[Enca 2] Kabanata 28: Armea


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



trivia: Kabanta 7 of encantadia: pag-ibig hanggang wakas is also titled as "Armea"

sa sapiro/silid kung nasaan ang miniature ng encantadia.
nag-uusap si lira at ybrahim tungkol kay armea.

ybrahim: ginalugad na namin ang lahat ng sulok ng mga kaharian ngunit wala pa rin makapagsabi kung nasaan ang lapastangang dama pati ang iyong kapatid.
lira: baka naman nasa kamay ng ating mga kalaban si armea?
ybrahim: hindi.sapagkat kung naroon nga siya ay ginamit na nila ito upang panakot sa atin.subalit di pa nila ito ginagawa. kaya't wala siya sa kanila. maliban na ngalang kung pinatay na siya.

nakaupo si ybrahim. pumunta si lira sa likuran nito at inalo niya ang kanyang ama.

lira: itay, cool ka lang masyado ka naman nega. alam mo makikita rin natin sya. tutulong ako sa paghahanap. promise.

niyakap ni lira si ybrahim.

ybrahim: sana nga lira.


sa bahaghari/silid.
kalong ni violeta si armea. nakaupo si dilawan at rosas. pumasok si luntian dala ang bulaklak ng azurka.

luntian: heto dilawan. eto na ang azurka.
dilawan: ang azurka, mapapalaki na natin ang anak ni haring ybrahim at alena.rosas, dikdikin mo na ang talulot ng azurka.

inabot ni luntian ang bulaklak kay rosas.


sa sapiro/pagpapatuloy ng usap ni alena at amihan.
alena: hindi ko lang sinasabi sa inyo ito dahil ayokong isipin nyong dahil ito sa pinibugho pagkat malapit si arman kay ybaro. ngunit habang tumatagal, habang lumalaki si arman lalo kung nakikita si odessa sa kanya.
amihan: alena, bakit ganyan ka mag-isip?
alena:tulad ng sinabi ko sayo amihan.hindi mawawala ang pagdududa ko kay arman hanggat di ko nalalaman ang kanyang pinagmulan.
amihan: ngunit alena...
alena: amihan, nararamdaman ko na may kaugnayan sya sa mga etherian kaya siya nandito.yun ang kailangan kong mapatunayan.kailangan malaman ko kung sino talaga ang nilalang na kinupkop ni ybrahim.

nakikinig sa isang sulok si arman. narinig niya ang pahayag ni alena at biglang nag-shimmer out si arman. (nagulat ako dun ah)


sa bahaghari/silid.
dinidikdik na ni rosas ang talulot ng azurka.
luntian: matagal pa bayan rosas.
rosas: malapit na. wag ka ng mainip
violeta: wag mainip?eh kung umiyak na naman itong paslit?kayat pwede ba bilisan mo na dyan.
rosas: eto na..eto na...o ayan tapos na.
luntian: ano ang sunod na gagawin dilawan?
dilawan: kailangan nating maipakain ang azurka sa sanggol luntian upang magsimula na siyang lumaki.

pinakain ni rosas si armea ng azurka.


sa kweba.
natalo ni cassandra ang halimaw. nilapitan niya sina wahid at apek.nakatali pa rin si wantuk.
wahid: cassandra salamat naman at buhay ka.
wantuk: salamat maawaing bathala at hindi nyo pinaslang si cassandra kung hindi malalagot kami sa ylo at yla mo.
cassandra: salamat sa inyo at hinanap nyo ako at hindi iniwan.
wantuk: walang anuman cassandra alam mo namang kahit buhay ko ay kaya kong ibigay sayo.

napatingin si wahid at apek kay wantuk.

apek: ikaw, samantalang kanina gusto mo ng iwan si cassandra.

nilapitan ni apek ang nakataling si wantuk at inambahan.

wahid: apek tama na yan. umalis na tayo.
cassandra: ngunit paano si ina?
wahid: patawad mahal na sanggre ngunit di na ako papayag na malagay sa panganib ang buhay mo kaya't bumalik na tayo sa sapiro.
apek: tama wahid mauna na tayong tatlo.
wantuk: huwag nyong sabihing iiwan nyo ako rito. apek? uy.
wahid: apek, kalagan mo na yan (si wantuk) sayang ang lubid. (hehehe)

kinalagan ni apek si wantuk. pinalibutan nila si cassandra at nag-orb out na sila papuntang sapiro.


sa sapiro/silid ni arman.
nag-shimmer in si arman. nagtataka sya.

arman: nagawa kong maglaho? nakapaglaho ako?

shimmer in si avria.

avria: pagkat tulad ng sinabi ko sayo isa kang etherian. nagdududa ka pa ba?
arman: avria, naghihinala na si reyna alena na isa rin akong etherian. avria, natatakot ako sapagkat halimbawang malaman nga niya na isa akong etherian baka magkatotoo ang sinabi mo. baka paslangin nya nga ako.
avria: hwag kang matakot mahal kong arman kundi magalit ka pagkat pinatay nila ang ating lahi at ang iyong ina. kaya gaya nga ng sinasabi ko sayo...unahan mo na sila.

iniabot ni avria ang kanyang espada at tinanggap naman ito ni arman.


sa kagubatan.
aquil: mga bakat ng yapak ito. may nanggaling dito
danaya: mga kaaway kaya?
aquil: maari...

dumating ang mga hathor. nilabanan ito nila danaya at aquil.


sa sapiro/hallway.
nakaupo si amihan at ybrahim, naguusap. humahangos na dumating si lira.
lira: inay...itay.
ybrahim: lira, nagbalik na sila wahid.
lira: talaga?nagbalik na si cassandra?nasaan siya.
amihan: nandidiyan na rin sya ngunit lira malungkot siya.
lira: bakit?
ybrahim; bakit? sapagkat siya ay nabigo dahil hindi niya nakita ang kanyang ina sa devas.
lira: saan ko sya matatagpuan?
amihan: sya ay nasa labas.

dali-daling lumabas si lira. sinundan sya ni ybrahim at amihan.


sa kagubatan.
patuloy ang labanan nila danaya at aquil sa mga hathor. muntik ng mapaslang si danaya ng isang hathor buti na lang nasaklolohan siya ni aquil. nagkaroon ng sugat si danaya. nawalan ito ng malay. (nakasama lang si aquil, humina na ang figting skill ni danaya hehehe)


sa sapiro/silid talaan.
nakaupo si imaw at dumating si alena.
imaw: reyna alena, nagmadali agad akong magtungo rito nang malaman kong pinatatawag mo ako. ano ba maari kong maipaglingkod sa yo?
alena: wala na akong makitang tala tungkol sa mga etherian, imaw. hindi ko na rin maasahan ang mga sulat ni aldo raquim pagkat nasunog na ang mga ito.meron lamang sana ako nais malaman tungkol sa mga etherian.
imaw: ano naman ang ibig mong malaman tungkol sa kanila mahal na reyna.
alena: ang mga diwatang tulad ko lalo na ang mga dugong bughaw ay mapapagkilanlan. kaming mga sanggre ay may tanda sa aming likod. ang mga adamyan na tulad mo ay madali namang makilala dahil iba ang anyo nyo sa amin. hindi rin naman mahirap makilala ang mga sapiryan dahil sila ay matitikas at meron din silang tanda depende sa kanilang tribo. ngunit ang mga etherian, paano ko sila makikilala?


sa kuta nila avria.
naglilinis ng katawan si arkrey. makikita ang isang marka sa kanyang likuran. napansin ito ni hagorn.

hagron: reyna avria, anong nakikita kong marka sa likod ng iyong kapatid?
avria: ang markang yan ang tanda ng lahat ng mga etheriang tulad ko, hagorn.dyan malalaman ang aming pagkakaiba sa inyo.
hagorn: kaya pala hindi sya napaghinalaang etherian nung kawal pa sya ng sapiro. nakatagot pala ang kanyang palatandaaan.


sa sapiro/silid talaan.
imaw: ang sabi ng aking amang si aegen. noon ay madali silang makikilala pagkat may mga marka sila sa kanilang mukha na gawa sa dagta ng punong-kahoy at iyon ay pinapahid sa kanilang mukha tulad ng mga etherian na mula sa tribo nila odessa.
alena: ngunit sila avria, andora at juvila, wala sila ng ganitong palatandaan subalit sila ay mga etherian. paano ko makikilala ang isang etherian, imaw? paano?
imaw: ikinalulungkot ko reyna alena ngunit hindi ko alam.


sa sapiro/silid ni arman.
natutulog si arman. nakadapa siya at walang suot na pang-itaas. kitang-kita ang marka ng isang etherian sa kanyang likuran. napadaan si pirena sa silid at nkita niya ang marka. nilapitan niya si arman at tiningnan ito. nagising bigla si arman.

arman: sanggre pirena, ano ang ginagawa mo rito?
pirena: naparito ako para kumustahin ka. may nakita akong marka sa iyong likod. ano ang ibig sabihin nito?
arman: marka?

tiningnan niya sa salamin ang marka.

arman: hindi ko alama. marahil ay wala itong ibig sabihin.

makikita ang pagtataka sa mukha ni pirena.


sa sapiro/hardin.
umiiyak si cassandra. nilapitan siya ni apek at wantuk.
apek: cassandra, bakit ka umiiyak?
cassandra: pagkat bigo ako apek. bigo akong makita ang aking ina.
wantuk: wag mong isipin yan. ang isipin mo na nakabalik tayo dito sa sapiro ng ligtas at dahil doon tiyak kong natutuwa si lira na nasa devas. kaya wag ka ng umiyak.
cassandra: ngunit nais ko pa rin syang makasama, wantuk.siguro hindi na talaga mangyayari yon. siguro hindi ko na talaga makikita ang aking ina.


sa bahaghari.
pinakain ni rosas si armea ng azurka pero walang nangyari.
violeta: bakit ganun? akala ko bay sa sandali makakain siya ng azurka ay lalaki na siya. eh wala pa rin akong nakikitang pagbabago.
luntian: bakit maliit pa rin siya?
dilawan: hindi ko alam. marahil ay hindi pa lamang tumatalab ito sa kanya.
rosas: o marahil ay hindi totoo ang sinasabi mo dilawan? nagpakahirap pa naman kayong kuhain ang azurka wala naman pala itong bisa.
dilawan: hwag muna kayong maghusga at huwag muna kayong mainip.mabuti ay magpahinga na tayo at kailangan na rin matulog ng sanggol.


sa sapiro/hardin.

inaalo ng dalawa si cassandra. lumabas si lira. nakita siya ni wantuk at apek pero si cassandra nakatungo pa rin at umiiyak. napatayo si wantuk at apek. naupo si lira sa tabi ni cassandra pero hindi pa rin nito iniaangat ang kanyang ulo kay hindi niya agad napansin si lira.

lira: cassandra, bakit ka umiiyak?
cassandra: dahil hindi ko na makikita ang aking ina.
lira: hindi ba't sinabi ko sa'yo na hindi na kita iiwan?
napalingon si cassandra sa tinig ni lira. niyakap siya ni lira. (how touching. kakaiyak ah)
cassandra: ina...
lira: cassandra narito na iyong ina. bumalik sya para sa'yo.
masayang pinagmamasdan nila ybrahim, amihan, wahid, wantuk at apek ang mag-ina. naluha si amihan.
(kanta ni lira on the background)


sa sapiro/bulwagan.
masayang namamasyal sina lira at cassandra.
cassandra: ina, kwentuha mo pa ako tungkol sa mundo ng mga tao.
lira: o sige, anong gusto mong kwento?
cassandra: mabait ka rin ba nung paslit ka tulad ko?
lira: naku, napaka-pasway ko pa nung bata pa ako. lagi akong nasasabihan ng 'hala lagot ka'
cassandra: 'hala lagot ka'
lira: pero alam mo yung tatay ko sa mundo ng mga tao pag nalulungkot ako o pag umiiyak ako lagi niyang ginagawa ito...

kiniliti ni lira si cassandra at niyakap ito. masaya-masaya ang mag-ina. masaya rin silang tinatanaw ni amihan.


sa kagubatan.
ginagamot ni aquil ang sugat ng walang malay na si danaya. ginamit niya ang mga dahon at tipalan ang sugat. pinagmasdan niya ang mukha ni danaya (nabighani, ang ganda naman kasi ni danaya) at ninakawan niya ito ng halik sa mukha.


sa sapiro/bukana.
naglalakad-lakad si arman. tila nag-iisip. dumating sina ybrahim at mga kawal. pinagpahinga na ni ybarhim ang mga kawal at bukas na ulit daw sila maghahanap kay armea.
nilapitan ni ybrahim si arman.

ybrahim: arman, di ba dapat ay nagpapahinga ka na?
arman: hindi po ako makatulogy amang ybrahim.
ybrahim: bakit? meron ka bang suliranin. meron bang gumugulo sa iyong isip?
arman: napakalaki ng utang na loob ko sa inyo sapagkat kayo ang nag-aruga sa akin kaya kung maari lang sana, kung maari lang sana, ayoko sana makagawa ng isang bagay na makakasakit sa inyo.
ybrahim: bakit? ano ba ang maari mong gawin para makasakit sa akin?bakit di ka makasagot arman?
arman: wala ho yun, kalimutan nyo na po ang sinabi ko.

umalis na si arman at naiwang nag-iisip si ybrahim.


sa bahaghari/silid.
naka-focus ang sanggol na si armea natutulog. bigla itong lumaki. (in fairness, maganda si jackie). dumilat si armea at napabangon. tiningnan niya ang kanyang mga kamay at anyo. lumabas sa silid si luntian at nag-inat. nakita niya si armea na malaki na. wala itong nasabi. lumbas si violeta nag-inat at nakita niya rin si armea. sumunod si rosas.

luntian: si armea lumaki na.
violeta: nagkabisa na ang azurka.

nagpalakpakan ang mga punjabwe. nagulat si armea sa kanila.


itutuloy....


abangan bukas:
- sa kagubatan. natutulog si aquil. nagkamalay na si danaya. akmang hahalikan ni danaya si aquil ngunit nagising ito. aquil "reyna danaya,ano't kayo'y bumangon na?" danaya "maayos na ang pkiramdam ko aquil, hanapin na ating ang mga kaaway"
- si pirena sa kuta ng mga hathor. inutusan ni arkrey ang mga hathor na sugurin si pirena. sinugod si pirena ng mga hathor.
- inaayusan nila rosas ang dalagang si armea:
luntian: talaga namang napaka-amo ng kanyang mukha.
violeta: pag siya'y nasilayan ng sinuman ay tiyak na iibig sa kanya.
- sinabi ni alena na isang etherian si arman. umaasa si lira na huwag sana maging kaaway si arman.
- nasa harap nila lira, ybrahim at alena, si arman, iniutos ni ybrahim na nais niyang makita ang sinasabing marka. at sinabihan ni alena si arman na nais nilang makita ang kanyang marka sa likod. natigilan si arman.


0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 28: Armea”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3