[Enca 2]Kabanata 41: Ang Paglilitis


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



pagpapatuloy:

sa sapiro/meeting ng konseho.

armea: hindi maaring litisin ang wala namang kasalanan, ina.

council1: nagtaksil sya sa sapiro.pinatay nya ang aming hari.

tumayo si amihan sa kanyang kinauupuan.

amihan: paumanhin, ngunit ang tinuran ni armea na syang nakasaksi sa buong pangyayari ay matibay na patunay sa kabutihan loob ni arman.alam nyang may katapat na parusa ang kanyang ginawa ngunit buong tapang syang bumalik dito sa sapiro.

council2: ipagpaumanhin mga sanggre subalit may batas na dapat sundin ang pamunuan ng sapiro na kailanman ay hindi maaring pakialaman ng mga diwata kahit isang dugong bughaw pa.

amihan: yaman din lamang na ang mahal na reyna ang humahalili sa nasirang hari, bakit hindi sya ang hayaan nating magpasya sa pangyayaring ito.

alena: susundin natin ang nakasaad sa batas ng sapiro. itutuloy ang paglilitis kay arman.

armea: ngunit ina...

alena: unawain mo sana ang aking pagpapasya. isa akong diwata na nagpakasal at nagpasakop sa isang magiting na sapiryan. kaya kahit wala na ang iyong ama mananaitili pa rin ako sa kanyang kinasasakupan.

council1: kung gayon, agad nating lilitisin si arman. sa sandaling mapatunayan natin ang kanyang pagkakasala, kamatayan ang parusang ipapataw natin sa kanya.

napatingin si amihan kay alena at armea.

sa hathoria.
kararating lang ni hagorn sa hathoria.

hagorn: bathaluman.

ether: kumusta ang ating alagad na si arman, hagorn?
hagorn: matatawag pa bang alagad ang katulad nyang nag-aalinlangan ng pumanig pa sa atin?

sariya: pashnea! hindi maaring magmalaki sa atin ang baguhan lamang.

ether: tiyak na nagdadalamhati ang buong kaharin ng sapiro ngayon. siguradong naroroon ang lahat ng nilalang na nasasakupan ng pamumuno ni ybrahim. siguradong naroon din ngayon ang mga sanggre at dinadamayan ang kanilang kapatid.

hagorn; wala ang reyna sa kanyang trono.

ether: kaya ihanda mo ang iyong hukbo hagorn. lulusob tayo sa lireo.

hagorn: masusunod mahal na bathaluman. HAHAHAHAH!



Sa lireo.
nasa hardin si aquil. malalim ang iniisip.nilapitan sya ni muros.

muros: bakit hindi ka nagtungo sa sapiro, aquil? panahon ito ng pagdadalamhati ng mga sanggre. kayat tiyak na mas kailangan ka nila roon. dahil ba kay reyna danaya, kaya nagpaiwan ka rito? iniiwasan mo bang magkasama kayo?

aquil: hindi lang iyan ang dahilan muros. nais ko lang, nais ko lamang maging handa. maaaring samantalahin ng mga kalaban ang pagkawala ni danaya.

muros: may katwiran ka.

aquil: kaya ihanda mo ang iyong hukbo. ano mang oras ay maari tayong salakayin ng mga kampon ni hagorn.



sa hathoria
hinahasa ng mga hathor ang kanilang mga sandata.

hagorn: magaling...magaling.sadyang napakahusay ng ginagawa nyong paghahanda. ipunin nyo ang ingyong lakas mga alagad.lulusubin natin ang lireo. at sa pagkakataon ito, titiyakin natin na mapapasaakin na at hindi na muling mababawi pa ang kaharian ng mga diwata.HAHAHHAHAHA!


Sa sapiro/kulungan.
dinalhan ni armea ng pagkain si arman. kumakain si arman.

arman: salamat dito armea.

armea: walang anuman arman, ibinabalik ko lamang ang kabutihang loob na ipinakita mo sa akin nung ako'y nakakulong pa sa hathoria.

arman: ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong ama. ikinalulungkot ko rin ang labis na pagkamuhi sa akin ng iyong ina.

armea: ako na ang humihing nga kapatawaran para sa akin ina, arman.kung may magagawa lamang ako upang huwag ka na nila ikulong dito ngunit...

arman: huwag ka na mag-abala armea. huwag kang maawa sa akin. ayokong kahit ikaw ay mapapahamak. sapat na sa akin ang ginawa mong pakikiramay ngayon.

armea: natatakot lamang ako sa maaring maganap.

arman: ano ang ibig mong sabihin?

dumating si wahid.

wahid: ang paglilitis na gagawin sa yo ng konseho. iyon ang tinutukoy ni armea.

armea: patawad arman. sinubukan kong himukin sila na huwag ituloy ang paglilitis

arman: huwag kang magalala para sa akin armea. wala tayong dapat ikabahala. haharap ako sa konseho ng sapiro. tatanggapin ko kung ano man ang pasya nila. dahil sa puso at kaluluwa ko batid kong wala akong kasalanan.

nag-aalala si wahid.



sa sapiro/hallway.
nag-uusap ang mga konseho.

council2; lahat na yata ng pinaka mahuhusay na manghuhula ay pinatawag na ni reyna alena. at iisa ang sinabi nila, hindi ba? na mamatay sa kamay ng kanyang anak si haring ybrahim.
council1: itinuring nyang tunay na anak ang ampon nyang si arman. subalit hindi maaring ituring niyang anak ito.
council2: inakala nating mamatay sa kamay ni armea ang hari kaya dinukot natin sya upang mailayo sa kanyang ama.
babaeng konseho: ngunit hindi nga ganun ang nangyari! kung alam ko lamang na hindi si armea ang papatay sa kanyang ama, hindi na lang sana ako sumang-ayon sa pagnanakaw natin sa kanya nung sanggol pa lamang sya.
council2: at hindi na rin sya mapupunta kay hagorn kung lumaki sya sa piling ng kanyang tunay na mga magulang. may pagkakamali rin tayo sa pangyayaring ito.
council1: maari bang manahimik kayo. wala dapat makaalam sa mga ginawa natin. kay't maari ba huwag na kayo magbalik tanaw.

narinig nila ang kaguluhan sa bukana ng sapiro. nais ng mga taga-sapiro na masilayan ang bangkay ni ybrahim. sumisigaw sila ng katarungan para kay ybrahim. pinipigilan sila ng mga kawal ng sapiro.

council2: katarungan sa namayapang hari ang hinihiling ng mga sapiryan.katarungan ang ibibigay natin sa kanila.
council1: kailangang madiin si arman sa kasalanang pagpatay. kailangan!


sa hathoria:
ether: hindi ako nagsisisi na ipinagkaloob ko sayo ang panibagong buhay hagorn dahil hanggang sa mga sandaling ito ay nanatili kang tapat sa akin. kaya't tanggapin mo aking basbas sa iyong paglusob sa kaharian ng mga diwata.

hagorn: maraming salamat dakilang bathaluman.

sinamo ni ether ang brilyante ng lupa. nag-shimmer in si sariya.

hagorn: sa pamamagitan ng basbas ng ating mahal na bathaluman at sa tulong ng hawak niyang brilyante ng lupa sama-sama nating lulusubin at sasakupin ang lireo! tayo na!



sa sapiro
nasa tabi ng labi ni ybrahim si alena. sa likuran niya si armea. umiiyak ang mag-ina. nakikiramay sa kanila sina imaw, danaya, amihan, rosas, luntian at violeta.

imaw: handa na sa kanyang paglalakbay tungo sa devas ang namayapang si haring ybrahim. ibinibigay ko sa inyo ang pagkakataon upang magpaalam sa kanya.

labis ang pagluha ni alena. lumapit si danaya sa labi.

danaya: ang iyong patas na panunungkulan ang laging magsisilbing inspirasyon sa aking panunungkulang bilang isang reyna ng lireo.paalam sayo haring ybrahim.

nag-vow si danaya.



sa lireo.
nag-shimmer sina hagorn at sariya at pangkat ng mga hathor. pinatay ni sariya ang dalawang bantay sa bukana ng lireo. pumasok sina hagorn.

bumukas ang pintuan ng kaharian ng lireo. lumabas ang mga magigiting na kawal ng lireo. kasama si aquil. naghanda sila sa pakikipaglaban.



sa sapiro.
si amihan naman ang lumapit sa labi ni ybrahim.
amihan: labis akong nagpapasalamat sayo. naging matapat kang kaibigan at mabuting ama sa anak nating si lira. hinding-hindi kita malilimutan ybrahim.

dumating ang mga paru-paro.

alena: nandito na ang mga ...paru-paro ...para sunduin...aking asawa.

halos mamatay si alena sa pag-iyak. nag-orb in si cassiopea. nagulat ang lahat.
amihan: si cassiopea...

nagkatinginan sina amihan at danaya.



sa sapiro/piitan.
nakatali si arman at nag-iisa.umiiyak na winika nya "sana'y baunin ninyo ang aking walang hanggang pasasalamat sa ginawa niyong pagkalinga sa akin, amang ybrahim. nawa'y maging malualhati ang inyong pagyao. maging maligaya at payapa ang inyong kaluluwa sa inyong patutunguhan. paalam...paalam amang ybrahim"

naalala ni arman ang mga sandaling magkasama sila ni ybrahim
flashback
:: nung nagsasanay sila sa pakikipaglaban.
ybrahim: bakit hindi na lamang amang ybrahim ang itawag mo sa akin. yaman din lamang ako ang nagpalaki sa iyo.

nagyakap ang mag-ama.

:: nung naghihingalo sa kanyang kamay si ybrahim
end flashback

dumating ang mga kawal ng sapiro. tinanggal ang pagkakatali ni arman.

kawaL: sumama ka sa amin.
arman: saan nyo ako dadalhin.
kawal: ihaharap ka namin sa konseho ng sapiro.

inilabas nila si arman.



sa sapiro/wake.
cassiopea: avisala ivi lireo at sapriyan.

lumapit si danaya kay cassiopea at niyakap niya ito.

danaya: cassiopea...

lumapit din si amihan at alena kay cassiopea.

imaw: ikinatutuwa namin ang iyong pagbabalik cassiopea kahit na sa gitna ng malungkot na pagtitipon na ito.

cassiopea: sheda, may dahilan ang aking pagbabalik imaw. narito ako upang sunduin si ybrahim. maari nyo ng ibigay sa kanyang labi ang inyong huling habilin.

lumapit si armea sa kanyang ama. malungkot na pinagmasdan sya nila rosas, luntian at violeta. nakikiramay din sina wantuk at apek.

armea: ama, ikinalulungkot ko na hindi na tayo magkakasama. ikinalulungkot ko na hindi ko naparamdam sayo ang aking pagmamahal ngunit huwag kayo mag-alala...mamahalin ko si ina gaya ng pagmamahal mo sa akin...huuhuhu

hinawakan ni alena ang kamay ni armea bilang pag-alo dito. sinabi ni alena ang huling pamamaalam niya kay ybrahim.

alena: kasama ng iyong paghimlay ang aking puso mahal ko. ikaw...ikaw ang bukod... ang bukod tanging nilalang na mamahalin ko...hanggang sa huling sandali...pilitin ko pa ring mabuhay ... para sa ating anak...sana lang...sa aking pagmamahal at pagkalinga sa kanya...maramdaman ko pa rin ...ang init ng iyong pag-ibig...pinakamamahal kita...ybaro. ...mahal na mahal kita.

lumuluha ng labis si alena.

cassiopea: panahon na mahal na reyna upang isama ko si ybrahim sa devas.

(background music: mahiwagan puso)



sa sapiro/bulwagan.
nakatali si arman sa gitna. nagkakatipon ang mga sapiryan. nililitis sya ng mga konseho.

council1: hindi nga bat nilisan mo ang sapiro para umanib kay hagorn? tunay nga bang pinagplanuhan mo ang lahat arman - ang pagpanig sa mga kaaway,ang lihim na pagbibigay ng imporymasyon kay hagorn, ang kungwaring pagkampi kay armea upang mahulog sa bitag mo ang namayapang si haring ybrahim?

arman: kasinungalingan!

council1: hindi kasinungalingan! namatay sya ng dahil sa iyo! sa ginawa mong pagkakanulo sa amin masasabi na rin ikaw ang pumatay sa kanya.

arman: hindi totoo iyan. ang totoo ay tumulong pa ako sa kanila ni armea ngunti...

konsehong babae: ngunit! ng dahil sa iyo ay namatay ang aming hari.kaya ikaw rin ang pumatay sa kanya!

arman: anong uri ng paglilitis ito!? bakit gusto nyo ako umamin sa kasalanang hindi ko naman ginawa? kailanman ay hindi ko hinangad na mamatay ang katangi-tanging nilalang na nagmahal sa akin bilang isang ama.

council2: kung totoo iyan, bakit ka nakipagkuntsabahan sa mga kaaway?!bakit ka kumampi kay hagorn? hindi ba't isang pagtataksil ang ginawa mo?



sa lireo.
nakaharang ang mga kawal at sina aquil sa pintuan.

hagorn: tayo na!

papasok na sila hagorn sa bukana hindi nila alintana ang pangkat nila aquil na humarang.

hagorn: panibagong digmaan ba ito ng mga muling nabuhay?
aquiL; kung kaya ko, paulit-ulit kitang papatayin hagorn.
hagorn: hahahah!kung gayon subukin natin.

sariya laban sa mga kawal. si hagorn laban kay aquil.



sa sapiro/paglilitis
umiiyak si arman.

council1: bakit ka umiiyak arman? marahil ay isa na namang paabas ang ipinapakita mo sa amin arman. nagpapanggap ka na naghihinagpis! sa loob mo naman ay ganap ang pagdiriwang!

arman: nagkakamali kayo. kung maari lang sana, nais kong masilayang ang aking amang ybrahim sa sandaling ito kaysa harapin ko ang mga binibintang nyo.

babaeng konseho: nais mong masilayan ang bangkay ng aming hari upang makisiguro na patay na sya. ganun ba?

arman: hindi.hindi (umiiyak na si arman) inuulit ko mahal na mahal ko ang amang ybrahim ko. mahal na mahal ko sya... hindi ko inakala na mamatay sya...natakot lamang ako ng matuklasan nila na isa akong etherian...kaya nagpabuyo ako kay hagorn na kumampi sa kanila. ngunit alama ng atin bathala .. .kung ano ang laman nga aking puso...hindi ko hinangad ang lahat...hindi ko sinasadya....



sa lireo.
naglalaban ang pangkat nila hagorn kina aquil. nag-shimmer in si ether. pinatamaan nya ng power blast ang mga kawal ng lireo. pati si aquil. napatumba si aquil.

hagorn: sumuko ka na aquil. isuko mo na sa akin ang lireo.
aquil: hindi! kahit anong mangyari hindi nyo makukuha ang lireo mula sa mga diwata!

tinira ni ether si aquil ng kanyang power blasts.nilalabanan ito ni aquil halos mapaup na sya.



sa sapiro/bulwagan.
binabasahan na ng konseho si arman ng kanyang kahatulan.

council1: dahil sa pag-amin ng nasasakdal sa kasalanang ibinibintang sa kanya at dahil na rin sa katibayang nasilayan ng konsehong ito at ito'y walang iba kundi ang labi ni haring ybarhim. napatunayan ang nasasakdal, ikaw arman ng etheria ay nagkasala. dahil sa iyong salang pagtataksil at paglilinlang at dahil sa pagkamatay sa pinakamataas na pinuno ng kaharian ng sapiro. hinahatulan ka ng konsehong ito ng parusang kamatayan.


tulala si arman. naghihiwayawan ang mga sapiryan "kamatayan para kay arman!"


itutuloy...


0 Responses to “[Enca 2]Kabanata 41: Ang Paglilitis”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3