jeinalem "hay...ang lungkot ng episode na ito, bakit sya pa ang kailangang magbuwis ng buhay"
pagpapatuloy ...
sa sapiro/trono ng hari
binalita ni wahid kay amihan at danaya ang pagsugod ng mga hathor.
wahid: mahal na reyna, mahal na sanggre. may masama akong balita.namataan ng mga kawal na papunta na rito sa sapiro ang mga kaaway na pinamumunuan ni hagron.
danaya: tama ang kutob ni pirena. mananalakay na naman sila hagorn.
umalis si wahid upang ihanda ang mga kawal. ipapaalam naman nila amihan kay alena ang tungkol dito.
sa hathoria.
dumating sina apek at wantuk. nakita nilang nakikipaglaban si muros. tumulong si apek sa paglaban habang si wantuk as usual ay matatakutin pa rin.
sa sapiro/hallway
nag-shimmer in sina sariya at hagorn sa sapiro/hall. naroroon sila armea at arman.
sariya: avisala, muli na naman tayong nagkita. panahon na upang sakupin natin ang sapiro.
ayaw pumayag na kumampi ni arman sa kanila. pinaalis niya si armea baka kasi masaktan pa ito. ayaw pumayag ni armea pero napilitan na rin sya mag-orb out(sigawan ba naman ni arman eh 
naiwan si arman para kalabanin sina hagorn. natalo agad siya ni hagorn. ng tatangkain na ni hagorn patayin si arman dumating si alena at hinarang ang espada ni hagorn.
alena: ako ang kalabanin mo!
nilabanan ni alena sina sariya at hagorn. (
ang galing makipaglaban ni alena) nakita ni alena si arman na nagdurugo ang bibig. napasigaw sya ng "arman!" dahil sa pagkalingat na ito, nagkaroon ng pagkakataon si sariy na hampasin si alena ng arnis sa likod. napaluhod si alena at tinutukan sya ni hagorn sa leeg. si sariy tinutukan si arman.
na-hostage ni hagorn si alena pati na rin si arman. tinutukan ni hagorn ng esapda sa leeg si alena at arman.
hagorn: ang iyong brilyante o buhay ng anak ni ybrahim?
sinamo ni alena ang kanyang brilyante.
alena (in thought): ipagkaloob mo lamang ang iyong sarili kay hagorn sa katiyakan walang mangyayaring masama kay arman.
alena(to hagorn): mas mahalaga ang buhay ng anak ni ybrahim kaysa sa brilyante.
kinuha ni hagorn ang brilyante ng tubig
nag-orb in sina danaya, amiha at pirena. nilabanan nila ang mga hathor. binigyan ni pirena ang lahat ng hathor ng energy blasts patay ang lahat.
hindi pa rin pinakakawalan ni hagorn si alena pero inalis na niya ang pagkakatutok ng espada kay arman.
pirena: alena!
amihanan: alena!
danaya: alena!
ginilitan ni hagorn si alena sa leeg. bumagsak ang walang buhay na katawan ni alena.
nag-orb si hagorn at sariya.
agad lumapit sina danaya, amihan at armea. naiwan si pirena sa kanyang kinatatayuan. tigagal.
armea: ina! huhuhu
danaya: alena....huyhuh
labis pagtangis ni danaya. umiiyak din si amihan inaalalayan niya si armea na labis din ang pag-iyak. si arman nagulat sa mga pangyayari. umiiyak din siya.
pirena: patay na sya?
tumango si amihan. hindi pa rin lumapit si pirena. umiiyak si pirena.
naalala ni amihan ng ikasal si ybrahim at alena.
naalala ni pirena ang huling pagyakap sa kanya ni alena (kabanata 45)
nakatingin si wahid at aquil.
flashbacks:- scene nung mga bata pa sila, naglalaro, nakafocus ang batang si alena.
- scene nila danaya, alena at amihan. nagkwekwentuhan nung bagong panganak yata si amihan.
- scene ng unang makita ni alena at ybrahim si agatha.
end flashbakcs.armea: INA! wahhhhhhh
sa sapiro/hallway.background music:
tuwing takip-silip, anong kay lungkot dala ng dilim ay kawalan ng pag-asa.
nakasandal sa isang pillar si danaya, tahimik na umiiyak. naalala niya ang nakaraan nila ni alena.
flashback- batang alena: kahit kailang ay hindi tayo mag-aaway.
niyakap ng batang alena si batang danaya.
- kinasal ni danaya si ybaro at alena.
end flashback.dumating si aquil. nilapitan niya si danaya.
aquil: danaya?
danaya: wala na ang aking kapatid.... wala na si alena...paano na kami?
inembrace niya si danaya. labis pagtangis ni danaya.
sa sapiro/wake.nakaayos na ang walang buhay na katawan ni alena. pinalubutan sya ng umiiyak na sina danaya, pirena, armea at amihan. pinapakalma ni amihan si armea. nanduon din ang mga kawal ng sapiro at mga sapiryan at punjabwe na nakikiramay.
amihan: armea...
armea: paano na ako ngayon...wala na ang aking ina...
amihan: wag ka magsalita ng ganyan armea...pakatandaan mo na rito pa kami ng mga ashti mo. hinding-hindi ka namin pababayaan...
luntian at violeta: oo, armea...kaming lahat ang bahala sayo.
armea: hindi ko kayo kailangan...kailangan ko ang aking ina...napakasakit...kung kelan nakita ko na sila...saka pa sila nawala....bakit ashti? bakit? ...bakit kailangan mawala sila kaagad
amihan: ako man armea. alam mo ba hindi ko rin matatanggap ang mga pangyayari, kami ng mga ashti mo.
labis pag-iyak ni danaya at pirena.
amihan: pero kung hanggang dito na lang talaga ang kanilang buhay...hayaan na natin sila. marahil hanggang dito na lang ang kanilang tadhana.
armea: paano ko tatanggapin na wala na ang aking ina? paano? paano?
sa gitna ng pagtangis ng mga sanggre,bumulong si wantuk kay imaw.
wantuk: imaw, meron lang akong inaalala kanina pa.nasaan ang brilyante ni reyna alena? nasaan ang brilyante ng tubig?
imaw: huwag mo na iyong hanapin pa wantuk. pagkat ang brilyante ni reyna alena ay wala na sa kanya. isang malaking kabiguan ito para sa ating lahat.
sa hathoria.ginagamot ni sariya ang sugat ni hagorn.
sariya: magaling ka na hagorn.
hagorng: maraming salamat sariya.
nag-orb in si ether snake.
ether: avisala aking mga alagad.
hagorn: avisala bathaluman.
ether: natanaw ko sa aking pagparito ang lungkot sa kaharian ng sapiro.
hagorn: yan ay dahil napaslang ko na ang kanilang reyna
ether: magaling hagorn. ngunit ang kanyang brilyante?nasaan ang kanyang brilyante.
tumayo si hagorn sa kanyang trono naglakad. malungkot ang kanyang mukha (umaakting pa) at biglang ngumisi. sinamo niya ang brilyante.
hagorn: ito ba ang tinutukoy mo?
humalakhak sina hagorn at ether. nagsaya ang mga hathor.
sa sapiro/wake.dumating na ang mga paru-paro para sunduin si alena. nangingibabaw ang pag-iyak ni alena.
armea: paalam ina. naway maging masaya kayo ng aking ama.
tumayo ang mga sanggre para magbigay ng huling paalam kay alena.
sa hathoria.hagorn: ang brilyanteng ito ng tubig ay nangangahulugang nagtatagumpay na tayo. unti-unti na nating natatalo ang mga kaaway. ngunit hindi pa rin tayo titigil hanggat hindi pa rin na nakukuha ang lahat ng kanilang mga brilyante. kaya humanda kayo sa susunod nating pagsalakay.
sariya: hashne live hathoria!
nagsasaya ang mga hathor.
sa sapiro/wake.sinundo ng mga paru-paro si alena. naglaho ito. napaluhod si armea, iyak ito ng iyak. napatingin si amihan sa taas. bumigay na rin sya sa pag-iyak. nagyakap sina danaya at pirena. nagyakap si amihan at armea. nalungkot ang buong sapiro.
sa devas.pumasok si alena, sinalubong siya ni ybrahim.
ybrahim: alena, maligayang pagdating sa devas. sabik ka ng makita ng anak nating si kahlil.
masayang niyakap ni alena si ybaro (habang kami naman ay umiiyak, waahhh bakit kailangang mamatay ka pa alena!)
nag-kiss silang dalawan. pinakita ang unang kiss nila, nung nagkiss sila sa panaginip, nung ikinasal sila, nung nasa batis sila ng katotohanan at ang huli ang kiss nila sa devas.
background: mahiwagang puso.
itutuloy...abangan...digmaan. nakikipaglaban si wahid, aquil.
--
confrontation ni danaya at sariya.
danaya: ikaw talaga ang inaasahan kong makaharap ngayon. pagkat may utang ka pa na dapat bayaran.
---
sina luntian at violeta laban sa mga hathor. nakikipaglaban din si armea sa mga hathor. suot niya ang damit pandigma ni alena.
---
confrontation ng mag-amang pirena at hagorn.
pirena: kahit kelan di ka naging ama sa akin! ang isang ama ay hindi mananakit ng sarili niyang anak.
hagorn: pirena...
binigyan ni pirena isang matinidng energy blast si hagron.
---
si arman sakay ni arde the dragon. may hawak syang kasulatan. binabasa niya ito habang naglalakbay sila ng dragon
---
coronatin ni cassandra bilang reyna ng lireo.
0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 46: Ang Pagbubuwis ng Buhay”
Leave a Reply