azulan: ito na ang bulaklak ng azurka. gamitin nyo na ang kapangyarihan nito upang palakihin si armea.
luntian: may nais lamang akong itanong sa yo azulan. paano mo nakuha ang azurka ng hindi ka man lang nasaktan?
azulan: nakalimutan mo na yata luntian kung ano ang aking pinanggalingan.
luntian: oo nga pala, nakalimutan ko na. kaya pala napakalakas ng iyong loob kuhain ang azurka ay dahilan sa iyong...
azulan: sheda, luntian. baka may makarinig sa yo. ibaba mo na yan kay dilawan.
sa sapiro.inutusan ni amihan ang mga dama na maghanda ng masarap na hapunan para kay lira. (
tinawag ng dama na mahal na reyna si amihan, hindi na naman reyna si amihan at wala naman siya sa lireo.) dumating si alena.
alena: amihan, mabuti na lang at nakita kita. nais kitang makausap.tungkol ito kay arman,
amihan: ano ang tungkol kay arman ang nais mong pagusapan natin.
alena: nakausap niya kanina si lira. gaya ni ybarro, magaan din ang loob niya kay arman.
amihan: alena, hindi na ako nagtataka dito. kilala mo ang aking anak, pala kaibigan talaga sya.
alena: hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito amihan. ngunit kahit anong gawin kong pakikipagtalo sa aking sarili. hindi ko pa rin magawang magustahan si arman. marahil ay dahil may naalala ako tuwing makikita ko sya.
amihan: sino ang iyong naalala alena?
alena: si odessa. hindi ko alam kung bakit ngunit tuwing pinagmamasdan ko si arman naaalala ko ....si odessa.
itutuloy....abangan bukas:- may nilalabanang mga ninja-like sina aquil at danaya.
- tinantanong ni alena si imaw kung paano niya makikilala ang isang etherian.
- napansin ni hagorn ang marka sa likuran ni arkrey. tinanong niya si avria kung ano ang markang ito. sinabi ni avria na ang markang iyon ay tanda ng lahat ng etherian tulad niya.
- binibrainwas ni avria si arman na magalit kay ybrahim at mga sanggre dahil raw pinatay nito ang kanilang lahi at kanyang ina kaya dapat ay unahan na niya ang mga ito.
- sa sapiro. umiiyak si cassandra. inaalo siya ni wantuk at apek.
cassandra: ngayon, hindi ko na talaga makikita ang aking anak.
dumating si lira. lumapit sya kay cassandra.
0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 27: Ang Kutob ni Alena”
Leave a Reply