pagpapatuloy...

voice over, amihan: malungkot ang buong encantadia ngayon, marami ng nawalang minamahal sa buhay.
flashbacks:
- pagpatay ni hagorn kay raquim
- kamatayan ng ynang reyna, nagluluksa ang magkakapatid na sanggre
- pagpatay ni ether kay ybrahim
- pagpatay ni hagorn kay alena
voice over, amihan: marami ng nawalay na ina sa kanyang anak
flashbacks:
- pinatay si mira ni asval sa harap ni pirena
- pagbabalik ni khalil sa devas, niyakap sya ni alena
- pagtungo ni lira at cassandra patungo sa mundo ng mga tao.
voice over, amihan: madilim ang hinaharap ng lahat...
sa sapiro/bukanabinalita ni wahid sa mga sapiryan ang kamatayan ni alena.
wahid: wala na si reyna alena...patay na sya.
nagkagulo ang mga sapiryan, papaano na raw sila ngayon. paano na ang sapiro kung wala ang hari at reyna.
wahid: hindi ko alam...
ano na ang kanilang gagawin, sino na ang mamumuno sa kanila.
dumating si arman.
arman: huwag kayong mag-alala mga sapiryan. bagamat man wala na tayong hari at reyna ngayon, na nanatili naman ang kanilang mga espirito. alam kong gagabayan nila tayo at kami na kaanak ng mga namatay ay hindi magpapabaya. hindi namin hahayaan na tuluyong mawasak ang kaharian
sapiryan: ngunit sino ang mamumuno sa sapiro?
mga sapiryan: oo nga, sina ang karapat-dapat?
sapiryan: sino na ang papalit sa namayapang ninuno?
wahid: yan din ang tanong ko.sino sa inyo ni armea ang karapat-dapat na maging taga-pag mana ng trono?
sa loob ng sapiro.armea: pero mga ashti kung na kay hagorn na ang brilyante ng aking ina ay sigurado na mahihirapan kay na kalabanin sila.kaya handa kaming tumulong ni arman upang mapaghigant ang aking ama at ina.
amihan: husto na armea. hindi ako makakapayag na makisali pa kayo ni arman sa isang digmaang wala naman kayong kinalaman.tama ng nawala sa amin si ybrahim at si alena. kami ng magkakapatid ang bahala rito.
tumahimik na lamang si armea.
voice over, amihan: sinasabi ng nakakatanda, sa siglo ng buhay ang panahon ng kapayapaan ay hindi nagtatagal dahil palagi itong hinaharang ng gulo at dahas. marami ng pinagdaanang digmaan ang Encantadia...
flashback:- digmaan sa Encantadia 1
voice over, amihan: digmaang hindi mapatay-patay na palaging sumisiklab kapag sumisibol na ang kapayapaan.
flashback:- digmaan sa Etheria
sa sapiro/hallway.muros, aquil, wantuk at apek nag-pupulong.
muros: tawagin ang punong-kawal ng bawat hukbo may pag-uusapan tayo.
wantuk: tungkol saan pinunong muros?
aquil: tungkol ito sa napagkasunduan namin ng mga sanggre sa pag-atake sa mga kaaway, kaya sundin nyo ang utos ni muros pagkat gusto kong makausap ang pinuno ng bawat hukbo.
wantuK; ang ibig nyong sabihin may magaganap na digmaan na naman?
dumating si wahid at imaw.
wahid: matagal ng may digmaan wantuk. pag-uusapan lang natin ngayon kung paano ito wawakasan.
wantuk: wawakasan? naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? wahid, baka mga buhay natin ang mag-wakas?
apek: wantuk, tumigil ka nga! masusunod punong aquil. tayo na nga.
umalis na sina wantuk at apek.
imaw: hari naway sa pagkakataong ito ay magtagumpay na ang ating plano aquil.
aquil: kailangan imaw. yun ang dapat maganap.
sa hathoriahagorn: nagdeklara ng pakikidigma ang mga sanggre laban sa atin. isang labanan ang gusto nilang maganap bukas laban sa ating tatlo.
ether: mga lapastangang nilalang!napakalakas ng loob nila para hamunin ako. hindi tayo uurong hagorn. nasa atin ang dalawang brilyante kaya alam ko tayo ang magtatagumpay sa labang ito.
hagorn (to hathor): bumalik ka sa kanila at sabihin mo na tinatanggap namin ang kanilang hamon. darating kami nila sariya at ng aking bathalumang ether. lumakad ka na ngayon din.
sariya: nasasabik na ako na muling makapaslang ng isang dugong bughaw.
hagron: huwag kang mag-alala sariya, magaganap yan.papaslanging natin ang natitirang dugong bughaw upang tayo ang mamayani dito sa encantadia.
ether: hahahhah!
voice over, amihan: hinamon namin ang tatlo naming mga mortal na kaaway na si hagorn, sariya at ether. ito na kaya ang huling digmaan dito sa lupain ng mga diwata? si pirena ay nagtungo sa gitna ng sapiro. si danaya sa gitna ng kagubatan ng lireo at ako naman ay sa baybayin ng adamya. at sina aquil at muros naman ay sumugod sa kweba ng hathoria.
sa gitna ng kagubatan ng lireo kasama ni danaya sina wantuk at apek.
wantuk: reyna danaya, baka naman mas mainam na umurong na lang tayo. tutal wala namang masama kung aminin natin sa ating sarili na talo na tayo baka maawa pa sa atin ang ating mga kaaway at buhayin tayo.
hinampas ng arnis ni danaya si wantuk.
danaya: ito ang tandaan mo wantuk, kahit kailan hindi kami sumusuko at kahit kailan hindi kami hihingi nga awa sa mga kaaway!ha!hanggang dito na lang kayo, iwan nyo na ako.
apek: ngunit reyna danaya...
danaya: sinabi ko na di ba? gawin nyo na kung ano ang mga tungkulin ninyo. iwan nyo na ako!
wantuk; iwan na natin...
umalis na ang dalawa. naiwan si danaya.
sa gitna ng sapirohinihintay ni hagorn si pirena. dumating si pirena nag-aapoy ang buon nitong katawan.
hagorn: bakit ngayon ka lang pirena? kanina pa kita hinihintay.
pirena: ikaw lang ba ang haharap para lumaban sa akin?
hagorn: hindi ba dapat lang na tayong dalawa ang magkaharap pirena? ang iyong lakas at aking lakas ay magkapantay. ang iyong dugo at aking dugo ay iisa...
sa gitna ng kagubatan ng lireo.dumating si sariya.
sariya: avisala danaya.
danaya: sariya, ikaw talaga ang inaasahan kong makaharap ngayon. pagkat may utang ka pa na dapat bayaran.
tumawa lang si sariya.
sa baybayin ng adamya.si amihan hinihintay ang kanyang makakalaban. nag-shimmer in si ether.
ether: ikaw ba ang diwatang haharap laban sa akin?
amihan: ako nga ether.
ether: ngayon pa lang ay sinasabi ko sayo na wala kang laban sa akin kaya binibigyan kita ng pagkakataon na isuko sa akin ang iyon brilyante upang hindi ka na masaktan
amihan: nasaktan ako ng mamatay ang aking ama't ina at ngayon patuloy akong nasasaktan dahil sa pagkamatay ni alena at ybrahim kaya't sanay na ako sa sakit ether! kahit anong sabihin mo hinding-hindi mo makukuha sa akin ang aking brilyate!
nag-release si ether ng energy blast. tinamaan si amihan sa tiyan. napaupo sya.
sa gitna ng sapiropirena: noon ay naniniwala ako na isa nga ang dugo natin ngunit hindi na ngayon hagorn pagkat sa ginawa mo sa aking kapatid na si alena napatunayan ko na mag-kaiba nga tayo. nanggaling nga ako sayo ngunit hanggang doon na lang yun.
hagorn: pirena...
pirena: kahit kelan di ka naging ama sa akin! ang isang ama ay hindi mananakit ng sarili niyang anak. ang isang ama ay hindi papaslang ng mga mahal nya sa buhay! kinilala mo nga akong anak pero huli na dahil itinatatwa na kita ngayon! humanda ka sa kamatayan mo. humanda ka!
nagulat si hagorn. sumugod si pirena galit na galit
pirena: dahil handa na akong maningil sa ginawa mo kay alena!
naglaban sila.
sa hathoria.sumugod sina aquil at muros sa hathoria.pinagpapatay nila ang mga hathor. kasama sina wahid sa pakikidigma.
sa gitna ng kagubatan ng lireo.nilabanan ni danaya si sariya. nagawa nyang sipain si sariya. pero nasaktan din sya.
sariya: tila nasasaktan ka rin danaya sa tuwing nasasaktan ako.hahahha. magandang laban ito. sapagkat kahit anong gawin mo ikaw ang matatalo.
hawak ni danaya ang kanyang tiyan.
sa baybayin ng adamya. nakaupo pa rin si amihan, may dugo ang kanyang bibig. gumawa si ether ng 2 kawal at nag-shimmer out na sya. pinalubutan si amihan ng mga kaaway.
sa gitna ng sapirohagorn: ikaw ang bunga pirena ngunit ako ang puno. kahit kailan ay hindi mo mapapantayan ang aking lakas.
pirena: nagawa ko na ng minsan, kayang-kaya kong ulitin ulit!
naglaban sila sa pamamagitan ng espada. galit na galit si pirena.
pirena: hindi ka na matibay na puno hagorn! kulang ng lakas mo!
binigyan ni pirena isang matinding energy blast na-counter agad ito ni hagorn. nag-connect ang energy blasts nila. pero sumabog ito hindi matalo-talo ang isa't isa. napaupo si hagorn at napahandusay si pirena.
sa hathoria.labanan nila aquil, muros, apek, wahid laban sa mga hathor. dumating sina armea at kasama ang kambal.
armea: ayun sina aquil
kambal: syang tunay!totoo ngang naganap na ang digmaan.
armea: oo kaya tayo na, tulungan natin sila!
sa gitna ng sapironakahandusay pa rin si pirena, nanghina sya. tinutukan sya ni hagorn akman papaslangin na.
pirena: hagorn...(umiiyak)
sa baybayin ng adamya.nakaupo si amihan at napalibutan ng mga hathor at kawal ng etheria. nag-orb in si raquim. nagulat si amihan sa pagkakita sa kanyang ama.
raquim: layuan nyo ang diwatang yan! bakit hindi ako ang subukuan nyo? Raquim, prinsipe ng Sapiro.
nilabanan niya ang mga kaaway. natalo nya ito. dali syang pumunta kay amihan.
raquim: amihan, anak. tumayo ka.
amihan: itay...(habol pa ni amihan ang kanyang paghinga)
raquim: amihan, ipunin mo ang iyong lakas. mayroon pang laban na dapat tapusin.
sa gitna ng kagubatan ng lireo.naglaban muli si danaya at sariya. nagawang paluin ni danaya si sariya sa likod. nasaktan din sya ngunit di na niya ito ininda.
sa gitna ng sapiro.hagorn: sa pagkakataong ito pirena. hindi na mauulit ang nangyari noon. sa pagkakataong ito, hindi mo na ako mapapatay muli.
umiiyak si pirena.
hagorn: dahil sa pagkakataong ito, patutunayan ko sayo pirena may natitira pang kabutihan sa aking loob (nag-crack ang boses ni hagorn) para sa aking kaisa-isang anak.hindi ka na mahihirapan, pirena. ipinangangako ko. hindi na kita pahihirapan pa.
lumayo si hagorn kay pirena. humabol si pirena. hawak ang kanyang espada, sinaksak ni hagorn ang kanyang sarili.
pirena: ama!
sa baybayin ng adamya.nilabanan pa rin ni raquim ang mga dumating na mga hathor at tinulungan na siya ni amihan.
sa gitna ng sapiroumiiyak si pirena.
hagorn: pirena, kahit magkaiba tayo ng paniwala. kinararangal pa rin kita dahil tulad ko buo ang iyong loob sa iyong paniniwala. ikinararangal kita.
napaluhod si hagorn.umiiyak si pirena
pirena: ama...
sinamo ni hagorn ang brilyante ng tubig, kinuha ito ni pirena.
pirena: ama...
hagorn: paalam pirena....paalam...paalam
namatay na si hagorn. umiiyak si pirena. naglaho na si hagorn.
background music (alena singing)ngayong takip silim anong kay lungkot
dala ng dilim ay pagkawalang pag-asa
sa baybayin ng adamya.amihan: itay, papaano ka nakabalik mula sa devas?
raquim: pinadala ako ng bathalang emre. amihan, hanggang dito lang ang tulong ko ngunit ikaw ang dapat tumapos sa labang ito.
amihan: salamat itay. kaya ko na ito.
raquim: hanggang sa muli nating pagkikita..mahal kong prinsesa.
nagyakap ang mag-ama.
background music (lira's voice)sa pangarap lang malalasap ang saya nitong aking buhay...
sa panagrap lang naghihintay sa pangarap aking mahal...
doon ako'y maghihintay aking mahal...
flashback.alala nung maliit pa si amihan kasama ang kanyang amang si raquim sa mundo ng mga tao.
end flashback.umiiyak si amihan na nagpaalam. nag-orb out na si raquim.
abangan bukas ang pagwawakas ng encantadia...kami ay mamamaalam na...
pinakita si ybaro..pirena..amihan...alena..danaya
ang magkakapatid na sanggre
ngunit sa aming pagtatapos...ay may bagong panimula...may baby na si danaya at aquil.
may binabasa si arman ng kasulatan sakay sya ng dragon na si arde.
0 Responses to “[Enca 2] Kabanata 47: Ang Galit ng Mga Sanggre”
Leave a Reply