ang nakaraan:
prinesent ni ether kay hagorn ang mga binuhay nyang kawal ng etheria
hagorn: malaki ang maitutulong nila sa amin bathaluman.
ether: sa pamamagitan ng mga bago mong alagad ay umaasa akong hindi na kayo mabibigo hagorn.
hagorn: kamatayan para sa lahat ng mga sanggre!
---
nagdadasala si danaya kay emre.
danaya: kung magkakaroon ako ng anak, kilala mo kung sino ang nais kong maging ama nito.kaya tulungan mo ako mahal na emre, basbasan mo ang gagawin kong ito.
---
dinapuan si danaya ng isang paru-paro at nakatulog sya.
sa hardin, si aquil naman ang dinapuan ng isang paru-paro at nakatulog din sya
---
confrontation ni alena at odessa.
alena: akala mo kaya mo akong talunin ng ganito?
odessa: ngunit hindi ako ang may kagagawan niyan.
alena: sinasamo ko ang buong lakas ng aking brilyante!ashna pasha!
tinamaan si odessa ng powerful blast ni alena. natumba ito. sumaklolo si arman.
arman: ina!
---
pagpapatuloy:
sa sapiro/bulwagan.
nagkatipon pa rin ang mga sapiryan. pinagmamasdan nila si arman at naghihingalong si odessa.
hawak ni arman ang nag-hihingalo niyang ina.
arman: ina..
odessa: ipaglaban mo ang karapatan mo bilang anak ng iyong ama...ipaglaban mo ang pagiging sapiryan mo...mahal kita arman...mahal na mahal kita...mahal na mahal kita tulad ng pagmamahal ko sa iyong ama.
nawalan na ng buhay si odessa. labis ang pag-iyak ni arman.
arman: ina! ina! ina!
malungkot (at mukhang guilty) nakatingin si alena. malungkot ding pinagmasdan ni armea ang pagtangis ng kanyang kapatid.
sa panaginip ni danaya.magkayakap si danaya at aquil.
aquil: hindi ko akalaing mayayakap pa kita muli danaya. tunay ngang ito'y isang panaginip dahil dito ayaw ko ng magising upang hindi ko na makita pa ang karahasan at kaguluhang nangyayari pa sa encantadia.
parang biglang nagising si danaya sa sinabi ni aquil. bumitiw sya sa pagkakayakap kay aquil.
danaya: magulo at puno ng karahasan ngayon sa encantadia kayat walang ina ang maghahangad na palakihin ang kanyang anak sa ganitong kapaligiran.
aquil: hindi kita maunawaan danaya.
danaya: hindi pa panahon, aquil. hindi dapat magbunga ang punla dahil ang pag-ibig natin ay magiging malaya lang kapag naging malaya na rin ang ating mundo.
aquil: danaya...danaya!
lumayo si danaya..
sa lireo/hardin.nagising si aquil sa sandaling pagkakatulog.
aquil: danaya?!
dumating si muros at nakita syang nakahiga sa hardin.
muros: aquil? anong ginagawa mo rito? huwag mong sabihin na dyan ka na nakatulog?
aquil: dinalaw ako ni danaya sa aking panaginip..
muros: ang mahal na reyna? bakit ka niya dinalaw sa iyong panaginip?
sa lireo/hallway.
nakaupo sina danaya at amihan. nag-uusap.
amihan: bakit hindi mo itinuloy danaya? bakit ipinagkait mo ang iyong sarili kay aquil?
danaya: sapagkat hindi pa ako handang magluwal ng sanggol lalo na't nagkakagulo ang encantadia. hindi pa panahon.
amihan: ngunit kailan pa danaya? kapag huli na ang lahat? dapat sa ngayon ay matutunan mo ng huwag palagpasin ang pagkakataon pagkat maaring maging huli na ang lahat.
sa sapiro/bulwagan.umiiyak pa rin si arman, kalong ang walang buhya na si odessa.
arman: ina...gumising ka...huwag mo akong iwan...ikaw na lang ang nagmamahal sa akin..gumisiang ka ina..gumising ka ina.
dumating ang mga paru-paro. tinaboy ito ni arman.lumapit kay odessa ang paru-paro at kinuha si odessa. napasigaw si arman.
arman: ina!
lumapit si armea sa kanyang kapatid para damayan ito. sandali siyang pinigil ni wahid pero hindi niya napigil si armea.
armea: arman, ikinalulungkot ko ang nangyari.
tumayo si arman. galit ang mukha.
arman: dapat ka ngang malungkot dahil ang iyong ina! ang pumaslang sa aking ina!
humarap si arman kay alena.
arman: isa itong malaking pagkaka-utang na dapat niyong bayaran sa akin.
armea: arman...
arman: ngayon masaya ka na reyna alena sa iyong ginawa! nawalan na ako ng ama at ngayon ay nawalan na ako ng ina! masaya ka ba sa pagpaslang sa aking ina reyna alena?!
lumapit si alena kay armea at arman. malumanay niyang kinausap si arman.
alena: isa siyang kaaway arman. isang kaaway...na nagdala ng labis-labis na pasakit hindi lamang sa akin..kundi sa buong encantadia.
arman: isa siyang kaawaya para sa inyo! pero sya..sya ang kaisa-isang ina ko. magkapantay na tayo ngayong reyna alena. sinisi mo ako sa pagkamatay ng aking ama ngayon sinisisi kita sa pagkamatay ng aking ina!
nagalit ang konseho sa tinuran ni arman. kinuha nito ang espada ng kawal at akmang papaslanging si arman
konseho: lapastangan!
pero nakita ito ni armea at binigya niya ng power blast ang konseho.
armea: arman!
natumba ang konseho. napalingon si alena kay armea.
alena: armea!
sa lireo/hardin.muros: aquil?
aquil: kailangan nating sanayin muli ang ating mga kawal muros nang sa gayon ay maging handa muli ang lahat sa ating pakikipagharap sa ating mga kaaway pagkat gusto ko ng tapusin ang lahat ng kaguluhang ito. gusto ko ng wakasan ang lahat ng sa gayon ay magkaroon ng kaganapan ang sinabi sa akin ng ating reyna sa aking panaginip.
nakangiti si aquil.
sa lireo/hallway.danaya: amihan, isa akong reyna. alam mong alam ko na hindi ko dapat unahin ang aking sarili kundi ang lireo.
amihah: wala ka pa rin talagang pinagbago. ikaw pa rin ang danayang nakiklala ko. ang danayang hindi makasarili. dasal ko ay gantimpalaan ka nawa ni bathala sa lahat ng iyong pagsusumakit.
danaya: maraming salamat amihan.
nag-orb in si pirena.
pirena: amihan, danaya.
amihan: pirena...
pirena: may bago na naman tayong suliranin
danaya: ano iyon?
pirena: sila hagorn at ether. may mga bago silang kawal. ang mga napaslang na kawal ng etheria.
nagkatinginana ang magkakapatid.
sa sapiro/bulwagan.napalingon si alena sa kanyang anak dahil sinaktan nito ang isang konseho.
alena: armea!
armea: patawad ina...ngunit hindi ako papayag na saktan ng kahit sinuman si arman.
lumapit si wahid sa mag-inang sanggre.
wahid: mahal na reyna, anong balak nyo gawin sa kanya?
konseho: dapat syang ikulong!
armea: hindi maari! pagkat siya'y aking kapatid. anak din sya ng aking ama kaya hindi sya maaring ikulong dito.
alena: armea... hwag ka agad na maniniwala sa kahit na sino. hindi tayo nakakasiguro na anak nga sya ni ybaro.
malungkot na napayuko si armea.
alena: wahid...hulihin ang etherian na yan at ikulong mo rin sya ngayon din
armea: ina..
wahid: apek, wantuk...
hinuli ni apek at wantuk si arman at dinala na sa kulungan. umiiyak si armea tinalikuran niya ang kanyang ina. naiwan si alena na mukhang nagsisisi sa ginawa.
sa sapiro/piitan.nakapikit si arman. inaalala niya ang pagkikita nilang muli ng kanyang ina.
flashback
pupugutan na si arman ng dumating si odessa at iniligtas sya.
odessa: ikaw ay kalahating etherian lamang, arman. ang kalahating dugo mo ay nagmula sa iyong ama.
arman: si amang ybrahim? sya ang aking ama.
napatango si odessa.
naghihingalo si odessa.
odessa: ipaglaban mo ang karapatan mo bilang anak ng iyong ama...ipaglaban mo ang pagiging sapiryan mo...
end flashback.
dumating si wahid sa kulungan ni arman at inutusan nito ang kawal na umalis.lumapit sya kay arman. napabangon si arman.
wahid(hagorn): naaawa ako sa yo arman. ni hindi mo man lamang nakapiling ng matagal ang iyong ina..hahaha ...kawawa ka naman
arman: maari bang iwan mo ako!
wahid(hagorn): mwahahahahha!
nag-orb in si wahid into hagorn. si hagorn pala.
arman: hagorn!
hagorn: sino pa ba ang inaasahan mong dadamay sa iyo ngayon kundi ako. ang tunay na nakakaunawa sa yo. hhahahahaha
masama ang pagkakatining nya kay hagorn.
sa sapiro/trono ng harinakaupo si wantuk at apek. malungkot ang kanilang mukha. sina nakba at banak naman ay naglalaro. dumating si wahid.
wahid: banak, nakba, bago ko kayo tapakan, magsi-alis muna kayo.
umalis sina banak at nakba.
wahid: nakakapagtaka na hindi kayo naaaliw kay banak at nakba.may dinaramdam ba kayo?
wantuk: si arman, wahid. paano kung totoong anak nga sya ni haring ybrahim? ano ang gagawin namin?
dumating sina danaya at amihan. narinig nila ang sinabi ni wantuk.
amihan: ano ang narining namin wahid? anong anak ni ybrahim si arman?
sa sapiro/piitan.arman: ano ang kailangan mo sa akin? bakit ka nandito!
hagorn: tulad ng sinabi ko nandito ako para damayan ka.
arman: damayan? hindi ako naniniwala na nandito ka upang dumamay. pagkat batid kong alam mo na tinulungan ko si amang ybrahim para makalaya si armea. kaya magtapat ka! ano ang kailangan mo sa akin?
hagorn: matalino ka arman. tunay ngang anak k ng isang hari. andito ako para muling magalok sa yo ng tulong.
arman: kung kalayaan ko ang iniaalok mo, ay hindi ko tinatanggap yun. mas nanaisin kong nakakulong dito kaysa pa kumampi pa sayo.
sa sapiro/trono ng harinagtuturuan pa sina wantuk at apek. nilapitan sila ni danaya.
danaya: ano sinasabi ninyo?bakit di kayo makasagot? totoo ba!?
wantuk: si apek..
apek: pagkat yung po ang sinabi ni odessa, mahal na reyna.si arman ay hindi lamang isang etherian, may dugo rin syang sapiryan.
nagkatininginan sina danaya at arman.
sa sapiro/piitan.hagorn: mayabang kang magsalita arman.nakalimutan mo na ba ang ginawa ni alena sa iyong ina?nasaksihan ko rin kung paano pinatay ng asawa ng iyong ama, ang iyong ina. ng dahil kay alena, nawalan ka ng ina. ng dahil kay alena, nawala ang taning nilalang na nagmamahal sa yo. at di lang iyan ang ginawa ni alena! pinagkakait nya sa yo ang pagkilala bilang anak ni ybrahim. hindi ka nya kinikilala bilang isang sapiryan. hindi ka nya kinikilala bilang tagapagmana ni ybrahim.
arman: tama na! tigilan mo ako! umalis ka na sa harapan ko!
hagorn: hwag kang maging duwag arman. huwag mong sayangin ang kamatayan ng iyong ina na ang tanging hangad ay bigyan ka ng karampatang pagkilala. ipaglaban mo ang iyong karapatan. kunin mo ang korona ng iyong ama at agawin mo ang sapiro dahil ikaw lamang ang karapt-dapat na maging hari arman, ikaw lamang!
nag-palit ng anyo si hagorn into wahid at umalis na nakangisi.
sa lireo/hardin.nagsasanay ang mga kawal ng lireo.
muros: bukod sa ating mga kawal ay nagpadala rin ako ng mga kawal sa pamayanan ng lireo upang mangalap ng mga diwatang maaring sumapi sa atin. ikatutuwa ko kung babalik ang ating mga kawal na may mga kasamang diwatang handang makipaglaban.
aquil: hindi mauubusan ng matatapang na diwata ang encantadia. kaya't inaasahan ko na madaragdagan pa ang ating hukbo.
muros: ngunit nababahala rin ako sa sinabi ng ating reyna na may mga bagong alagad din si hagorn.
aquil: nararamdaman kong magiging madugo ang labanang ito. marami ang magbubuwis ng buhay.
muros: isa kaya ako sa magbubuwis ng buhay, aquil?
aquil: muros..
muros: ang buhay ng isang nilalang ay walang katiyakan.kaya ngayon pa lang ay inihahanda ko na ang aking sarili. walang halaga ang aking buhay kung ang kapalit naman nito ay kalayaan ng lahat. kaya't dapat lang na siguruhin natin na tayo ang mananalo hindi ang mga kalaban ng sa gayun ay hindi masayang ang dugong ilalaan ng lahat.
sa sapiro/hallway.palakad-lakad ang isa sa mga konseho. dumating ang babaeng konseho.
b. konseho: ipinapatawag mo raw ako?
konseho: walang dapat makaalam ng sasabihin ko.
b. konseho: tila mahalaga ang ating paguusapan. tungkol saan ba ito?
konseho: kay arman. kung sya nga ay totoong anak ni haring ybrahim, may karapatan syang kunin ang trono ng sapiro.
b. konseho: ngunit hindi sya maaring maging hari ng sapiro sapagkat may lahi syang etherian!
konseho: sagabal sya laban sa sapiro kaya kailangan na syang mawala.
b. konseho: ano ang ibig mong sabihin?
konseho: kailangan ng mamatay si arman upang hindi na natin sya problemahin pa.
sa sapiro/kulungan.dumating si armea dala ang mga pagkain para kay arman. nilapitan niya ang nakaupong si arman.
armea: bakit bukas ang iyong kulungan? sino ang may gawa nito.
arman: hindi mo na kailangang malaman pa
armea: kung tutuusin ay pwede kang tumakas ngunit bakit hindi mo ginawa?
tumayo si arman.
arman: bakit ko iiwan ang kaharian ng aking ama? hindi armea, hindi ako tatakas. pagkat alam kong handa kong harapin ang ano mang pagsubok na nakalaan sa akin.
armea: humahanga ako sa iyo arman ngunit natatakot pa rin ako para sayo. kaya't hanggat maaga ay tumakas ka na.
hinila niya si arman.
armea: halika!
arman: hindi armea, hindi ako tatakas. tulad ng sinabi ko, hindi ko iiwan ang kaharian ng aking ama.
sa hathoria.sariya: kung tunay ang sinasabi mo ay tiyak na nagkakagulo na ngayon sa sapiro ng dahil kay arman.
hagorn: hahahaha, yan din ang iniisip ko hahaha.
sariya: magandang pagkakataon ito hagorn.
hagorn: totoo sariya ahahhaha magandang pagkakataon ito para sa atin. kaya ipunin mo lahat ng ating alagad. maglalakbay tayo sa sapiro upang sila ay salakayin. hahahhahaha!
itutuloy....abanganalena: napakadali na sabihin mo yan pirena, dahil ni minsan ay hindi ka pa nagmamahal.
pirena: may minahal din ako alena at hanggang sa ngayon ay nasa puso ko pa rin sya.
---
konseho: kailangan ng mamatay si arman upang hindi na natin sya problemahin pa.
pinuntahan ng konseho ang piitan ni arman at mukhang papatayin na si arman.
---
ybaro: iyo ang aking pag-ibig hanggang wakas.
nag-kiss sila ni alena.
0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 44: Ala-ala ng Isang Ina”
Leave a Reply