[Enca 2] Kabanata 42: Ang Parusa


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



note: hindi exact yung mga dialogues kasi hindi ko na-record. i've transcribed it while watching kasi :) pagpasensyahan nyo na po.

pagpapatuloy...

tinira ni ether si aquil ng kanyang power blast.nilalabanan ito ni aquil halos mapaupo na sya.

aquil: aahh!

sinamo ni aquil ang lahat ng kanyang lakas at lakas mula sa devas.na-counter ni aquil ang power blast ni ether. nagawa nyang sugatan si ether sa likod.nilapitan nina hagorn at sariya si hagorn. nagkaroon ng pagkakataon para makaatras sina aquil.

aquil: muros! bumalik na tayo sa loob. mga kawal!

inutusan ni hagorn ang mga hathor na pasukin ang palasyo ng lireo. sumugod ang mga hathor.

sa sapiro/wake.
humahagulgol si alena.

alena: hindi..hindi alis dito si ybaro. hindi niya iiwan ang sapiro.hindi! ybaro...

inalalayan ni amihan ang halos nagwawala ng si alena.



sa lireo.
binabayo ng mga hathor ang pintuan ng lireo. nakamasid si hagorn at sariya.

sa loob ng palasyo. sinisigurado nila muros na di mabubuksana ng pintuan. hinaharangan ng mga kawal ng lireo.

aquil: siguraduhin na di mabubuksan ang pintuan. muros, may sugat ka.
muros: wala ito, kailangan malaman ni reyna danaya ang kaguluhan dito. sunduin mo sya. kakayanin ko pa.
aquil: kung gayon, agad ako aalis.

orb out si aquil.



sa sapiro/wake.
habang humahagulgol si alena sa background.

cassiopea: naway makamtan mo sa devas ang kaluwalhatian. naway namaktan mo sa devas ang pagmamahal. naway makamtan mo sa devas ang katahimikan.

sa oras na ito di na magkamaliw sa pag-iyak si alena (kawawa naman). inaalo siya ni amihan. inaalo naman ni danaya si armea.

cassiopea: paalam mahal na mga sangre ng encantadia.

naglaho na sila ni ybrahim.

alena; ybaro! huhuhuhu.

pinapatahan sya ni amihan. umiiyak si danaya at armea. umiilang si imaw. malungkot na nakatunghay sina wantuk at apek.



sa devas
si ybrahim papasok sa loob ng devas. pinagmamasdan ni ybrahim ang paligid. sinalubong sya ni armeo.

armeo: maligayang pagdating ybrahim
ybrahim: ama!

nagyakap ang mag-ama.

armeo: hindi lang ako ang naghihintay sa iyong pagdating. may mga iba pa.

tinuro ni armeo ang isang pinto. pumasok si ybrahim doon.



sa sapiro/silid ng konseho.
magkakasamang nakaupo ang 3 sanggre (wala pa rin si pirena, bakit kaya?)

tumayo si alena. makikita sa kanyang mukha ang galit.

alena: gaganti ako danaya igaganti ko ang pakamatay ni ybaro.

nag-orb in si aquil.

aquil: at kailangan umpisahan na nyo ngayon.naghahasik na ang mga kaaway

danaya: saan aquil?

aquil: sa lireo. sinugod ng mga kaaway ang kaharian. iniwan ko si muros doon. kailangan nating makabalik kaagad bago makapasok ang kaaway sa lireo.

alena: namatay na si ybrahim hindi ako papayag na pati ang lireo ay kukunin sa atin!



sa sapiro/labas ng kulungan.

wantuk: labis kaming naluluungkot ni apek sa pagkawala ng iyong ama.isa syang kawalan sa
sapiro, sa yo at sa iyong ina.

apek: wag ka mag-alala, bilang tunay na kaibigan ng iyong ama, nandito kami para gabayan ka

armea: maraming salamat. ngayon ay ibig ko makita si arman.

pumasok sila sa piitan. pagpasok nila wala na si arman.

apek: kawal!asan si arman?

kawal: kanika pa sinundo para sa paglilitis

wantuk: kanina pa? maaring ngayon ay nahatulan na sya

armea: nilitis si arman na hindi natin alam?

apek: makapangyarihan ang mga konsehno ng sapiro.

armea: kung gayon asan sila?



sa sapiro/silid kung saan hahatulan si arman.

nakatali si arman sa isang malaking pilar. walang emosyon ang kanyang mukha.

punong konseho: arman, handa ka na bang tanggapin ang iyong parusa.

arman: kung ito lang paraan upang makabayad ako sa kasalanan ko.handa na ako.

pungong konseho: kung gayun ihanda na ang hatol sa kanya.

kinalas ng mga kawal si arman sa pagkakatali. hinanda na ang ulo ni arman.pupugutan na sya ng ulo.


nag-orb in si odessa. binigyan nya ng power blast ang may hawak ng ax.

odessa: arman!
arman: ina!

tumayo si arman tinggal ang pagkakatali at nilabanan niya ang mga kawal. napatay ni arman ang pinuno ng konseho.


konseho2: pinatay nyo ang pinuno ng konseho!

dali-daling umalis ito. naiwan ang mag-ina

odessa: anak..

nagyakap ang mag-ina.



sa lireo.
nakapasok na ang mga hathor sa bukana ng lireo. nilaban nila muros at ng mga kawal ang mga hathor at si sariya.

hagorn: mag-isa ka na lang muros. hahaha. isuko mo na sa akin ang lireo.

dumating ang magkakapatid (salamat dito na si pirena) at aquil. tumabi si muros sa mga sanggre. sinamo ng mga sanggre ang kanilang brilyante at binigyan ng blasts ang mga hator. patay lahat ng mga hathor.

(ganda ng scene na ito).
nag-forward sina amihan at alena. sabay nilang sinamo ni alena ang kanilang brilyante at blinast ang mga hator. napaatras sina hagorn. isa pang blasts ang binigay nila amihan. napaurong ulit sila hagorn.

amihan: ano hagorn papasok ka pa ba ng lireo?
hagorn: pashnea!

nag-shimmer out na sila hagorn.

aquil: ligtas na muli lireo
danaya: ngayo oo
muros: maraming nasugatan mahal na reyna.

pinuntahan nila danaya, amiha at alena at aquil ang mga sugatan. naiwan si pirena. galit na galit ang itsura nito.



sa sapiro/silid kung saan hahatulan si arman.

nagyakap ang mag-ina

arman: di ko akalain na darating ang sandaling ito na makita kitang muli.di ko akalain na buhay ka pa. sabi nila avria ay pinatay ka na ng mga sanggre at amang ybrahim.

odessa: oo pero di sila kungdi si avria. siya kumitil ng buhay ko.


arman: si avria? kung gayon niloko nya ako. pinaniwala nya ako sa kasinungalingan nya

odessa: oo arman totoo ang iyong sinabi at di ko pa sana masasabi sayo ang katotohanan kung di sa isang nilalang na tumulong sa akin


flashback:
sa devas

odessa: galatea.

galatea: kumusta ka na odessa?

odessa: nagpapasalamat ako sayo at kay emre at hinayaan nyo ako magtungo sa devas. ngunit nangungulila ako sa aking anak.

galatea: maaari mo makita ang iyong anak ngunit kailangan mo munang pagbayaran ang kasalan mo kay alena. malaki ang kasalan mo kay alena at ybrahim.

odessa: pinagsisishan ko na ang mga kasalanan ko at handa ako bayaran ang lahat ng ito makapiling ko lang ang anak ko.
end flashback.

odessa: dahil sa kanang kamay ni emre na si galatea nakabalik ako dito para makasama ka ulit

arman: natututwa ako ina. tuwang-tuwa ako. tumakas na tayo at magpakalyao-layo rito.

odessa: hindi arman. hindi tayo tatakas. may kailangan ka pag malaman tungkol sa iyong pagkatao at iyong aman.

arman: kilala ko na ang aking pagkatao.

odessa: ikaw ay kalahating etherian. ang kalahati ng dugo mo galing sa iyong ama. (sori guys di ko masyado na transcribe ang dialogue na ito).

arman: hindi etherian aking ama?

naalala ni arman ang nakaraan magkasama sila ni ybrahim:
flashback
:: tinanaong niya si ybrahim tungkol kay odessa
arman: kilala mo ba si odessa ?
ybrahim: kinamumuhian ko ang pangalan yan.

:: nais ni ybrahim na tawagin sya ama ni arman.
ybrahim: bakit di na lang amang ybrahim ang itawag mo sa akin.

:: pagsasanay nila ybrahim
ybrahim: magaling magaling arman

:: inutusan siya ni hagorn patayin si ybrahim.
hagorn: paslangin mo si ybarahim kung gusto mo mabuhay pa.

:: naalala niya ng mabuyo sya ni hagorn.
arman: paumanhin amang ybrahim. kailangan ko ito isagawa para masiguro ang aking kaligtasan.

:: ang pangangaso nila ni ybrahim
sa gubata. nakatutok ang espada ni arman kay ybrahim.
ybrahim: tunay na maasahan ka arman.
arman: di ko kaya masaktan ka amang ybrahim

:: sinalo ni ybrahim ang saksak ni ether para sa kanya.

:: naghihigalo si ybrahim sa kanyang kamay.
flashback end.

arman: si amang ybrahim. sya ang aking ama?

odessa: oo. halika samahan mo ako kay alena at may utang akong dapat bayaran.



sa sapiro/hallway.
pumasok si alena. malungkot sya. sinalubong sya ni wahid.

wahid: mahal na reyna. ano po ang nangyari sa lireo?

alena: ligtas na ang lireo. nasagip na namin sa mga kaaway.

imaw: salamat kay bathala.

alena: hindi ka dapat magpasalamat kay emre kung di sa aming mga sanggre. kami ang gumawa ng paraan upang hindi tuluyang masakop ang lireo.

wahid: ipagpaumanhin nyo mahal na reyna ngunit kalapastanganan ang iyong pananalita sa ating bathala.

alena: ipagpatawad mo wahid. di mo ko masisi dahil sa aking pananalita. kung tunay syang kapanalig natin di sana nya hinayaan mapatay ang aking asawa.

imaw: tama na reyna alena. masama lang ang loob mo kaya ganyan ka magsalita. nauunawan kita. nandito lang kami handang tulungan ka.

alena: kung gayon ihanda mo adamya para tumulong sa paglusob sa hathoria.

wahid: lulusob? ngunit mahal na reyna.

alena: husto na ang pagpaslang nila kay ybaro. husto na ang muntik nilang pagsakop sa lireo bilang pinuno ng sapiro, idinideklara ko ang digmaan laban ng sapiro at lireo sa hathoria at mga kaaway!

(may sinabi pa si alena tungkol sa digmaan na ngayon lang matutunghayan chuva at ang tagapangalaga ng brilyatne ng tubig yata ang pinuno. sori guys didn't get it right away. bilis magsalita ni alena, bagal ko magtype :)



sa hathoria:
malungkot na nakupo si hagorn sa kanyang trono.lumapit sa kanya si sariya.
sariya: nagamot ko na ang sugat ng mga hathor.
hagorn: salamat saiyo ngunit maghanda ka dahil ano mang oras gaganti ang mga diwata
sariya: kung gayon dapat tayo maghanda sa pagdating nila.
hagorn: handa man tayo. hindi natin sila makakaya.

nagshimmer in si ether in snake form.

ether: wag ka mabahala hagorn dahil handa na ako sa kanilang paglusob may bago kayong kapanalig.

hagorn: sino sila?

nagshimmer in ang mga namayapang kawal ng etheria

hagron: ang mga namayapang kawal ng etheria.

ether: ang bago mong kapanalig. sila ang tutulong para kalabanin ang mga diwata.

itutuloy...


0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 42: Ang Parusa”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3