sa kagubatan.magkasama si alena at amihan.
amihan: kailangan makita na natin ang kinaroroonan nila avria.
umalis na sila ni alena.
sa kuta nila avria.avria to arman: malaya ka ng makakabalik ng sapiro. hintayin mo na lang ang susund na gagawin.
umalis na si arman.
hagorn: mapapakinabangan kaya natin ang paslit na yan?
avria: may tiwala na sya sa atin at bukod dun nailigtas natin sya. sigurado akong magiging masusunurin sya.
dumating si arkrey.
arkrey: mabuti pa si arman. ibang-iba sya kay pirena.
hagorn: bakit mo nabanggit ang aking anak?
arkrey: bumalik siya ng hathoria para kumbinsihin ang mga hathor.
hagorn: ano nangyari?
arkrey: dumating ako, naglaban kami ngunit nakatakas sya
hagorn: pashnea.
sa kagubatan.tumigil sila danaya sa pagsunod kay arkrey dahil patungo na ito ng hathoria.
aquil: Sa hathoria natin pwedeng sundan si avria
danaya: Tiyak na isang laban na naman ang magaganap pag sumunod tayo sa hathoria. Wala tayong maayos na plano. makakabuti kung makakaisip tayo ng paraan para mabawi ko ang aking brilyante.
aquil: may naisip akong isang paraan.
sa sasakyang panghimpapawid nila ybrahim.malungkot na nakatunghay si ybrahim sa kawalan. nilapitan siya nila wantuk at apek. binalita nilang nadaanan na nila ang tribo ng adjantao at gaya ng dati di nila masabi kung nasaan ang kanyang anak na si armea.
wantuk: gusto nyo pa maghanap? saan pa tayo tutungo?
apeK: tila pagod na kayo. babalik na ba tayo sa sapiro?
tumango lang si ybrahim. malungkot pa rin ito.
ybrahim: armea...
sa batis. namamasyal sina luntian at violeta at armea. tuwang-tuwa ang dalawa sa kanilang kalayaan. namimitas sila ng mga bulaklak at makakain.malungkot si armea.
violeta: talagang napakasaya na ng buhay natin ngayon!
luntian: oo nga, nakakapitas na tayo ng prutas at bulaklak ng walang gumagambala sa atin…
kambal (sabay): syang tunay!
luntian:
may hatid bang lungkot sa iyo ang lugar, agatha? may dinaramdam ka ba?
armea: may naalala ako ... awit?
kambal (sabay): awit?
violeta: marahil ay mapapwi ang iyong lungkot
luntian: kung aawitin mo ang sinasabi mong awit…umawit si armea ng awit ni alena sa kanya.
sa isang parte ng kagubatan.narinig nila alena ang awit. umiiyak si alena.
amihan: kay ganda ng tinig.
alena: ang awit na yan ang madalas kong inaawit kay armea noon
cut to scene umiiyak si armea habang umaawit at naiyak din sina luntian at violeta
back to alena and amihan scene
amihan: saan ka pupunta?
alena: susundan ko ang tinig nais kong malaman kung sino .
umalis si alena para sundan ang tinig. sumunod sa kanya si amihan.
back to armea.
umiiyak si luntian at violeta.
luntian: violeta, umiiyak ka?
violeta: umiiyak ka rin, luntian?
luntian: pinaiyak tayo ng tinig ni agatha.
violeta: may parating. tayo na!
hinila nila si armea at dali-daling umalis. dumating sila alena ngunit di nila naabutan sina armea.
alena: sandali...
amihan: ngayon ko lang naiisip na kahawig ng mga dama ni azulan ang mangaaliw na mananayaw ng bahaghari
alena:
sino kaya yung kasama nila, sino yun? amihan: hindi ko rin alam alena.
sa kuta nila avria:hagorn: mahihirapan si pirena na hinukin ang mga hathor.
ngunit ayaw ko nang maulit pa ang ginawa niya. kung mamarapatin niyo, nais kong magtungo tayo sa hathoria upang makapaghanda tayo sakaling magbalik ang suwail kong anak. nagpasya silang magtungo na ng hathoria para sa digmaan.
avria: Kung ganun, tayo na! sa sasakyang panghimpapawid nila ybrahim. napansin ni ybrahim ang mga sasakyang lobo. sinilip niya ito sa telescope at nakita niyang mga hathor ang lulan nito.
ybrahim: mga hathor!
bumababa ang mga hathor sa sasakyan nila ybrahim at naglaban-laban sila.
sa sapiro/hardin.tinuturan ni lira si cassandra sa paghawak ng espada. ginaya ni cassandra ang mga move ni lira. pinapanood sila ni wahid.
lira: kailangan mo mag-concentrate cassandra. kailangan eh nakatitig ka sa iyong espada. kailangan ay bantayan mo ang galaw ng mga kalaban. ang espada ay hindi lang ginagamit sa pananakit ng mga kaaway ginagamit din ito bilang proteksyon sa iyong sarili
cassandra: marahil ina ay matuto ako agad kung tayo ay makakahanap ng tunay na kaaway na makakalaban.
natawa si lira.
lira: hindi maari cassandra, ikaw ay bata pa. hindi ka pa handa humarap sa mga tunay na kaaway. darating din ang takdang panahon para dyan. ang mabuti pa eh pumunta ka na sa iyong silid at magpahinga.
cassandra: opo.
umalis si cassandra at lumapit si wahid.
wahid: mukhang mayroon ka pinaplanong gawin lira. napansin ko na maaga mo tinapos ang pagtuturo mo kay cassandra.
lira: siyang tunay wahid (aba pormal sumagot si lira ngayon) kung maari ay samahan mo akong hanapin si ashti pirena at iba pang mga sanggre para mapagusapan namin ang mga plano sa kaaway.
wahid: sa ano mang oras nakahanda ako lira.
lira: kung gayon tayo na.
biglang nataranta si wahid. dumikit sya kaagad kay lira.
lira: huwag ka mag-alala di kita iiwan.
wahid: naniniguro lang ako.
nag-orb out na sila.
sa hathoria.pumasok sina hagorn at ether. andun din sina avria at arkrey. nagkakatipon ang maraming hator.
hagorn: dumami na ang ating hukbo.
ether: sadyang pinarami ko ang iyong nasasakupan hagorn upang mas marami rin tayong alagad na magpapatapud ng paghahasik natin ng lagim sa encantadia.
hagorn: mabuhay ang hathoria!
avria: mabuhay ang etheria!
tumawa si ether.
sa sasakyang panghimpapawid nila ybrahim.nilabanan nila ang mga hathor at natalo ito.
ybrahim: bakit ganun, tila dumarami na naman ang mga hathor.
sa sapiro.nagkita sina pirena at danaya.
danay: pirena nanggaling kami ni aquil sa gubat. nakita namin si hagorn, avria at arkrey. pirena, kailangan na natin magtungo dun habang may pagkakataon. kailangan natin kumilos laban sa mga kaaway.
pirena: kung gayon tayo na.
papasaok na sina lira at wahid. nag-orb out sina pirena at danaya. hindi nila inabutan sina pirena.
wahid: ano ang mainam natin gawin ngayon lira?
lira: susugod tayo sa hathoria.
nag-orb out sila.
sa punjabwe.kararating lang nila luntian, violeta at armea mula kagubatan. nagdadabog sina luntian at violeta.
dilawan: nasaan ang mga prutas na sinadya nyo pa sa gubat?
luntian: heto, buti na lamang at hindi nagsitilapon ang mga prutas na pinamitas namin mula sa gubat..
violeta: sa pagmamadaling bumalik rito.
dilawan: bakit ba kayo nagmamadaling umuwi.
armea: hindi ko rin alam kung bakit..kami lumayo dun sa dalawang magagandang nilalang na nakita namin sa gubat,dilawan.
rosas: sinong dalawang nilalang?
luntian (pabulog): si sanggre amihan at reyna alena.
rosas: reyna alena?
violeta: oo, nakita niya si agatha.
nagkatinginan sila nila armea.
sa kagubatandanaya: sheda, pirena.
pirena: bakit tayo tumigil dito danaya?
danaya: dahil hindi ka nila kailangan makita.
pirena: ano ba ang pinaplano mo?
danaya; isang simpleng pakikipag-usap kay avria ang gagawin mo. simpleng paghingi ng brilyante ng lupa ngunit sa naiibang anyo.
nagbagong anyo si pirena into ether.
pirena in ether form: ito ba ang nais mong anyo?
danaya: kamukhang-kamukha mo na si ether.
ngumit si danaya.
sa sapiro/trono ng hari.masayang binalita ni alena ang nakita nila ni amihan sa gubat.
alena: napakaganda niya ybaro at sa wari ko siya ang narinig kong umaawit sa gubat.napakaganda ng kanyang tinig at lalo pa niyang pinaganda ang aking awitin.
ybrahim: ang iyong awitin?
alena: alam nyang kantahin ang aking awitin, ybaro.kataka-taka na alam niyang kantahin ito. nais kong makita sya muli ybaro at gusto ko rin makita mo sya mahal ko. natitiyak akong pagnasilayan mo ang kanyang maamong mukha at narinig mo ang kanyang ginintuang tinig magugustuhan mo rin sya makilala.
ybrahim: kung ganun, ipapatawag natin sya para bisitahin tayo dito sa sapiro.
sa pamilihan.namimili sina rosas, luntian, violeta. kasama rin nila si armea at azulan.
rosas: hay naku, kung hindi nyo sana nakaligtaan yang mga gulay sa gubat, eh di sana hindi na tayo naghahanap ng panea ngayon.
violeta: wag kang magalala rosas, babalik tayo ng gubat upang kumuha ng gulat.
luntian at violeta: at ipapakain namin sa iyo ang lahat ng gulay na iyon!
rosas: hmp!
nakita nila wantuk at apek ang grupo nila azulan.
wantuk: apek, si prinsipe azulan. halika
lumapit sila at nagbigay galang.
wantuk at apek: prinsipe azulan.
azulan: may kailangan kayo sa akin?
inabot nila ang paanyaya. kinuha ito ni azulan.
wantuk: yan ang paanyaya ng mahal na hari at ng kanyang asawa na si reyna alena.
apek: kinukumbida kayo sa kanyang palasyo mahal na prisipe.
armea: haring ybrahim...reyna alena...palasyo?
wantuk: nais kayong makita at makausap ng aming mahal na haring ybrahim.
armea: sige sabihin mo pupunta kami. gusto ko kasing makakita ng palasyo at makilala si reyna alena at haring ybrahim.
napatingin sa kanay sina azulan.
sa kagubatan.nagpra-practice si avria. nagtago si danaya at lumapit si pirena sa anyo ni ether kay avria.
ether(pirena): avria.
nag-vow si avria.
avria: mahal na bathaluman.
ether(pirena): meron sana akong gusto hilingin sa yo mahal kong tagapaglingkod.
avria: ano iyon, mahal na ether?
ether(pirena): ipagkaloob mo sa akin ang brilyante ng lupa.
nagulat si avria.
itutuloy...abangan next week>ybrahim: hindi matatangihan ng prinsipe azulan na yon ang aking imbitasyon.
alena: sana kasama niya ang batang may kakaibang tinig. maaring siya si armea.
ybrahim: hindi sya si armea, alena. hindi sya ang ating anak.
alena: ngunit bakit alam nya ang aking awit?
---
umiiyak na nakikiusap si armea kay azulan.
armea: gusto kong makita ang sapiro...ang palasyo. nakikiusap ako azulan huwag mong ipagkait sa akin na makita ang sapiro pati ang hari at reyna.
---
nag-iinumad sina imaw at dilawan.
imaw: teka, pano ka nga pala napunta sa kaharian ni prisipe azulan?
dilawan: minsan kasi nalagay sa panganib ang buhay ko, sya ang nagligtas sa akin. lagalag kasi yang si azulan kung saan-saan napupunta at napakabilis ng kamay nun sa pagnanakaw.
imaw: ano kamo si azulan ay isang magnanakaw?
dilawan: sinabi ko ba iyon?
----
sa silid ni arman. bini-brainwash sya ni hagorn.
hagorn: huwag ka basta maniniwala sa mga pinapakita nilang kagandahan dahil hindi maglalaon katulad ng sinabi sayo ni avria, kapag nalaman nila na ikaw ay isang etherian, ikaw ay kanilang papatayin.
---
luntian: tama ang hinala natin violeta
rosas: anong hinala?
luntian at violeta: nawawala si armea!
---
arman: si inang alena, nasaan siya? saan ko sya maaaring puntahan?
dama: bakit mo sya hinahanap? ano ang kailangan mo sa kanya?
---
amihan: dahil nakipaglaban ka na nun bilang parte ng iyong misyon at ngayon iba na ang dapat mong harapin. iyon ang pagiging ina mo kay cassandra.
lira: pero kaya ko namang pagsabayin ang tungkulin ko kay cassandra bilang ina at ang tungkulin ko dito sa encantadia. ano ang ibig nyong sabihin? may kailangan ba akong malaman?
nagkatinginan sina amihan at danaya.
0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 30: Ang Mag-Inang Alena at Armea”
Leave a Reply