[Enca 2] Kabanata 31: Ang Reyna ng Etheria


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



sa kagubatan, malapit sa hathoria.
avria: bakit mo kinukuha gem sa akin may nagawa ba akong mali para kunin ang pinagkatiwala mo na sa akin?
pirena(ether): wala avria ngunit magagamit ng husto ang brilyante ng lupa kung nasa akin ito. kaya ipagkaloob mo na sa akin ang brilyante ng lupa.
avria: ikaw nga ba yan bathaluman?


sa pamilihan:
armea: sabihin nyo gusto ko sila makita. gusto ko makakit ng palasyo, ng hari, ng reyna.
azulan: sandali agataha.may okasyon ba?
wantuk: wala naman nais lang makadaupan palad kayo ng aming mahal na hari.
armea: maari ba ako sumama?
azulan: sheda agatha. ipagpapaumanhin nyo magbabalik na kami ng aming kaharian.
armea: may kaharian ba...
rosas: huwag ka magsalita habang nagpapahayaga ang mahal na prisipe. ipagpaumanhin nyo ngunit di kami makakapunta kailangan na naming magbalik ng kaharian at may gagawin pa kami.


sa kagubatan, malapit sa hathoria.
ether(pirena): bakit ganyan ang tanong mo nagdududa ka ba sa kin?
avria: ipagpatawad mo hindi ko makita ang saysay ng pagbawi nyo ng isang bagay na ipinagkatiwala nyo na sa akin.


sa pamilihan.
nagsumamo sina wantuk at apek kina luntia at violeta kung bibiguin ba nila ang paanyaya ng kanilang mahal na hari. binola-bola nila wantuk at apek si luntia at violeta. tuwang-tuwa ang kambal at sinabihan nila si azulan na bakit di na lang sila pumunta. ngunit matigas si azulan na hindi sila pupunta.


sa kagubatan, malapit sa hathoria.
ether(pirena): sinusuway mo ba ang utos ko?
avria: hindi bathaluman. nais ko lang makasiguro na ikaw yan pagkat minsan na akong nilinlang ng mga diwata. isa sa kanila ay pwedeng manggaya ng anyo. minsan ng ginaya ni pirena ang aking anyo kaya nakuha ang orasan. patawarin nyo ko kung ako ay hihingi ako ng patunay na kayo nga yan.


sa sapiro.
si alena naglalakad sa hardin. napansin sya ni ybrahim
ybrahim: ano't naliligalig ka alena?
alena: iniisip ko lang ang pagdating nila prinsipe azulan.
ybrahim: hindi matatangihan ng prinsipe azulan na yon ang aking imbitasyon.
alena: sana nga..
alena: sana kasama niya ang batang may kakaibang tinig. maaring siya si armea.
ybrahim: hindi sya si armea, alena. hindi sya ang ating anak.
alena: ngunit bakit alam nya ang aking awit?
ybrahim: maaring nagkataon lang
alena: hindi maaring nagkataon lamang iyon.wag sana mag-sara ang iyong isip na maaring anak natin iyon.
ybrahim: maghintay muna tayo bago tayo maghusga


sa pamilihan:
umiiyak na nakikiusap si armea kay azulan.
armea: buo na ba ang pasya mo azulan? gusto kong makita ang sapiro...ang palasyo. nakikiusap ako azulan huwag mong ipagkait sa akin na makita ang sapiro pati ang hari at reyna.
azulan: dyan ka lang, agatha.

lumapit si azulan kina luntian, violeta at rosas. iniwan si agatha.
violeta: ang lakas ng lukso ng dugo
luntian:yan ang anak at pilit gusto makita ang kanyang kaharian at amang hari at inang reyna.
rosas: ngunit paano kung malaman na tinatago natin ang kanila anak baka parushan nila tayo.
azulan: hindi pa rin tayo pupunta
kambal: hindi tayo pupunta ?
azulan: husto na!


sa kagubatan, malapit sa hathoria.
avria: naghihintay ako ng iyong sagot, bathaluman.kung hindi kalabaisan na kayo yan at di nagpapanggap lamang.
ether(pirena): magaling ka avria at nautuwa ako at naiisip mo yan narrarapat lang ang pangagalaga mo sa brilyante. ngunit nakalimutan mo na ba na ako ay bathala akala mo ba ganun-ganun na lang kung ako ay gayahin ng isang diwata?
avria: tunay ang inyong tinuran. patawad po.
ether(pirena); ngayon huwag mo ng sayangin ang aking oras. ipagkaloob mo na ngayon din.
avria: narito na ang brilyante ng lupa

kukuhain na ni pirena ang brilyante ngunit dumating ang tuna na ether.

ether: huwag mong ibibigay avria.
avria to ether: narito na ang brilyante ni danaya bathaluman.
kinuha ni ether ang brilyante. hinarap ni avria ang pekeng ether.
avria: sinasabi ko na nga ba at nililinlang mo ako!
ether: akala mo ba ay magtatagumpay ka sa panlilinlang mo sa akin pirena?

nagbalik na si pirena sa kanyang anyo.


sa hathoria:
arkrey: mukhang kahina mo pa pinagmamasdana ang iyong trono
hagorn: naalala ko lang ang hirap namin ng aking ama para mapanatili sa kapangyarihan ngunit pinabagsak kami ng mga diwata
arkrey: pareho tayo ng karanasan. pareho tayo pinagbagsak ng mga diwata ngunit sinisiguro ko na sila naman ang pagbabagsakin natin.
hagorn: hindi madali gawin yun ngunit nakahanda ako. kailangan bumuo tayo ng plano.
arkrey: sumasangayon ako.
hagorn: si avria, kailangan natin sya. nasaan ang iyong kapatid?


sa sapiro:
wantuk: mahal na reyna
alena: nakita nyo ba sila?
apek: nakita namin sila at ipinarating namin ang inyong paanyaya.
alena: kasama ba niya ang magandang bata na kasama nila. nakita nyo ba?
wantuk: tinutukoy nyo po ba ang batang dama, nakita namin at napakangada nya.
alena: ano ang pangalan nya?
apek: agatha ang pangalan nya mahal na reyna.
alena: agatha? hindi nya kapangalan ang aking anak ngunit sana dumating na sila rito.
wantuk: iyan din ang aming panalangin. mauna na kami mahal na reyna.

nag-alala si alena.


sa kagubatan, malapit sa hathoria.
hawak na ni ether ang brilyante ng lupa at pinakita niya ito brilyante kay pirena.
ether: nakikita mo ba ang brilyante pirena?
pirena: wala sino man sa inyo ang maaring humawak ng brilyante ng aking kapatid!
avria: kung gayon ibubuwis mo ang buhay mo para makuha ang brilyante ng iyong kapatid?

nagpalabas ng power blasta si ether at avria ngunit na-block ito ni pirena ng kanyang fire blasts. Matatalo na si pirena ngunit sinaklolohan na siya ni danaya. nag-levitate si danaya patungo sa kinaroroonan nila pirena at pinalo niya si ether at avria. tumba ang dalawa.

danay: pirena..
pirena: danaya...


sa sapiro.
si alena. nasa fountain. umiiyak sya at hawak niya ang lampin ni armea.
sa isang parte ng kagubatan si armea umiiyak at umaawit ito.

armea:
pangarap makita ang tuwa.
pangarap makita ang aking ama at ina.
sila kaya at taga-palasyo?

sa sapiro. umaawit din si alena.

alena:
pangarap makita ang tuwa
pangarap makita ang nawawalwang anak.
sya kaya ay namumuhay ng salat?

alena: pangarap

armea: pangrap makita

alena: makita

armea: ang tuwa.

alena: pangarap

armea: makita ang tuwa

armea at alena: mahal ko...


sa kagubatan, malapit sa hathoria.
tumayo si na avria at ether, sinugod ng dalawa. pirena laban kay ether. danaya laban kay avria. napatay ni danaya si avria.pero may tama si danaya.


sa sapiro/bulwagan:
kausap ni imaw si ybrahim.
imaw: kung naririto lang ang aking tungkod di sana nasasagot ang katanunga sa nawawala mong anak.
ybrahim: at mapapadali sana ang paghahanap sa aking anak

napabuntong-hininga si imaw.

ybrahim: bakit malalim yata ang buntong-hininga mo imaw?
imaw: tuluyan ng nawala ang aking tungkod. baka napunta na ito sa kaaway.
yabrahim: hindi na mahalaga, kung mawala o makuha man nila lahat sa atin ang mahalaga hindi nila makukuha ang pagmamahal natin sa encantadia at ito ang magtutulak sa atin mawala man ang ating kapangyarihan.


sa kagubatan, malapit sa hathoria.
binigyan niya ng malakas na hampas si ether at nilapitan niya si danaya.
pirena: danaya, umalis ka narito magmadali ka.

dahan-dahang nag-orb out si danaya.naiwan si pirena. humanda siya para kalabanin si ether. ngunit binigyan siya kaagad ni ether ng power blasts. nawalan ng malay si pirena. nilapitan niya si avria.

ether: avria...

nilapitan ni ether ang walang mawalay na si pirena at tangkang papaslangin na niya ito.

itutuloy....

----
susunod...
alena: marahil may balita kayo sa paanyaya ko
wantuk: kinalulungkot ko nais kong ipabatid na di sila makakrating
--
sa kagubatan.sila luntian at violeta kasama si armea. namimitas ng prutas.nagdadabog si armea.
luntian: siguro masama ang loob mo.
armea: di kasi marunong makinig sa paikusap si azulan.
violeta: wala ka mgagawa kundi tumulong kumuha sa amin ng mga bulaklak at prutas.

nakita ni armea ang mga kawal ng sapiro.sinundan niya ito.
--
sa silid ni arman. bini-brainwash sya ni hagorn.
hagorn: huwag ka basta maniniwala sa mga pinapakita nilang kagandahan dahil hindi maglalaon katulad ng sinabi sayo ni avria, kapag nalaman nila na ikaw ay isang etherian, ikaw ay kanilang papatayin.
--
papatayin ni ether si pirena pero dumating si lira.
lira: hoy loka-lokang bruha! impakta! bruhilda!
ether: anong winika mo!
lira: ano akala mo uurungan kita di porket model-modelan ka ha.

sinugod ni lira si ether. natalo sya at tangkang sasaksakin si lira.
--


0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 31: Ang Reyna ng Etheria”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3