[Enca 2] Kabanata 45: Ang Mapait na Katotohanan


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



pagpapatuloy...


sa sapiro
nagkatipon-tipon ang magkakapatid na sang'gre sa trono ni ybrahim. dumating si imaw.
imaw: avisala mga mahal na sang'gre. narito na ang inyong pinahahanap.

inabot ni imaw kay amihan ang punyal ng sandugo.

amihan: naaalala ninyo pa ba ang ginintuang punyal? Kinuha ko ito noon sa isang mapanganib na lugar sa adamya (flashback: hinugot ni reyna amihan ang punyal sa isang bato) upang malaman ko kung sino kina mira at lira ang aking tunay na anak.sa pamamagitan ng punyal na ito (flashback: hiniwa ni amihan ang kanyang palad, pero hindi nagkasugat ang palad ni mira) nalaman ko na si lira ang tunay kong anak at hindi si mira.

danaya: tandang-tanda ko yun amihan. hindi ko iyon makakalimutan. ngunit maging mabisa kaya ang punyal na iyan kay arman?

imaw: magagawa rin ng punyal na iyan na malaman kung anak nga ba ni haring ybrahim si arman o hindi, reyna danaya.

alena: ngunit wala na si ybaro para masugatan niyan. paano natin malalaman ito?

amihan: sa pamamagitan ni armea. sapagkat tunay ninyo syang anak ni ybrahim kaya may dugo ni ybrahim na nanalaytay sa kanyang ugat.dahil dito kaya natin malalaman kung si arman nga at si ybrahim ay magkadugo.

danaya: kung gayon alena, hinihingi ko ang iyong pahintulot upang pakawalan ko si arman.

sa hathoria.
snake ether: nakikita kong handang-handa na kayo sa inyong paglusob sa sapiro.
hagorn: syang tunay bathaluman.handang-handa na kami.
snake ether: binibigyan ko ng basbas ang gagawin nyong pagsalakay na ito. (sinamo ni ether ang brilyante ng lupa) hagorn, lumapit ka sa akin. kunin mo ang brilyante ng lupa hagorn.

kinuha ito ni hagorn.

snake ether: ipinapahiram ko iyan sayo upang maging armas na gagamitin mo para makuha mo ang brilyante ng tubig ni alena.
hagorn: maraming salamat mahal ni ether. umasa kang gagamitin ko ito sa lahat ng gusto mo.


sa sapiro
alena: magkakaroon ng linaw ang lahat sa gagawin nating ito kaya binibigay ko ang aking pahintulot danaya.

danaya: salamat. amihan, maari bang pasunurin mo sa akin sina wantuk at apek sa karsel?

tumango si amihan. nag-orb out si amihan.


sa sapiro/kulungan.
natutulog si arman ng pumasok ang mga konseho.

konseho1: buksan ang karsel.
konseho girl: iwan nyo (to kawal) muna kami nais naming makausap ang bihag.

nagkatininginan ang 2 konseho. pagkaalis ng kawal. sinugatan ni konseho1 sa tiyan si arman. nagising si arman.

konseho1: avisala, etherian! hindi mo na matatakasan ang iyong kamatayan etherian kaya magpaubaya ka na lang.

akmang papaslangin na si arman pero nag-orb in si danaya. nakita nya ang gagawin ng mga konseho. galit na galit na pinatamaan nya ng energy
blast ang konseho1

danaya: sinong nag-utos sa inyo na patayin si arman? ha?

sinugod ni danaya si konseho1 at ang konsehong babae. binugbog nya ang mga ito at napatulog. dumating sina wantuk at apek.

wantuk: mahal na reyna, anong nangyari sa mga konseho?

danaya: ayan pinatulog ko na lagi na lamang kasi kayong huli sa inyong pagdating. mga pashnea kayo!

napayuko sina wantuk at apek.

danaya: arman, may sugat ka.

arman: mababaw lang ho ito. salamat sa inyo ngunit bakit? bakit nyo ako tinulungan? di ba mas mainam sa inyo kung pinatay na lamang nila ako?

danaya: hindi ka pa dapat mamatay arman. marami ka pang dapat malaman tungkol sa iyong sarili.

arman: ano ho?

danaya: mamaya ko na lamang ipapaliwanag sa iyo. wantuk, kalagan mo si arman.

sumunod naman si wantuk.

danaya: apek, ang mga kasapi ng konsehong yan ay nagkasala. pabantayan mo sila. wag mo silang hayaang makawala.

apek: masusunod mahal na reyna.

danaya: arman, tayo na.

nag-orb out ang dalawa.


sa sapiro/bulwagan.
nakaupo si alena sa trono katabi nya nakatayo si armea. nakaupo si amihan at pirena sa magkabilang side ng trono.

armea: bakit nyo ako pinatawag, ina? may ipaguutos po ba kayo?

alena: wala. ngunit nais kong hingin ang iyong pahintulot na makiisa sa amin sa aming gagawing pagsubok.

armea: pagsubok? ano hong pagsubok iyon ina?

dumating sina danaya. tumabi si danaya kay pirena. si arman naman ay lumapit kina amihan at imaw.

danaya: narito na si arman mga kapatid ko.

armea: arman! ano ang ibig sabihin nito ina? pinakakawalan nyo na ba sya?

alena: hindi. ngunit importanteng nandito kayong dalawa upang malaman natin kung tunay nga syang anak ni ybrahim.

arman: at paano nyo naman malalaman iyon?

nilabas ni amihan ang punyal.

amihan: sa pamamagitan ng punyal na ito.



sa hathoria.
nagtatagong pinasok nila aquil at muros ang yungib ng hathoria upang magmanman.

muros: tahimik na tahimik nakakapanibago. wala ang mga dating labas-masok na mga hathor.

aquil: halika sundan mo ako.



sa sapiro/bulwagan.

amihan: susugatan ko ang iyong kamay arman at kapag magdugo rin ang kamay ni armea, ang ibig sabihin nito ay iisa kayo ng dugo at iyon ay nanggaling kay ybrahim.

pirena: yan ay kung papayag kayong dalawa?

armea: hindi ho ako tumututol.pumapayag po ako.

pirena: arman?

arman: kung ito lang ang paraan upang mapatunayan na isa nga akong tunay na sapiryan, pumapayag ako.

amihan: alena, handa ka na bang malaman ang katotohanan?



sa hathoria.
sinugod ni aquil at muros ang mga nagbabantay na mga hathor.

aquil: tila kakaunti ang mga hathor dito.
muros: ano ang ibig sabihin nito?
aquil: wala dito si hagorn tila kakaalis lamang.
muros: kasama ang kanyang buong hukbo?
aquil: mukhang may pinaplano na naman silang masama, halika sundan mo ako.

pumasok pa sa kweba sina aquil.



sa sapiro.
alena: ngayon, malalaman natin kung tunay ngang kapatid mo sa ama si arman.

tumayo si alena. sinugatan ni amihan ang palad ni arman. nagliwanag at dumugo ang palad ni armea.

armea: nagkasugat nga ako.tunay ngang kapatid ko si arman.

imaw: totoo ang sinabi ni armea.nasugatan din sya nang sugatan ni amihan ang palad ni arman. tunay ngang anak ni ybrahim si arman.

nagkatinginan ang magkakapatid. (as expected) nag-walk out si alena.

danaya: alena!

lumapit si armea kay arman at tuwang niyakap ang kanyang kapatid. tiningna nilang dalawa ang kanilang sugat sa palad. nag-aalalang nagkatinginan ang 3 sang'gre.



sa sapiro/trono ni ybrahim.
nakatalikod si alena sa kanyang mga kapatid. umiiyak ito.

amihan: alena? kahit hindi mo sabihin sa amin nauunawan namin kung bakit ka umiiyak. alam naming napakasakit sa iyo na malaman na may anak si ybrahim sa ibang nilalang.

humarap si alena sa kanyang mga kapatid.

alena: nagkaroon sya ng anak sa isang kaaway.paano ko tatanggapin iyon? ano ang gagawin ko ngayon kay arman? sya ba ay aking tatanggapin? o lalong kamumuhian?

danaya: alena, alam kong mahirap gawin. ngunti wag mong kamuhian si arman dahil kay odessa.wala syang kasalanan sa ginawa ng kanyang ina. huwag mong ibunton sa kanya ang galit mo.

alena: ngunit paano ko gagawin? sa tuwing pinagmamasdan ko si arman, nakikita ko ang mukha ng kanyang ina.

lumapit si amihan kay alena.

amihan: alena, kinasuklaman mo rin ba ako ng ganyan ng malaman mong si ybrahim ang ama ni lira?

hinawaka si amihan.

alena: kinalimutan ko na iyon amihan at isa pa hindi mo naman alam na si ybrahim ay si ybaro na aking minamahal. ngunit si odessa, dinala nya rito si arman upang ibunyag ang katotohanan. ginawa nya ito upang guluhin tayo kaya hindi ko matatanggap si arman.hindi ko pa rin sya kinikilala bilang anak ni ybaro.

(di nagustahan ni ashti pirena ang inaasal ng kanyang kapatid)

pirena: panginoon bathala. tumigil ka na sa kaiiyak alena. (hinawakan ni danaya si pirena sa kamay waring pinakakalma) kalimutan mo na ang sakit na nararamdaman mo. gamitin mo ang iyong isip. malinaw na anak ni ybrahim si arman. kahit gaano kasakit ito kailangan mo itong tanggapin.

alena: napakadali para sabihin mo iyan pirena. dahil ni minsan hindi ka pa nagmamahal.


nasaktan si pirena sa tinuran ni alena. napatayo sya.

pirena: may minahal din ako alena at hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin sya. si mira...ang aking anak. tulad ni ybrahim, patay na rin sya. ngunit hindi ito ang dahilan upang kamuhian ko ang lahat, sisihin ang mga walang kasalanan.

umupo ulit si pirena sa tabi ni danaya. nilapitan sya ni alena at niyakap.

alena: ipagpaumanhin mo ang aking sinabi pirena.


lumayo si alena ng konti sa kanyang mga kapatid.

alena: iba ang naging kamatayan ni mira sa kamatayan ni ybaro. si mira ay namatay sa kamay ng mga kaaway at si ybaro...namatay ng dahil kay arman. si arman ..na anak ng isang kaaway. si arman na ngayon ay gusto nyong tanggapin ko!? iyon ang pagkaka-iba pirena. napakasakit! alam kong hindi nyo ito naiintindihan, kaya ano pa ang silbi ng pag-uusap nating ito.

nag-walk out (ulit) si alena. iniwan nya ang kanyang mga kapatid.susunod sana si amihan pero pinigil sya ni pirena.

pirena: amihan, hayaan muna natin si alena.isa pa, marami pa tayong mas mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin. alalahanin ninyo na kahit anong oras ay maaring sumalakay ang ating kalaban.



sa hathoria.
palabas na ang pangkat nila hagorn.

muros: ayun sila aquil.
aquil: tila patungo silang sapiro.
muros: mukhang tama ang kutob mo. mukhang sasalakay sila ngayon.
aquil: kailangan mapigilan natin sila sa abot ng ating makakaya.

nilabanan nila aquil at muros ang mga hathor. napansin ito nila hagorn at sariya.

sariya: pashnea.
hagorn: huwag nyo ng sayangin ang lakas nyo sa dalawang iyan.tayo na!

nagtuloy na sina hagorn at iniwan sina aquil at muros



sa sapiro/hallway.
si arman nag-iisa at mukhang malungkot. nilapitan sya ni armea.

armea: dapat kang matuwa pagkat napatunayan na nila na anak ka ng ating ama. ngunit bakit ka pa rin nalulungkot?

arman: totoo.napatunayan nga nilang anak ako ni haring ybrahim. ngunit alam ko na hindi pa rin nila ako tinatanggap lalo na ang iyong ina.

armea: ikinalulungkot ko. unawain mo sana ang aking ina. marahil ay labis lamang syang nasaktan sa natuklasan nya.

arman: masakit rin sa akin na ang pumaslang sa aking ina ay ang diwatang mahal ng aking ama. masakit din iyon sa akin na kahit gusto ko mamuhi ay wala akong magawa pagkat alam kong mahal na mahal sya ni amang ybrahim at ibinilin sya sa akin.



sa sapiro/kwarto ni alena.
si alena umiiyak. nilapitan sya ng isang asul na paru-paro. naalala nya ang paguusap nila ni ybaro sa kagubatan habang sila ang namamasyal

flashback (mahiwagang puso background music)
alena: natutuwa ako at magkasama tayo ngayon. hinding-hindi ko ipagpapalit ang sandaling ito sa kahit na ano.

ybaro: ako rin alena. tuwang-tuwa ako at kasama kita ngayon, ang aking pinakamamahal na encantada.

alena: at paano si odessa..

ybaro: alena, alam mo namang wala ako sa aking tamang pag-iisip ng ako ay mapaibig nya kayat huwag mo na syang isipin pagkat wala syang halaga sa akin.
end flasback.

umiiyak si alena sa pagkaalala nito.



sa sapiro/hallway.
arman: kaya bilang respeto sa ating ama at pagsunod sa kanyang habilin ay wala akong magawa kundi mahalin si reyna alena kahit alam kong sya agn dahilan ng pagkamatay ng aking ina.hindi ko kailangan ng kayamanan, hindi ko kailangan ng trono...o korona o ang kaharian ng sapiro. ang tanging hiling ko lang ay kilalanin ng iyong ina bilang anak ng aking ama. ang tanging nais ko lang ay magkaroon ng isang tahanan at pamilyang magmamahal sa akin.

armea: hindi mo kailangang hilingin iyon arman. sapagkat kinikilala kita bilang isang kapatid. sa pamamagitan ko ay mayroon ka ng tahanan, mahal kita at mamahalin kita dahil alam ko sa pamamagitan mo ay maipapakita ko sa aking ama kung gaano ko sya kamahal.

niyakap ni armea ang kanyang kapatid.



sa sapiro/silid ni alena.
umiiyak pa rin si alena. tuloy ang pag-alala nya kay ybaro.

flashback.
sa batis ng katotohanan
ybaro: ito ang tandaan mo, ikaw ang bukod tanging encantadang mamahalin ko kahit na sa aking kamatayan.

alena: paano na kung mawala ka ulit sa aking piling...kakayanin ko pa kayang mabuhay?

napangiti si ybaro.

ybaro: alena, wag ka magsalit ng ganyan. kayong mga diwatang magkakapatid ay kilalang matatapang kaya't alam kong kakayanin mo kahit wala ako sa iyong tabi.

alena: hindi ako nagbibiro ybaro.

ybaro: alena, alena. hindi ako mawawala sa iyong tabi at kahit na ako mamatay pa, hindi kita iiwan. ako ang magiging hangin na iyong malalanghap, lupa na iyong matatapakan, apoy na magbibigay sayo ng init at tubig na iinumin. ako na riyan lamang sa iyong kapaligiran alena. nariyan lamang ako upang kahit wala na ako ay maaalala mo na kahit sa aking kamatayan ay hindi ko papawiin ang aking pagmamahal sa iyo.

hiwakan ni ybaro ang kamay ni alena at inembrace nya si alena.

ybaro: iyo ang aking pag-big..hanggang wakas.

nag-kiss sila ni alena.
end flashback.

lumumluha si alena sa ala-alang ito.


itutuloy...


abangan...
nag-shimmer in sina sariya at hagorn sa sapiro/hall. naroroon sila armea at arman.
sariya: avisala, muli na naman tayong nagkita. panahon na upang sakupin natin ang sapiro.
---
binalita ni wahid kay amihan at danaya ang pagsugod ng mga hathor.
wahid: mahal na reyna, mahal na sanggre. may masama akong balita.namataan ng mga kawal na papunta na rito sa sapiro ang mga kaaway na pinamumunuan ni hagron.
danaya: tama ang kutob ni pirena. mananalakay na naman sila hagorn.
---
na-hostage ni hagorn si alena pati na rin si arman. tinutukan ni hagorn ng esapda sa leeg si alena at arman.

hagorn: ang iyong brilyante o buhay ng anak ni ybrahim?


0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 45: Ang Mapait na Katotohanan”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


Links

Encantadia's official site
Etheria's official site
Encantadik's Central
Etheria on wikipedia

Encantadia on wikipedia

Etheria Treasury Video Fansite

Supportahan nyo ang Blog na ito


Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat
Avisala! Supportahan nyo po ang blog na ito. i-Click nyo lang ang mga links ng google na interesado kayo. Salamat

Previous posts

Archives

Links


ATOM 0.3