sa sapiro/silid ni arman.natutulog na si arman. dinalaw sya ni ybrahim. sandaling pinagmasdan ni ybrahim ang natutulog na si arman. mataman siyang nag-iisip. maya-maya umalis na rin siya. naramdaman siguro ni arman na may nagmamasid sa kanya. nagising sya at umupo. naisip niya si ybrahim.
(
voice over:arman): napakabuti mo amang ybrahim, napakabuti mo...kaya paano kita masasaktan?
arman: hindi ko kaya, hindi ko kayang paslangin ang iyong asawa (
si alena tinutukoy niya)
sa andal ruins.nag-orb in sina alena at dalawang kawal na sapiryan.
kawal1: ano po ang ginagawa natin dito mahal na sanggre?
kawal2: bakit po dito tayo nagtungo?
alena: may hinahanap ako sa guhong ito. baka dito ko matagpuan ang sagot.
kawal1: ano ho ang gusto niyong malaman?
hinalugad ni alena ang palagid ng ruins.sa trono ni avria, nakita niya ang hinahanap.
alena: nakita ko na rin ang hinahanap ko. ito pala ang palatandaan ng isang etherian.
pinagmamasdan niya ang simbolo ng isang dahon na nakapatong sa mga mata ng ahas. nakaukit ito sa trono ni avria at nakatala sa watawat ng etherian.
sa bahaghari.inaayusan nila luntian at violeta ang dalagang si armea.
azulan: kay ganda niya.
rosas: syang tunay!
luntian: talaga namang napaka-amo ng kanyang mukha.
violeta: pag siya'y nasilayan ng sinuman ay tiyak na iibig sa kanya.
napatingin ang kambal kay azulan. nagdududa.
luntian at violeta: hindi kaya mapaibig ka sa kanya azulan?
azulan: sheda. si amihan lang ang iniibig ko. namamangha lang ako sa pagdadalaga ni armea.
sa sapiro.kararating lang ni alena. nasalubong siya ni amihan.
amihan: alena saan ka nagpunta?bakit ngayon ka lang?
alena: sa guho ng etheria.dun ako nagpunta.
amihan: nagbabasakali ka na dun naglulungga ang ating kaaway? di ba nanggaling na tayo doon at wala sila doon?
alena: hindi amihan. iba ang pakay ko roon.
amihan: ano?
alena: naghanap ako dun ng isang bagay na makakatulong sa akin upang makilala ko kung etherian ba o hindi ang isang nilalang at nahanap ko ito.
amihan: paano mo malalaman?
alena: tulad natin mayroon silang palatandaan sa kanilang likod. isa itong dahon na nakapatong sa mata ng ahas.ito ang patunay kung sila ay etherian.
amihan: alena, bakit mo ginagawa ito at para saan?
alena: para kay arman, nais kong malaman kung totoo nga ang duda ko sa kanya. kung tunay nga siyang isang etherian.
amihan: alena, hindi makakabuti para sa ating lahat kung saka-sakaling totoo ang sinabi mo lalo na kay ybrahim.
alena: tama ka amihan. labis na kinalinga ni ybaro si arman. tiyak kong masasaktan siya kapag nalaman niya ang katotohanan. sana nga ay mali ang aking pagaalinlangan tungkol sa pinagmulan ni arman sapagkat di ko nanaising saktan ang nilalang na napamahal na sa aking asawa.
(
as usual) napakinggan ni arman ang pag-uusap nila alena at amihan. dali-dali siyang nag-shimmer out.
sa kagubatan.natutulog sina aquil at danaya. nagising si danaya at isa-isa niyang tinanggal ang dahon na pinanggamot ni aquil. nilapitan niya ang natutulog pa na si aquil. akmang hahalikan ni danaya si aquil ngunit nagising ito. aquil "
reyna danaya, ano't kayo'y bumangon na?" danaya "
maayos na ang pkiramdam ko aquil, salamat sayo. tayon na. hanapin na natin ang mga kaaway". nangingiti si aquil.
sa sapiro/silid ni arman.inaayos ng dama ang hingaan ni arman. pumasok si alena hinahanap si arman.
alena: arman?
dama: pagpaumanhin nyo mahal na reyna ngunit wala po dito si arman ngayon. marahil ay nasa hardin sya.
alena: may nais sana akong itanong sayo dama. mula ng dumating dito si arman. ikaw na ang kumalinga sa kanya, may napansin ka bang marka o tanda sa kanyang likuran?
dama: opo mahal na reyna, animoy isang dahong nakapatong sa mata ng isang ahas.
nabahala si alena. nagflashback sa kanyang isip ang nakitang mga simbolo sa guho ng andal.
kuta ng mga hathor at nila avria.nagkakatipon ang mga hathor at inaayos nila ang kanilang espada. nag-orb in si pirena.
pirena: avisala mga hator.
susugurin siya ng mga hathor.
pirena: sheda mga hathor!ano't kakalabanin ninyo ako.hindi nyo na ba ako nakikilala? dahil ba sa nagbalik na ang pinunong hagorn niyo kaya hindi nyo na rin ako ginagalang? naparito ako para sagipin kayo sa mapaminsalang kamay ni hagorn. mga kaibigang hathor, sa ngalan ng kapayapaan nakikiusap ako.huwag ninyong susundin ang kahit ano mang iniuutos ni hagorn.
dumating si arkrey. agad niyang tinutukan si pirena.
arkrey: mainam na pananalita pirena ngunit huli na ang lahat.
sa sapiro/silid ni arman (pagpapatuloy ng usapan ni alena at ng dama)alena: nakakasiguro ka ba sa sinasabi mo dama?
dama: nakatitiyak po ako mahal na reyna. ipagpatawad nyo po mahal na reyna kung hindi ko nasabi sa inyo.
napaupo si alena sa kama.
alena: ako'y nababahala lamang pagkat ang marka na tinukoy mo ay palatandaan ng isang etherian.
nagkatinginan ang mga dama.
sa kagubatan.hinahanap ni arman si avria. nag-shimmer in si avria kasama si hagorn.
avria: avisala arman.nagawa mo na ba ang pinaguutos ko sayo?
arman: hindi sapagkat kilala na ng diwatang si alena ang tungkol sa akin.
avria: at papaano niya nalaman?
arman: kilala na niya ang taglay kong marka sa aking likuran. pinaghihinalaan na niyang isa akong etherian. ayaw kong mamuhi si amang ybrahim sa akin ng dahil dito. ayoko kong isipin niyang tunay akong masama kaya tulungan niyo ako. ano ang dapat kong gawin?
nagkatinginan lang sina avria at hagorn.
sa kuta ng mga hathor at nila avria.pirena to arkrey: hindi isang tulad mo lamang ang papaslang sa akin.
sinugod ni alena si arkrey. naglaban sila. nagawang sugatan ni arkrey si pirena. sa galit, binato ni pirena ng power blasts si arkrey. pero nakailag ito. inutusan ni arkrey ang mga hathor.
arkrey: mga hathor, sugurin nyo sya.
walang ginawa ang mga hathor.
pirena: hindi sila susunod sa iyo.
arkrey: mga hathor, inuutos ko sa inyo sa ngalan ng inyong pinuno na si hagorn, patayin si pirena.
sinugod ng mga hathor si pirena. pero nag-orb out na si pirena bago pa siya paslangin ng mga hathor.
sa bahaghari.tuwang-tuwa si armea sa bahaghari. tangka niyang aakyatin ang layag ng mapansin sya nina luntian at violeta. napasigaw ang dalawa.
luntian at violeta: aayyy! bumaba ka dyan.
violeta: bumaba ka dyan ngayon din.
luntian: bumaba ka dyan!
violeta: ngayon din!
nataranta si armea. di na niya tinuloy ang pag-akyat.
rosas: shh, hwag kayo mag-alala hindi na sya isang paslit.
pumasok si azulan.
azulan: agatha.
luntian at violeta: agatha?
azulan: agatha ang ipapangalan natin sa kanya.
nilapitan ni azulan si armea.
azulan: agatha, hwag ka ng matakot sa amin.
armea: si..ge...si..no..ka?
dilawan: kami ang nag-alaga sayo.
luntian at violeta: lalo na kami, isipin mong mabuti.
naalala ni armea, nung kalong siya ni azulan, inaalagaan siya ni violeta at luntian.
armea: a..zu..lan?
azulan: naalala mo na ako =)
armea: di...la...wan?
dilawan: ako nga agatha.
arema: rosas! luntian at violeta!
luntian at violeta: kami nga!
sa sapiro/trono ng hari:sinabi na ni alena ang sapantaha niya kay ybrahim. naguusap sina lira at cassandra sa isang tabi. andun rin ang dama ni arman.
ybrahim: sadyang kay layo naman nang narating ng iyong sapantaha alena.at paano ka nakakasiguro na isa ngang etherian si arman.
alena: dahil ito ang buong katotohan ybrahim. nagtungo ako sa guho ng etheria. at doon natagpuan ko ang palatandaan nila.
ybrahim: palatandaan? anong palatandaan?
alena: ang mga etherian ay may palatandaan sa kanilang likod. isa itong dahon na nakapatong sa mga mata ng ahas. ito ang natagpuan ko sa mga guhit at sa mga kasulatan nila. ito rin ang nakita ng dama sa likuran ni arman.
lira: totoo ba ito dama?
dama: totoo po. may gayong marka akong nakita sa likod ni arman nung siya'y sanggol pa lamang.
alena: kaya walang pagaalinlangang sinasabi ko sayo, isang etherian si arman.
lira: huwag naman sanang totoong isang kaaway si arman.ano ang desisyon mo dito itay?
ybrahim: nais kong makita ang sinasabing marka. kawal, papasukin si arman.
dumating si arman. masama ang pagkakatingin niya kay alena.
arman: pinatawag mo raw ako haring ybrahim, reyna alena.
lira at cassandra: naku lagot ka arman, lagot ka! (katawa talaga itong si lira)
lira: anak ko, manang-mana ka talaga sa akin =)
ybrahim: sheda lira!
lira: sheda cassandra! (hahaha)
alena: tamang-tama ang iyong pagdating. nais kong makita ang marka sa iyong likod.
mataman pagkakatingin ni arman kay alena.
sa bahaghari.masayang pinagmamasdan ng mga punjabwe si armea.
armea: ba..kit ka..yo na..ka..tingin sa akin?
rosas: huwag mo ng pansinin agataha. nagagalak lang kami dahil..
luntian: ..hindi namin akalain na lalaki kang tunay na napakaganda
violeta: at kamukhang-kamukha mo ang iyong amang hari at inang reyna.
armea: a..mang hari...i..nang reyna?
rosas: amang hari, inang reyna...wala yun..wala yun. huwag mong papansinin si violeta at luntian nahihibang lang sila
diwata: kamangha-mangha ganap ka na ngang malaki
anak ng diwata: at napakagand niya, ina.
armea: i..na ba ang iyong pangalan?
dilawan: hindi ina ang kanyang pangalan, agatha.kundi di estivia at ito naman ang kanyang anak na si idiga.
armea: a..nak?
dilawan: anak ang tawag sa bunga na iniluwal ng isang ina at ina naman ang tawag ng anak sa nilalang na kanyang pinagmalan.
armea: a..ko si anak. na..saan a..king ina? nasaan ang aking ina? su..ma..got kayo.
rosas: nasa malayo sya. hinabilin ka niya sa amin habang naroon siya sa malayo.
luntian: tama.
mula sa itaas ng bahaghari nakamasid sa kanila si azulan.
sa sapiro/trono ng hari:iniutos ni alena na ipakit ni arman ang kanyang likod.
alena: bakit di ka kumikilos arman?nais kong ipakita mo sa amin ang iyong likuran.
ybrahim: alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari arman ngunit mas makakabuti kung susundin mo ang iniuutos ng reyna.
arman: kung iyan ang iyong ninanais haring ybrahim.
pinakit ni arman ang kanyang likod pero walang marka ito. tumayo si cassandra at sinilip ang likod ni arman.
cassandra: ina, wala naman siyang marka sa likod ah.
lira: cassandra, umupo ka.
tumayo si lira at tiningnan di ang likod ni arman.
lira: ashti, itay malinis ang kanyang likod.
ybrahim: nakita mo na alena. mali ang iyong sapantahan.
nilapitan ni ybrahim ang dama. mataman pa rin ang pagkakatitig ni arman kay alena.
ybrahim: at ikaw naman, nasaan ang palatandaang nakita mo nung sanggol pa sya.
dama: patawad mahal na hari, maaring nagkamali lang ako..
ybrahim: sheda!
ybrahim: tayo na arman.
umalis si arman at ybrahim. nagngangamba pa rin ang mukha ni alena.
sa isang puno sa kagubatan.nag-orb in si pirena. hawak niya ang kanyang sugat. umiiyak sya. di niya akalain magagawa sa kanya iyon mga hathor. (
kawawa naman si pirena)
sa isa pang parte ng kagubatan.naramdaman ni danaya na may paparating na mga hathor. nagtago sila ni aquil.
arkrey: hanggang dito na lang kayo. bumalik na kayo ng hathoria at hintaying ang pagbabalik ng inyong pinuno na si hagorn.
naghiwalay na ang mga hathor at si arkrey.lumbas sa tinataguan si danaya at aquil.
danaya: si avria. maaring magtungo siya kay avria.
aquil: halika sundan natin sya.
sinundan nila si arkrey.
sa isa pang parte ng kagubatan.magkasama si alena at amihan. nakagayak pandigma sila.
alena: hindi ako makapaniwalang napahiya ako sa aking maling sapantaha amihan. isang malaking pagkakamali ang nagawa kong pagdududa ko kay arman.
amihan: mabuti na rin ang nangyari alena. marahil ay matatahimik ka na lalo't iyong napatunayan na hindi kalaban ng ating lahi si arman.
alena: sana nga ay matahimik na ako amihan. sana nga...
sa isang parte ng kagubatan.nag-shimmer in sa arman. hinang-hina ito. nag-morph back sya as hagorn (anak ng patola, si hagorn pala yun). sinalubong sya ni arman at avria.
avria: ano ang nangyari?
hagorn: tagumpay ang aking pagpapanggap dahil hindi naman ako tunay na etherian. walang nakitang marka sa aking likod ang mga diwata kaya malaya ng makakabalik si arman sa sapiro.
avria: mahusay hagorn. napakahusay ng iyong kapangyarihan.
alinlangan si arman.
itutuloy....abangan bukas:--
avria to arman: malaya ka ng makakabalik ng sapiro. hintayin mo na lang ang susund na gagawin.
nasaksihan ito nila danaya at aquil. (
patay buking na si arman)
--
tuwang-tuwa sina hagorn, ether, avria at arkrey dahil nadadagan ang pangkat nila.
--
sa isang parte ng gubat.
kasama ni armea si luntian, violeta at rosas. umaawit si armea ng awit ni alena. narinig ito nila amihan at alena.
amihan: kay ganda ng tinig.
umiiyak si alena.
alena: ang awit na yan..iyan ang madalas na inaawit ko kay armea noon.
makikitang umiiyak si armea habag umaawit.
0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 29: Ang Pagdadalaga ni Armea”
Leave a Reply