[Enca 2] Kabanata 33: Prinsipe Azulan


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



pagpapatuloy..

sa hathoria.
ether: si arman lang ang labas pasok sa sapiro. sya lang malayang nakakalapit kay ybrahim at alena.
arkrey: ano ang magagawa nya?
ether: sya ang kukuha ng b. ni alena at pag nangyari yun mababawasan na ang mga brilyante ng mga sanggre. 2 b. laban sa 2. 2luyan natin sila matatalo
hagorn: huwag kayo magalala kung ganun kakausapin ko si arman pipilitin ko sya gawin ang gusto nyo.
ether: gawin mo ang nararapat.


sa lireo
naguusap si lira at cassandara. nagalala ang batang sanggre baka hindi na bumalik si lira.
inassure sya ni lira na hindi na sya iiwan nito. tinulungan lang niya ang mga yla ni cassandra laban kay ether. sinalaysay nya rin na simula na napunta sya sa enca ay pakikidigma na ang kanyang ginagawa. gusto ni cassandra na makita ang kanyang ina na nakikipaglaban. sabi ni lira huwag sya mag-alala at mangyayari yun at balang sya ang papalit sa pakikipaglaban niya. pinagpapahinga na niya si cassandra para makapag plano na sila ng kanyang mga ashti laban sa mga kaaway.

dumating sina amihan, danaya at pirena. sinabi ni amihan na hindi na kailangan sumama ni lira pabalik sa sapiro.


sa sapiro.
tuwang tuwa makit ni alena si armea. si arman nakamasid lang.
alena: natutuwa ako at nagpunta ka dito sa sapiro
armea: ako rin po natutuwa na makita kayo pero nakita nyo na ako sa kagubatan.
alena: alam ko ngunit gusto kita makita muli
armea: bakit po?
alena: natutuwa ako di ko alam kung bakit gusto ko ikaw lagi sama. napakaganda mo.
ybrahim: totoong napakaganda nga niya alena.
armea: salamat po magaganda rin po kayo.


sa lireo.
lira: bakit inay?
amihan: dahil nakipaglaban ka na nun bilang parte ng iyong misyon at ngayon iba na ang dapat mong harapin. iyon ang pagiging ina mo kay cassandra.
lira: pero kaya ko namang pagsabayin ang tungkulin ko kay cassandra bilang ina at ang tungkulin ko dito sa encantadia.
danaya: ngunit lira hindi ka nagtungo dito para sa dalawang bagay na iyon kundi para kay cassandra lamang.
lira: ano ang ibig nyong sabihin? may kailangan ba akong malaman?
pirena: mapanganib ngayon sa encantadia at di tayo tiyak sa mga magagawa ng kaaway. kailangan nyo umalis dito para sa inyong kaligtasan ni cassandra.


sa sapiro/silid ni arman.
si arman ay di mapalagay. mukhang nagseselos. nag-orb in si hagorn.
arman: hagorn ano ginagawa mo dito?
hagorn: masama ba dalawin kita lalo nat ikaw ay nalulungkot?
arman: ang mga sanggre ay may bagay na pinagkakaabalahan ngayon.
(sori di ko na masyado naintindihan yung mga sumunod na dialogues. may tumawag kasi sa akin)


sa lireo.
lira: hindi pwede inay. makakatulong naman ako laban sa mga kaaway.
pirena: hindi lira kami lang taga-pangalaga ng mga brilyante ang maaring lumaban kay ether
amihan: at madugo yon ayaw ko isakirpisyo ang bhay mo at ni cassandra.
lira: pero inay
amihan: ito lang ang iyong misyon ngayon lira ang maging ligtas ang buhay ninyong dalawa g iyong anak.
lira: cassandra?

nag-walk out si lira. masama rin loob ni amihan sa mga binitiwan niyang salita kay lira.


sa sapiro/silid ni arman.


hagorn: sa katunayan. pinatay nila si avria dahil sa matinding galit sa kadugo mong etherian.
arman: patay na si avria?
hagorn: kaya ako naparito para ipaalam sayo.
arman: kung gayon totoo nga pinapatay nila etherian
hagorn: pinatay sya ni danaya kaya pakaingat ka huwag ka basta maniniwala sa mga pinapakita nilang kagandahan dahil hindi maglalaon katulad ng sinabi sayo ni avria, kapag nalaman nila na ikaw ay isang etherian, ikaw ay kanilang papatayin.


sa sapiro/bulwagan.
pinapasyal nila alena at ybrahim si armea.
armea: ang ganda (sa palasyo) napakaganda. nagkaroon din ng katuparan ang pagkakita ko sa palasyo.
alena: natutuwa ka ba?
armea: walang pagsidlan ang katuwaan ko.
ybrahim: agatha, may ibibigay ako sayo. buksan mo.

iniabot ng dama kay armea ang regalo ni ybrahim.

armea: nakakatuwa. salamat po mahal na reyna sa pagkakataong binigay nyo sa akin. hindi na rin po ako magtatagal kailangan ko na kasi umalis.
ybrahim: bakit napakabilis naman?
armea: tumakas lang po ako. di nila alam na nagtungo ako rito.
alena: kung gayon di na kita pipigilin. may hihilingin lamang ako.
armea: sa abot po ng aking makakaya.
alena: maari bang makita ang iyong likuran?


sa sapiro/silid ni arman.
arman: di nila magagawa yun.
hagorn: kung kay reyna avria nagawa nila sayo pa kaya arman? isa lang ang dapat mong gawin ngayon patayin mo ang reyna at kunin mo ang kanyang pinakaingatang brilyante yun lang kailangan mong gawin upang masiguro ligtas ka sa encantadia.


sa lireo.
wala pa ring malay si aquil. binabantayan siya ni muros. dumatin si danaya. kinakamusta ang lagay ni aquil. sagot ni muros na di pa rin dumidilat ang mat ng aquil pero naririnig ko pa rin ang tibok ng kanyang puso. inutos ni danay na bantayan ni muros si aquil dahil pupunta na siya ng sapiro para i-meet ang kanyang mga kapatid at para mapagplanuhan na rin ang kanilang mga balak sa kaaway. tinanong ni muros kung wala ba syang maitutulong tungkol dito. sabi ni danaya na ang maitutulong sa kanyan ni muros ay bantayan si aquil ng kanyang buhay habang wala pa sya. umalis na si danaya.

muros: aquil gumising ka na para kay reyna danaya wag mo say biguin gumising ka na.


sa hathoria.
ether: hagorn, may dala ka bang magandang balita?
hagorn: nakausap ko na si arman idinikdik ko sa utak nya ang poot sa mga sangre (nakangisi si hagorn)
ehter: mabuti yan. mainam.
hagron: at inutusan ko na rin sya patayin si alena at kunin ang brilyante nito.
arkrey: sana magtagumpay sya.


sa sapiro/bulwagan.
alena: maari ba agataha?

lumapit si ybrahim kay alena at hinila palayo si alena kay agatha. sabay bulong.
ybrahim: hindi mo na kailangan gawin yun alena. ano ang nais mong mangyari?
alena: gusto ko lang malaman kung totoo ang kutob ko, kung sya ay anak ko, kung may mark sya ng isang sanggre?
ybrahim: aaminin ko sayo, iba rin pakiramdam mo sa kanya at di ko maipaliwanag.

lumapit muli si alena kay armea.

alena: mapapagbigyan mo ba ang aking kahilingan?
armea: opo mahal na reyna.

pero...dumating sina azulan.

azulan: agatha!sabi ko na nga ba dito ka pumunta!


sa lagusan patungong mundo ng mga tao.
(di ko kinaya at napaiyak ako sa scene na ito)

binuksan ni danaya ang lagusan. kasunod nya sa likuran sina lira, cassandra, amihan at pirena.

danaya: asnamon voya nasar.buksan mo lagusan patungo sa mundo ng mga tao.

may inaabot ng mga ginto si danaya kay lira.

danaya: tanggapin mo ito lira makakatulong ito sa inyo ni cassandra sa pagsisimula nyo sa mundo ng mga tao.
lira: makikiusap sana ako kung pwedeng pumunta muna ng sapiro makapagpaalam kay itay.
amihan: huwag na. ayoko maimpluwensyahan pa ni ybrahim ang desisyon namin at saka pa tiyak na hindi kayo papayagan nun pumunta ng mundo ng mga tao.
pirena: sige na iligtas mo ang iyong anak. bumalik ka na sa mundo ng mga tao na minsan naging parte ng buhay mo.

lumapit si amihan kay cassandra.

amihan; cassandra gusto ko sundin mo ang iyong ina. hwag ka susuway. alam ko wala sya hangad na masama sayo
cassandra: opo yla. kelan ko po ulit kayo makikita? (umiiyak na si cassandra nito)
amihan: kapag payapa na ulit ang lahat dito. ako mismo susundo sa inyo ng iyong ina para magkasama ulit tayo.

niyakap ni cassandra si amihan.niyakap ni pirena si lira at hinalikan sa noo si cassandra.

lira: mga ashti ingatan nyo si inay. inay, ingatan mo mga asti ko. gusto ko makita kayo sa pagbabalik namin.
danaya: matutupad lira. makikita mo muli kami sa pagbabalik nyo.
cassandra: yla pakisabi kay ylo mahal ko sya.
lira: mahal namin sya pakisabi sa kanaya.
danaya: masusunod lira.

niyakap ni danaya si lira. umiiyak na lahat ng mga sanggre. lumayo ng konti si amihan.

amihan: inay...

hindi niyakap ni amihan si lira. umiiyak si lira. nagtungo na sina lira sa bukana ng lagusan. nilingon ni lira ang kanyang ina ngunit di sya tiningnan nito. umiiyak na pinasok na muli ni lira at cassandra ang mundo ng mga tao.

pagkawala nila lira. bumigay na si amihan. walang tigil ang pag-iyak nito.

amihan: ayoko mawala ang anak ko...ayaw kong mawalay sila.. (umiiyak si amihan habang sinasabi niya ito)
danaya: gusto mo ba pabalikin sila (umiiyak din sa danaya at pirena)
nahimasmasan din si amihan.
amihan: hindi, dahil ito ang makakabuti sa ating lahat. matinding panganib ang ating kakaharapin. matinding labanan nito. tayo na.

nakita ng mga hathor ito ang tagpong ito.


sa sapiro/bulwagan.
ybrahim: prinsipe azulan, mabuti pinaunlakan mo ang aking paanyaya.
azulan: di na sana mahal na hari kung di lamang kay agataha
armea: patawa azu..prinsipe azulan kung nagtungo ako dito ng walang paalam.
alena: ako na ang nakikiusap hwag mo na syang pagalitan.
ybrahim: alena, pumasok ka na sa palasyo.

sumunod naman si alena.

azulan: agatha, tayo na.
paalis na sila ng mapansin ni ybrahim ang kanynag tatto.

ybrahim: sandali! nakita ko na ang markang ito.

nagkatinginan sila.

ybrahim: ikaw? kilala ko ang markang yan.

naglapitan ang kawal na si wantuk at apek.

ybarhim: kayo ang mga nagnakaw sa sapiro?


itutuloy...


abangan:
---
hinahananp ni arman si alena sa kanyang dama.
--
galit si ybrahim sa ginawa ni amiha.
ybrahim: alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo amihan?
amihan: alam ko pero para kaligtasan na rin ito ng ating anak at ni cassandra
ybrahim: tama ang iyong layunin pero napakasakit
----
sa payo ni hagorn may sinamong nilalang si ether mula sa brilyante ng lupa. may lumbas na babaeng mandirigma.
----
naramdaman ni danaya ang nangyayari sa kanyang brilyante. nanghina sya.


0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 33: Prinsipe Azulan”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3