[Enca 2] Kabanata 40: Ybrahim/Ybaro


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



pagpapatuloy...

sa sapiro/bulwagan.
nasa kanlungan ni alena ang walang buhay na si ybrahim. nasa tabi niya si amihan at armea. si arman nakatayo malapit sa kanila. sina wahid, wantuk at apek nakamasid sa nangyayari.

armea: ina, patawarin mo ako, namatay ang aking ama ng dahil sa akin.
alena: sinong pumatay sa kanya? ba't di ka sumasagot? sino ang pumaslang sa iyong ama.

di sumasagot si armea.

arman: ako ang may kasalanan, mahal na reyna.sinalo po ni amang ybrahim ang espada ni ether na dapat ay para sa akin.
alena: (to arman) namatay si ybrahim para ipagtanggol ang taksil na tulad mo?

sa lireo/hardin.
magkasama sina aquil, muros at imaw sa hardin. sa kalagitnaan ng kanilang usapang dumating si danaya at nagtatagong nakinig sa kanilang pag-uusap.

aquil: sinabi sa akin ni danaya na ayaw niyang samahan ko siya. sinabi rin nya sa akin na sya'y layuan ko na. nung ako'y nabubuhay pa, isang dugong bughaw si danaya na kay hirap abutin. kaya minabuti ko na lang mamatay, alang-alang sa encantadia. ngunit ngayong galing na akong devas, maituturing kapantay ng isang dugong bughaw, hindi ko pa rin maabot si danaya dahil isa siyang reyna. mapabuhay man o mamatay, kailanman ay hindi ko makakamit ang kaisa-isang bagay na aking pinakamimithi...si danaya.

tumulo ang luha ni aquil sa lupa at naging halaman na namumulaklak.


sa sapiro/bulwagan.
armea (habang umiiyak): hindi siya kaaway. sya ang tumulong kay ama upang ipagtangglol ako.
alena: (to armea) sya ang dahilan kung bakit wala na ang iyong ama. (to arman) hindi dapat si ybaro ang namatay, kundi ikaw!
amihan: alena! husto na.
arman: patawad. di ko sinasadya.


sa lireo/hardin.
pinitas ni imaw ang isang bulaklak sa halaman.
imaw: sadyang may mga pag-ibig na walang kaganapan aquil.ngunit tulad ng bulaklak na ito, patuloy itong umuusbong at nabubuhay. magandang pagmasdan, masarap samyuhin, ngunit kapagiyong binunot at inangkin, ito ay mamatay. si reyna danaya ay tulad din ng bulaklak na ito. hinding-hindi mo sya maaring angkinin, aquil. bagkus ay kailangan makuntento ka na lamang na ibigin sya sa malayo.

pinitas ni danaya ang bulaklak. malungkot niyang hinaplos ang bulaklak.


sa sapiro/bulwagan.
alena: wahid, ipakulong ang etherian.
amihan: alena, maging mahinahon ka sana sa iyong pagpapasya.

sa senyas ni wahid, hinawakan nila wantuk at apek si arman at dinala sa kulungan.

alena: paano pa ako magiging mahinahon. wala na ngayon si ybaro. wala na siya....wahid, palayain nyo sina rosas at dilawan at ikulong nyo ang etherian.

tumango si wahid.


sa sapiro/kulungan.
pinakakawalan na ng mga kawal sina dilawan. dala nila wantuk at apek si arman para igapos.

apek: dilawan, pinalalaya na kayo ng mahal na reyna.
dilawan: maraming salamat kay bathala.
rosas: ano't nabago ang kanilang pasya at kami'y pinalaya?
apek: dahil mas nararapat na ikulong ang etherian na ito.

malungkot ang anyo ni arman.


sa sapiro/trono ng hari.
hawak ni amihan ang kapa ni ybrahim. malungkot niyang inaalala ang nakaraan nila ni ybrahim. dumating si armea at nakita sya. nilapitan niya si armea.

amihan: armea, narito ka na pala.pinahanda ko na ang iyong silid.
armea: maraming salamat, ngunit ano po ulit ang inyong pangalan?
amihan: ako'y kapatid ng iyong ina, maari mo akong tawaging 'ashti amihan'?
armea: maraming salamat ulit, ashti amihan.
amihan: walang anuman. maupo ka.

nagtabi sila sa upuan.

amihan: nagkita na ba uli kayo ng iyong ina?
armea: hindi ko alam kung paano aaluhin si ina.labis ang kanyang paghihinagpis.
amihan: alam mo armea dahil iyan sa labis na pagmamahal ng iyong ina sa iyong ama.kaya kahit anong salita, kahit ano pa ang sabihin mo, hindi maaring mapagaan nito ang kanyang kalooban.
armea: marahil ay hindi lamang naging mabuting asawa si ama, siguro ay naging mabuti rin sya sa lahat ng nilalang kaya ganun na lamang ang ngararamdaman kong paghihinagpis dito sa palasyo.
naiiyak si amihan.pinipigil niya ang kanyang pagluha.
amihan: tunay na napakabuti ng iyong ama.naging matapat at mapagmahal na asawa.napakabuting pinuno sa nasasakupan at may malasakit sya para sa aming lahat.
armea: ramdam ko ang inyong paghihinagpis ashti amihan.
amihan: alam mo armea, labis din akong nasasaktan sa pagkawala ng iyong ama. dahil bukod sa siya ang napusuan ni bathala na maging ama ng aking anak, (pinipigil ni amihan ang kanyang pagluha) sa sarili kong paraan ay minahal ko rin si ybrahim. nanatili man kaming magkaibigan, hindi ko maikakaila na si ybrahim lamang ang nag-iisang encantado na inibig ko. sya lamang ang minahal ko.pero ngayon ay wala na sya.wala na si ybrahim...

nagyakap ang mag-ashti at parehong nahihinagpis sa pagkawala ni ybrahim.


sa lireo/hallway.
pumasok si aquil sa lireo. tinatawag sya ni danaya pero di niya ito pinansin kaagad.

danaya: aquil!

tumigil sa paglalakad si aquil at hinarap si danaya. makikita ang coldness sa mukha ni aquil.

aquil: may pag-uutos ka mahal na reyna?
danaya: ipinag-uutos ko na bumalik ka na sa devas.

napatingin ng masama si aquil kay danaya.

danaya: masasaktan lang kita dito. nakikita kong nasasaktan kita. habang tumatagal ang ating pagsasama parehas lang tayong nasasaktan (pigil na pigil ni danaya ang pagtulo ng kanyang luha) dahil kapwa nating alam na walang patutunguhan ang nararamdaman natin sa para isa't isa. (di na napigil ang pag-iyak, nabasag ang kanyagng tinig) kayat dinggin mo ang aking pagsusumamo, bumalik ka na lamang sa devas

aquil: (basag din ang tinig ni aquil) talaga bang ayaw mo na akong makita pa? talaga bang ayaw mo na akong makasama danaya?

danaya: tanging ito lamang ang paraan, na alam kong paraan na makakabuti para sa atin, para sa ikakatahimik ng buong encantadia aquil.

aquil: hindi ko susuwayin ang utos mo mahal na reyna ngunit sisiguraduhin ko munang wala na ang mga kaaway. gaya ng sabi mo para sa ikakatahimik ng buong encantadia.

tinalikuran at iniwan na siya ni aquil. naiwang lumuluha si danaya.


sa hathoria.
mag-isa si hagorn sa hathoria. nag-iisip. nag-shimmer in si sariya.

sariya: tila naliligalig ka hagorn?
hagorn: binabagabag ako ng maaring kinasadlakan ni arman dahil sa nangyari sa kanyang tinitingalang hari. kailanga kong magpunta sa sapiro para malaman ang kanyang kalagayan.


sa sapiro/kulungan.
nag-shimmerin si hagorn. pinatay niya ang bantay ni arman. nakagapos si arman.

arman: hagorn!
hagorn: avisala arman. hindi mo kailangan tiisin ang kalupitan ng mga diwata, arman.kilala ko ang bagsik nila. ano mang oras ay maari ka nilang patayin.ngunit maari mong takasan ang nagbabadya nilang paghihiganti at maari kitang tulungan.
arman: tiyak na may kapalit ang iyong pagtulong, hindi ba?
hagorn: hahahaha!tunay ngang may kapalit. ibigay mo sa amin ni ether ay iyong katapatan. pumanig ka sa amin at sinisiguro ko sayo higit pa sa kalayaan ang ibibigay namin sa inyo.
arman: hinding-hindi ako papanig sa inyo.
hagorn: hahahah!kahit ba na tiyak na kamatayan sa kamay ng mga diwata ang naghihintay sa yo?
arman: mas nanaisin ko mamatay sa panig ng aking kinalakihan kaysa ipagkatiwala ang aking buhay sa hindi ko lubos na kilala.
haogrn: lapastangan! (inumbagan niya si arman) pagsisishan mo ang iyong pasya arman. sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ang pagtalikod sa akin.

nag-orb out na si hagorn.


sa lireo.
pinasok ng mga kawal ang walang buhay na si ybrahim.sinalubong ito ng lumuluha pa rin na si alena. sa magkabilang tabi niya si danaya at amihan.andun din sina wantuk at apek.

instrumental background: mahiwagang puso.

habang pinapasok si ybrahim. pinapakita ang mga scenes from the past.
:: scenes na kasama ni ybrahim sina wantuk at apek.
:: unang sulyap ni ybrahim kay alena sa gubat.
:: pakikipaglaban nila ybrahim at alena sa mga hathor. dito unang tiningnan ni alena si
:: ybrahim bago sya umalis.
:: sa batis ng katotohanan, hinalikan ni ybrahim si alena.
:: sa panaginip ni alena, ginawa nila ybrahim at alena si khalil.
:: tinuturan ni raquil si ybarhim sa loob ng sapiro.
:: natagpuan nila ybrahim at wahid ang kayamanan ng sapiro.
:: pakikipaglaban ni ybrahim kay asval.
:: kinoronahan si ybrahim ni haring armeo bilang bagong hari ng sapiro.
:: kinasal sina ybrahim at alena.
:: si cassandra at ybrahim. habang kinukwentuhan sya.
:: etheria scene, si ybrahim at odessa.
:: si ybrahim tinuturuan si arman ng espada.
:: si ybrahim niyakap si lira ng muli itong magbalik mula devas.
:: sa panaginip ni alena, ng ginawa nila ybrahim si kahlil.
:: huling pakikidigma ni ybrahim kasama sina arman at kawal ng sapiro
:: silouhette ni ybrahim habang pinagmamasdan niya ang kanyang trono.

umiiyak si alena habang pinagmamasdan ang walang buhay na si ybrahim. inaalo sya ni danaya at amihan.

alena: paano na lang magkakaroon ng ganang mabuhay. unang kinuha sa akin ng tadhana si khalil. nawala naman si armea at parang binawian muli ako ng anak. binalik nga siya sa akin ng bathalang emre, ngunit ang kapalit naman ... ang buhay ni ybaro. paulit-ulit na lang akong pinapatay dahil lahat na lang.. lahat ng mahal ko sa buhay ay nawawala sa akin...sana ako na lang ang namatay...

amihan: huwag ka magsalita ng ganyan alena. tandaan mo na andito pa kaming mga kapatid mo. mahal ka namin alena. hindi ka namin pababayaan.

tumingin si amihan kay danaya.

danaya: alena, tiyak kong hindi nanaisin ni ybrahim na makita kang sumusuko.magpakatatag ka, kaya mo yan alena.

amihan: at si...at higit sa lahat alena...magpakatatag ka alena para sa iyong anak, para sa anak nyo ni ybrahim. higit ka niyang kailangan ngayon alena. alang-alang kay ybrahim magpakatatag ka.

danaya: at sana ay manatili sa iyo na nag-aalab ang pag-ibig para sa ipinaglalaban natin, para sa mahal nating encantadia.

medyo na nahimasmasan na si alena. inalo sya ng kanyang mga kapatid.


sa sapiro/bukana.
may mga sapiryan na nais makita ang labi ng hari ng sapiro. hinaharang sila ng mga kawal na sapiryan. nagbabantay rin si wahid.

sapiryan: nais namin makita ang labi ng mahal na hari.
wahid: hindi ko maari kayong patuluyin dahil wala pang pinag-uutos ang mahal na reyna alena.
sapiryan: bakit hindi nyo agad ipaalam sa mahal na sanggre na narito kami para sa mahal na hari. narito kami para makapag-kaisa sa kanya at maka-hanap ng katarungan para kay haring ybrahim. di ba mga kasama?
mga sapiryan: syang tunay!papasukin nyo kami.

dumating ang mga konseho at narinig ang kaguluhang ito.


sa sapiro/silid ng pagpupulong.
hinarap ni alena, kasama niya si amihan, ang mga konseho.

council1: dahil sa pangyayari kailangan nating italaga sa pansamantalang pamumuno si reyna alena bilang pinuno ng sapiro.
alena: maraming salamat sa inyong pagtitiwala. nais kong malaman nyo na gagawin ko ang lahat upang kahit papaano ay mapantayan ko wasto at tapat na pamumuno ng nasira kong asawa. at ipagpapatuloy natin ang digmaan laban sa ating mga kaaway.
council girl: paumanhin mahal na reyna. ano na po ang pasya nyo patungkol sa ampon ng hari na si arman?
council2: isa syang traydor, kinupkop at kinalinga ni haring ybrahim ngunit nagawa pa rin niyang ipagkanulo tayong lahat

hiwakan ni amihan ang kamay ng kanyang kapatid.

council girl: dapat litisin si arman.sa sandaling mapatunayan ang kanyang pagkakasala ay marapat lamang na patawan siya ng kaukualng parusa.

biglang pumasok si armea.

armea: hindi! hindi maari ang nais nyo!
alena: isa itong pagpupulong ng konseho ng sapiro, hindi ka dapat narito.
armea: ngunit hindi dapat litisin si arman, wala siyang kasalanan.
council1: hindi ba nakita mo sya sa kanlungan ng mga kaaway? iniiwan niya ang ating panig. isang pagtataksil ang kanyang ginawa.
alena: magkagayun man, si arman pa rin ang tumulong kaya ama upang makalaya ako. sa huling sandali ay pinatunayan niya na hindi sya kaaway at siya'y kakampi natin.
council2: hindi mo pa rin makakaila na sya ang pumatay sa iyong ama, armea. dapat lamang ay sumailalim sya sa isang paglilitis.


itutuloy....


0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 40: Ybrahim/Ybaro”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3